MH11 [ Murderer ]

144 81 15
                                    

Murderer

"Mamatay tao ka! Mamatay tao ka!" sinugod ako ni Amethyst habang ang mga pulis sa paligid ko ay pinuprotektahan ako mula sa kanya.

"Huminahon kayo Ms. Amethyst makakasama po sa dinadala niyo ang ginagawa niyo." pero hindi siya nagpatigil.

Marahas niyang hinablot ang braso ko na hindi napansin ng mga nagbabantay sa'kin. Tinulak ko siya ng malakas.

"Dyusko!!" sigaw ng isang babae, napatingin ako sa tinitignan niya sabay ng panlalaki ng aking mga mata at ang paghila sa'kin ng mga pulis patungo sa kotse.

"Hindi ko sinasadya..hindi.."

Nakatulala ako habang nagpapaliwanag ang pulis sa nangyari katabi ko ang aming family attorney sa side ng tunay kong ama.

"Huwag kang mag-alala Ms. Hiena iimbestigahan naming mabuti ang kaso mo, ilalabas kita rito." napatango ako kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Kasi..inaalala ko ang nangyari bago ako mapunta sa sitwasyong ito.

Kahapon nakatanggap ako ng text mula kay Amethyst, makikipag-ayos na siya sa'kin na agad kong sinang-ayunan. Marami rin akong gustong itanong at sabihin sa kanya.

At higit sa lahat namimiss ko na siya.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita siya sa pinag-usapan naming lugar akala ko...akala ko hindi siya makakarating.

"Mabuti at tumupad ka sa pangako mo ngayon Hiena." malamig ang pagkakasabi niya sa bawat salita na siyang sumasaksak sa puso ko.

Isang beses kasi na nangako ako sa kanya ngunit hindi ko natupad.

Napayuko ako dahil sa kahihiyan, wala along mukhang maihaharap sa kanya pero... siya rin naman diba? Inagaw niya si Carlos sa'kin.

"Pero kalimutan na natin ang nakaraan, gusto mo 'yun Hien diba? At saka nga pala..." naangat ako ng ulo at tila nagningning ang aking mga mata sa narinig kasabay ng mabilis na tibok ng aking puso.

"At saka sa'yo na si Carlos, manloloko siya. Niloko niya ako, sabi niya ako lang pero nandyan ka."

Humikbi niyang sambit, lumapit ako sa kanya tsaka pinatahan siya. Nasasaktan akong makitang umiiyak siya.

"May iba siya Hien..nakita ng dalawa kong mata, pinagtataksilan niya tayo..ako!" lalong lumakas ang iyak niya, kinabig niya ang braso ko tsaka niyakap.

Wala akong nagawa kundi yakapin siya pabalik. Totoo bang may iba pa si Carlos bukod kay Thyst?

Tumahan na siya tsaka humiwalay sa yakap, kaagad niya ring pinunasan ang basa sa kanyang mukha. "Bati na tayo Hien?" parang batang sabi niya.

Napatulala ako at mahinang natawa. "Oo naman Thyst, kalimutan na natin ang nakaraan."





Nagising ako sa isang tapik. "Babae kakain na tayo." aniya ng kasama ko sa selda.

Marahan akong tumango at bumangon sa kinahihigaan. Napanaginipan ko ang nangyari bago ang krimen na ibinibintang sa'kin. Pero bitin iyon at hindi ko maalala ang kasunod.

Ano bang nangyari bago ang krimen? Totoo bang ako ang may kasalanan?

Totoo bang kaya kong pumatay?

Naghuhugas ako ng kamay matapos kumain nang may lumapit na pulis sa kinalalagyan ko.

"Navarro may bisita ka." tumango ako't sinundan siya.

Naabutan ko ang attorney namin na mag-isa sa isang mesa habang may binabasa sa iasang folder.
Umupo ako kaharap siya.

"Kamusta naman ang imbestigasyon Atty. Lopez?" ngumiti siya sa'kin.

"Magandang balita Ms. Hiena,may matibay tayong ebidensiya na hindi ikaw ang suspect sa krimeng pagpatay kay Mr. Paredes."

Nabuhayan ako ng loob para makalabas pa sa piitan at pagbayaran ang kasalanang di ko ginawa.

Matipid along ngumiti, nabaling ang tingin ko sa labas ng bintana kung saan nagbabantay ang ilang pulis.

"May narecover kaming cctv kung saan ka galing bago mangyari ang krimen at saka may kuha rin mula sa labas ng subdibisyon ng mga Paredes kung saan may isang di kilalang kotse ang pumasok. At sino ang nagmamaneho?" dagdag niyang paliwanag.

May inabot siya sa'king folder.Binuklat ko ito, kuha mula sa labas ng subdibisyon na nakazoom-in sa nagmamaneho na kotse.

"Si Amethyst ang pumasok sa subdibisyon bandang 4:45 am, magiging tama lang ang hinala natin kung ang bahay ng mga Paredes ay may CCTV camera." itiniklop ko ito tsaka inilapag sa ibabaw ng mesa.

Napakuyom ang aking kamay. Si.. Amethyst?

Mistaken Hiena✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon