MH5 [ Liar ]

182 101 83
                                    

Liar

Ilang buwan na ba akong nagbingi-bingihan?

Ilan buwan na ba akong nagtanga-tangahan?

All this time niloko nila ako.

All this time nagmahal ako ng maling tao.

At hindi ko alam kung ano amg paniniwalaan ko.

Ang isinisigaw ba ng puso ko? o ang nakikita ng mata ko?

Nung araw na umalis si Carlos ay pinasundan ko siya sa isang investigator.Kumuha ito ng larawan na siyang sumaksak sa puso ko. Na siyang ikipighati ko.

May larawan ako ni Carlos kasama ang isang nakatalikod na babae. Habang si Carlos ay masaya sa piling nung babae.

Hindi ako makahinga habang tinignan ang larawan. Bakit..bakit siya nakangiti? Masaya ba siya kasama ang babaeng iyon?

Masaya na ba siya na niloko niya ako? Masaya na ba siya dahil pinagmukha niya akong tanga at umaasa na magiging masaya pa ang pamilya na'to?

Masaya na ba siya?

Parang hindi ko matanggap na ganun-ganun nalang. Pero sino nga ba ako? Asawa niya lang ako. Asawa niya lang ako.

Hindi ko na mapigilan na umiyak. Akala ko wala na akong iluluha pa. Akala ko hindi na ako iiyak pa. Pero heto, nagpapakatanga ako sa taong may mahal palang iba.

Bakit hindi nalang ako? Mahal naman niya ako diba? Mahal ko siya. Mahal na mahal kaya nga natuwa ako ng siya ang papakasalan ko eh. Pero bakit ganito? Bakit humantong sa ganito ang buhay ko?

Dala ko hanggang saan ang litrato ni Carlos kasama ang babae niya na hanggang ngayon ay di ko pa rin makilala.

At ang nakakainis ay hindi ko siya makita kapag sinusundan ko silang dalawa.

Kahit na gustong-gusto ko ng tanggalan ng buhok ang malanding babaenh iyon ay pinipigilan ko ang aking sarili. Edukada akong tao. Pero dignidad ko na ang tinatapakan nila. Dignidad bilang babaeng may asawa.

Narinig ko ang pagtunog ng sasakyan ni Carlos.Nandito na rin siya sa wakas.

Hindi na ako nag-atubili pa kaya dali-dali kong tinungo ang pintuan at pinagbuksan siya. Sumalubong sa'kin ang maaliwalas niyang mukha habang nakangiti na unti-unting napawi ng makita niya ako.

"It's good that you go home Carlos! Saan ka nakatira at hindi ka na umuuwi rito sa bahay." may galit na sambit ko at hindi ko maiwasan na taasan siya ng boses na siyang ikinagulat niya.

"Bahay?Ito ang bahay ko Heina kaya nga umuwi ako diba? At kung nagtataka ka kung bakit ako wala nitong mga nakaraan ay dahil may business deal ako sa mga client natin. Naiintindihan mo naman diba?" saan niya nakukuha ang lakas ng loob na magsinungaling sa harap ko?

"I never thought you're a liar Carlos. Hindi ko maisip na magagawa mong magsinungaling sa harapan ko." itinapon ko sa kanya lahat ng larawan na nakuha ko mula sa binayaran kong imbestigador.At umakyat sa'king kwarto. Agad ko rin itong ni-lock.

Humiga ako at hinayaang umiyak ng umiyak.

Ang sakit-sakit malaman na kaya niyang magsinungaling sa'kin.

Hindi ko matanggap na kaya niya akong iwan para sa taong mahal talaga niya.

Hahaha, oo nga pala. Hindi naman pala niya ako minahal.

Ni minsan hindi niya ipinaramdam na mahal niya ako.

Ni minsan hindi niya magawang sabihing na mahal niya ako.

Saan ba ako nagkulang Carlos?

Kier Carlos' Perspective

Hindi ako makagalaw ng makita ang mga larawang isinaboy niya sa mismong harapan ko.

Dahan-dahan kong pinulot ito isa-isa. Hindi ko maiwasang manginig sa bawat larawan.

Mga larawan na kasama ko ang babaeng matagal ko ng hinihintay. Babaeng matagal ko ng mahal.

At hindi ko alam ang gagawin pag umabot ang balitang ito sa ama ko.

Hindi ko na kakayanin pa ang malayo ulit kay Amethyst ng ganung katagal at distansya.

Kinuha ko ito lahat.Inipon ko ito at pinagsama-sama. Bitbit ang mga larawan ay dumiretso ako sa bakuran.

Tinapon ko ito sa bakal na basurahan at sinindihan. Unti-unti itong kinakain ng apoy. At dun rin ako nakadama ng kaginhawaan.

Umakyat na ako sa'king kwarto at dinig na dinig ko ang impit na iyak ni Heina.

Bakit di ka pa kasi bumitaw? Bakit di mo pa kasi palayain ang iyong sarili?

Hanggang sa makatulog ako ay tiniis ko ang pagbingi-bingihan.Hindi dapat ako makaramdam ng kahit ano. Hindi ko dapat siya kaawaan. Pero hindi ko maiwasang masaktan nung nakita ko ang mukha niyang luhaan?

Masamang pangitain ito.

Mistaken Hiena✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon