[1] Hiena is her Name

320 114 165
                                    

My father told me to attend a business meeting today. I wore a black sleeveless dress fitted to my body.

Ang sukat ng dress ay one inch above my knee. And I paired it with silver wedge heels.

Kakababa ko lang ng aking porsche baby car, nagsuot agad ako ng sun glasses. Mainit at nakakasilaw ang dampi ng araw but I ignored it.

Nagmamadali akong pumunta sa nasabing restaurant kung saan ko ime-meet ang big client ng company namin.

My dad also told me that this is my practice para daw mahandle ko ng mabuti ang kompanya once he pass his position to me.

Agad kong inayos ang aking damit ng marating ang pintuan. Binati ako ng security guard and ask me kung nagpareserved ako.

"Good morning, Ma'am," bati ni Manong Guard. I nodded at him with a small smile.

"Nagpareserved po kayo?" agad niyang tanong nang mapansing nagpalinga-linga ako ng tingin sa loob.

"Yes, I am. Table 13," maiksi kong tugon. Maybe my client was a bit late.

Bahagyang ngumiti ang guwardiya. "This way, Ma'am!" Sumunod na lamang ako sa kanya. He leads me to an empty table. So my guess was indeed right.

Ngumiti ako sa kanya bago umupo. Sakto namang may pumasok.

Malalaman mo dahil sa pagtunog ng windchimes na nakasabit sa may doorway nitong resturant. Hindi ko man lang napansin iyon kanina.

Tumawag na lang ako ng waiter. Habang hinihintay ko ang waiter ay may umupo sa vacant seat sa harapan ko. Sisigawan ko dapat ang taong umupo nang mapagtantong pamilyar ang kanyang mukha.

Tinanggal ko ang aking sun glasses. Ooops, nakalimutan ko pa lang tanggalin kanina.

"Who the hell are you?" Natigilan siya sa pag-aayos ng gamit at nanlalaki ang matang lumingon sa 'kin.

"Hiena, is that you?" pamilyar ang kanyang boses.

Then, memories of my childhood flashes back to my mind.

My long lost childhood.....friend.

My sweetheart.

Nagsimulang akong kabahan at mamawis ang kamay. Heto na naman ang epekto niya sa 'kin. Akala ko tapos na. Akala ko wala na. Bakit bumalik na naman? Ang pagtingin kong ibinaon ko na?

Pinipigilan kong umiyak sa harapan niya. I shed enough tears. Tama na. Utos ko sa'king utak.

"Long time no see, Carlos!" Ngumiti lang ako sa kanya. Somehow, I missed his voice.

"How are you? It's been a long..." malungkot siyang ngumiti at napayuko, "...years!" dagdag niya.

I composed myself. I need to act professional. This is for your company, Hiena. Cheer up! Magpapalakas ko ng loob sa'king sarili. "Heto, okay lang. Tinuturuan ako ni Daddy na mag-manage ng company namin. Ikaw?" Napaangat siya ng tingin at hindi ko mabasa ang pinaparating ng mga mata niya.

"Im fine! So ikaw pala 'yong anak ni Mr. Basquez?" Nakakunot niyang tanong.

It's a long story to be told why I have different surname with my father.

Tumango ako.

Lumapit ang waiter sa'min. "Ma'am, here's our menu." Inabutan ako ng menu gayundin si Carlos.

I just picked chocolate slice cake and a wine. Hindi naman ako magtatagal dito then maybe I must celebrate this 'reunion' thingy with him.

Ilang taon na ba? Five? Nine? I lost count. Ang tagal ko pa lang naghintay sa kanya.

Habag hinihintay ang order namin ay sinimulan na niya ang dapat gawin.

Huwag magpadala sa emosyon, Hiena.

"This is the concept of our new product! Maybe you should see it and give your opinion." May inabot siya sa'king folder.

I scanned the details and also the proposal. "I think it's a good suggestion. Matutuwa si Dad sa proposal mo." Ngumiti siya at pinagsaklop ang kamay saka inilagay sa ilalim ng kanyang baba.

"You never changed. Ganyan ka pa rin!"

Ngumisi ako. Who told him I never changed? Hindi pa rin matanggal ang ngiti sa labi niya.

"How do you say so, Mr. Paredes?" Kumibit-balikat siya.

"Let's enjoy these meeting! I am so happy I met you again, Hien! I miss you!" Ngumiti ako sa kanya saka naman dumating ang pagkain namin.

Hien, his endearment to our relationship. I missed how he called me by Hien.

Nakahawak na ko sa kubyertos nang magsalita siya ulit. "I miss all those childhood moments we're doing!"

Ang sakit. Nakakatawa, ang tanga ko talaga eh noh? Umasa na naman ako. Akala ko ako ang namiss niya. Akala na naman pala.

I ignored this pain and started talking to him like nothing hurt me whenever those moments came back.

At kasama na rin ang oras na gusto kong sabihing mahal ko siya pero wala na pala siya. Umalis na siya at iniwan ako ng wala man lang paalam.

Mistaken Hiena✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon