MH9 [ Heart Break ]

148 91 20
                                    

Heart Break

Kier Carlos' Perspective

"Dad!! Ano na namang pakulo 'to? Akala ko ba pwede na akong makipaghiwalay kay Hiena dahil tapos ko na ang pinapagawa niyo?" bulyaw ko pagpasok ko palang ng opisina niya.

"Wala ka talagang galang Kier.Tsaka dahan-dahan naman sa pinto, mas mahal pa yan sa buhay mo." mahinahon niyang wika tsaka ako pinaupo kaharap siya.

Mas inalala pa niya ang lintik na pintuan kaysa sa nararamdaman ko? Napakawalang kwentang ama.

"Tapos ko na ang pinapagawa niyo Dad. Tapos na. Kaya malaya na ako diba?" pagsusumamo ko sa kanya.

Ngumiti siya. "Nagpapabango lang ako ng pangalan kay Hiena, Kier. Pero dapat gawin mo ang ipapagawa ko sa'yo." masama ko lang siya tinignan. May masama na naman siyang binabalak.

"Kailangan mong hiwalayan ulit ang babaeng nagngangalang Amethyst." nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya. Hi..hindi.

"Oh, may mali ba akong sinabi?" umiling ako at mahigpit na napahawak sa suot kong pantalon.

"O baka gusto mo na namang ipapatay ko ang Amethyst na yan?" nagtagis ang aking bagang dahil naalala ko na naman ang ginawa niya kay Amethyst.

"Masaya bang mawalan ng anak?"

"Paano mo nalamang magkakaanak kami ni Amethyst?"

"Anong akala mo sa ama mo? Bobo? 'wag mo akong gawing tanga Kier.Hindi nagkakamali ang source ko." lahat ng sinabi niya ay tama.

Naalala ko ang gabi bago ako makipaghiwalay kay Amethyst. May nangyari sa'min. Na akala ko makakapagligtas sa'kin mula sa pagpapakasal sa isang babaeng hindi ko mahal...o kilala manlang.

Yan ang desisyon kong ginawa. Ngunit nagkamali ako. Makalipas ang ilang buwan. Nagulat nalang ako ng tumawag siya na nanganganib raw ang buhay nilang dalawa ng anak ko. Nagulat ako oo, at hindi ko mapigilang maging masaya dahil sa magiging tatay na ako. Pero kinain ako nun ng kaba ng sabihin niyang nasa panganib sila.

Mabuti nalang at nailigtas sila ng taong nakakita kay Amethyst. Nadatnan niya itong duguan sa kalsada malapit sa sikreto naming bahay.

Dali-dali siya nitong dinala sa ospital. Buti at ligtas siya subalit ang anak namin....nawala ang anak namin.

Hindi niya ako kinausap nun. Sinisisi niya si Hiena sa pagkamatay ng anak namin. At hindi ko na kinaya nung balak niya ring kitlin ang sarili niyang buhay. Kaya napagpasyahan kong dalhin siya sa ibang bansa para makalimot.

Kasabay nun ang pagpapakasal ko kay Hiena.At ang simula ng plano ni daddy. Ang planong kuhanin ang kayaman ng kanyang karibal sa industriya na si Mr. Basquez.

Pero lalong di kinaya ng konsensiya ko ang ginawa ni dad kay Mr. Basquez. Pinapatay niya ito.

"Ang sama-sama mo Dad!" madiin kong wika matapos ng pagnilay-nilay sa mga nangyari nitong nagdaang taon.

"Alam ko Kier.Kaya nga kung gusto mong mabuhay pa ang babaeng inuuwian mo ngayon, pumili ka na. Susundin mo ang utos kong makipaghiwalay kay Amethyst at balikan si Hiena o maabutan mo nalang patay na yang babae mo?" hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.

Buhay ni Amethyst o si Hiena?

Ang kasiyahan ko o buhay ni Amethyst?

Hi..hindi ako makakapayag na mawalan uli ng anak dahil sa kasamaan ni dad. Oo, nakabuo kami ni Amethyst. Magkakaanak kami dahil sa pagmamahal. Iyon na lamang ang tangi kong kasiyahan.
At hindi ko kakayanin na mawala lahat ng iyon.

Kaya nakapagdesisyon na ako. "Makikipaghiwalay na ako kay Amethyst." pinal kong wika.

Tumayo siya at tinapik ang balikat ko. "Isang mabuting desisyon Kier. Wala namang magagawa ang pagmamahal na yan eh. Hindi ka niyan bubuhayin."

Naiiling ako sa kakitidan ng ulo ng aking ama.

Pag-ibig.... handa akong sumugal para sa taong aking mahal.

Handa akong magsakripisyo para sa kanya.

Tumayo na ako at nilisan ang lugar.Nagtungo ako sa bahay namin ni Amethyst.

Sinalubong niya ako ng ngiti. Hinapit ko siya sa bewang at binulungan. "Lalo kang gumaganda baby!" totoo ngang nagiging blooming ang isang nagdadalang tao.

"Talaga?Baka binibiro mo na naman ako Carlos ahh.Makakatikim ka na talaga sa'kin." nakalabi pa siya. Agad ko siyang hinalikan sa labi na ikinahagikgik niya.

Kaya ko bang makipaghiwalay sa kanya?....ng tuluyan?

Nagharutan at lambingan lang kami ni Amethyst. Sinusulit ko na ang huling araw kong makakasama siya. Hindi ko kakalimutan ang mga ngiti niya. Hindi ko makakalimutan ang mga tawa niya. At hindi ko siya makakakimutan.

"Anong problema Carlos?Ba't bigla kang tumahimik dyan?" alalang wika niya.

"Ayoko na Amethyst.Hindi ko na kaya." nahihirapan kong wika.

"A..ano bang pinagsasabi mo hah?"

Umiling-iling ako. "Tama na'tong relasyon natin. May asawa na ako."

Umiwas ako ng tingin ng unti-unting bumagsak ang luha sa kanyang mga mata.

"Hi..hindi nagsisinungaling ka Carlos.Inutusan ka naman ng tatay mong gago noh?" sigaw niya.

Tumayo ako at akmang aalis ng pigilan niya ako gamit ang pagyakap sa binti ko. "Sabihin mo Carlos, mahal mo pa naman ako diba? Mahal mo naman kami ni baby diba?" hindi ko siya magawang tignan at sagutin. Sa t'wing makikita ko ang nagmamakaawa niyang mata mas gusto ko nalang nasa tabi niya.

"Hi..hindi na kita mahal." nahihirapang sambit ko.Dahan-dahan siyang napabitiw sa binti ko.

"Binibiro mo na naman ako Carlos." nakangiti niyang wika habang lumuluha bago ako yakapin.

"Tandaan mo Carlos, sa'kin ka lang. Sa amin ka lang ni baby. Papatayin ko ang hahadlang sa relasyon natin. Lalo na si Hiena." hindi ko maiwasang kilabutan sa sinabi niya.

Marahas kong tinanggal ang mga kamay niyang nakapulupot sa'kin tsaka umalis.

Subalit narinig ko pa ang huling sinabi niya. "Totoo Carlos, kaya kong gawin ang mga sinabi ko."

Masakit. Napakasakit. Pero kaya ko 'tong tiisin para sa kaligtasan ng mag-ina ko.

Mistaken Hiena✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon