MH8 [ Annulment Paper ]

158 92 47
                                    

Annulment Paper


Hindi ako makahinga habang hawak ko ang papel na nagsasabing nakikipaghiwalay na si Carlos sa'kin.

At hindi ko rin mapigilan ang mapaluha habang pinagmamasdan ang pirma niya na nasa papel na.

Totoo ba'to? Hindi ba ako nililinlang ng mga mata ko?

Pinadala niya ang annulment paper sa bahay.At nagpadala rin siya ng mga tao para kuhanin ang gamit niya.

Hi..hindi ako makapaniwala. Nung isang araw ko lang nalaman ang kalokohan nila tas ngayon...ba't ngayon pa? Hindi ba pwedeng bigyan niya ako ng panahon para pag-isipan ang pagpapalaya ko sa kanya?

Ah, oo nga pala. I set him free. Ang tanga mo, Hiena. Ang tanga-tanga mo.

Pinunit ko ang papel tsaka pinunasan ang mga luha ko. Kailangan kong lumaban at gumawa ng paraan.

Hindi ako makakapayag sa gusto nilang mangyari. Hindi ko hahayaang mangyari na masira ang pangako ko kay Daddy. Hindi maaari.

"Bilisan niyo ang pagkuha ng mga gamit niya!!" utos ko sa mga taong kinukuha ang mga gamit ni Carlos.

Kung tutuusin ay pagmamay-ari ko ang bawat nandirito sa bahay. Ngunit, bakit ko hinayaang tangayin nila ang gamit na pinaghirapan ng aking ama?

"Opo ma'am!"

Umalis na ako roon dala ang aking sling bag.

Agad akong nagpara ng taxi patungo sa bahay ni papa. Ang daddy ni Carlos. Hindi ako makakapayag na ganito nalang ako kay daling iwan ni Carlos.

Sumakay na ako at nagpahatid sa subdivision kung nasaan nakatayo ang bahay ng mga Paredes.

Hindi pa rin ako makapaniwala na matagal na pala akong niloloko ni Amethyst at Carlos. At yung panahon akala kong pinayuhan ako ni Thyst tungkol kay Carlos, akala ko ayaw niya akong masaktan pa. Akala ko gusto niya akong makalimot. Akala ko gusto niya lang akong makalaya sa sakit. Nagkamali pala ako.

Totoo nga ang kasabihan na madaming namamatay sa maling akala.

Huminto na ang taxi.Nagbayad ako at nagpasalamat bago ako bumaba.

Dahil sa kilala naman ako ng guard ay agad niya akong pinapasok.

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang isipin na bakit sa dinarami-rami ng tao sa mundo bakit ang bestfriend ko? Bakit ang matalik ko pang kaibigan ang mahal niya?

Tumigil ako sa tapat ng gate nila tsaka pinindot ang doorbell.Rinig ko rin ang yapak ng nagmamadaling tao sa loob.

"Sino po si--Ma'am?" bahagya siyang nagulat at parang siyang kinakabahan.

"May problema ba Yaya Nerie?" umiling ito bago ako pagbuksan.

"Nasaan si Papa?" dagli kong tanong at inilibot ng tingin ang paligid.

Puno ito ng halaman. Mahilig kasi sa puno't halaman si Mama Thalia. Ang mommy ni Carlos.

"Nasa sala po nanonood ng balita." tugon nito at umalis na.Dumiretso ako sa sala at naabutan ko si Papa na nanood nga.

Napatingin siya sa'kin at ngumiti.Pero hindi ko siyang magawang ngitian pabalik. Mga manloloko sila.

"Alam niyo po bang nagbigay ng annulment paper si Carlos sa'kin? Alam niyo po bang nakikipaghiwalay na ang anak niyo sa'kin?" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang bugso ng aking damdamin.

Unti-unting napawi ang kanyang ngiti at sumeryoso ang kanyang mukha. "Nakikipaghiwalay si Kier sayo?" tumango ako kahit naguguluhan.

Ibig sabihin hindi niya alam?

"Tarantadong bata yun! Bakit siya nakikipaghiwalay Iha?" hindi ko na napigilang umiyak na naman. Sa t'wing maaalala ko ang pagtataksil nila sa'kin napapaiyak ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Shhh... 'wag ka ng umiyak iha.Nasaan na ba ang Carlos na yan?" pagpapatahan niya sa'kin. Pero hindi nito napatigil ang agos ng luha ko.

"Si...Carlos..po...na..kay Amethyst po.." nahihirapan kong wika dahil sa pag-iyak.

Saglit siyang natigilan at hinawakan ang magkabila kong balikat tsaka inilayo sa kanya ng kaunti.

"Amethyst? Yung bestfriend mo?" tumango ako na ikinangingit niya sa galit.

"Hayaan mo Iha, kakausapin ko ang Kier na yan." pinunasan niya ang luha ko tsaka ako nginitian.

I give him a small faint smile. "Sana po mapapayag niyo po siyang hindi ako hiwalayan!" sambit ko bago tumayo at magpaalam.

Nakangiti akong lumabas ng bahay ni Papa.

Hindi ko hahayaang mapunta sa'yo si Carlos, Amethyst. Sa'kin na siya sa mata ng batas.

Mistaken Hiena✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon