MH6 [ Plan ]

158 95 45
                                    

Plan

Theodore's Perspective

Kung hindi ba naman isa't kalahating bobo ang anak ko, malalaman niyang pinasundan siya ng kanyang asawa.

"Napakabobo mo talaga kahit kailan Carlos!Diba sabi ko alagaan mong mabuti ang imahe mo sa asawa mo? Paano pag hindi yan nagtiwala sa'yo? Anong mangyayari sa pinaghirapan natin tatlong taon na ang nakakalipas? Hah? Nag-iisip ka ba?" alam kong namumula na ko sa galit pero yung magaling kong anak nakayuko lang habang nakaupo sa sofa.

Pinatawag ko rin siya kanina para malaman niya ang kaparusahan ng ginawa niyang ito.

Hindi ako tanga para isakripisyo nalang ang pinaghirapan namin tatlong taon na ang nakakalipas.

Ang paglipat ng bawat yaman ng ABC's Enterprises sa pangalan ng mga Paredes ang dati ko pang plano.

Kaya nga lalo kong ikinatuwa na namatay na ang matagal kong karibal sa industriya. Mas lalong napabilis ang pagkamkam ko sa kayamanan niya.

Ngumisi ako sa kanya.Na ngayon bakas na ang takot sa kanyang mga mata. "Natatakot ka sa kahahantungan ng kagaguhan mo hah?" hindi siya kumibo.

Alam ko ang ginawa mo, Kier. Walang makakalampas sa'kin.

"Bakit mo itinatago sa'kin ang relasyon niyo ni Amethyst habang kasal ka kay Heina? Bakit hindi ka tuluyang nakipaghiwalay sa kanya? Bakit nakipagkontrata ka pa gago ka?" sunod-sunod kong tanong.

Oo, alam ko ang kagaguhan mo, Carlos.

"Hi..hindi ko po alam ang sinasabi niyo.Sumunod po ako plano. Nasa atin na po lahat ng kayamanan nila.Nagawa ko po ng mabuti ang pinapagawa ninyo kaya sana po payagan niyo na kong maging maligaya sa piling ni Amethyst!" aba't ang tarantado nagmakaawa pa sa'kin kasabay nung ang pagpanting ng tenga ko.

Nasa amin na ang yaman ng mga Basquez?

"Ganun ba? Mabuti pero dapat hinintay niyo munang nakapagdivorce kayo ni Heina bago ka magpakita sa iba na may karelasyon bukod sa'yong asawa." mahinahon kong wika. Sinong di kakalma sa isang napakagandang balita?

"Pero daddy, alam niyo naman pong hindi ko mahal si Hiena diba? Ang tunay kong mahal ay si Amethyst. At hindi ko na kaya pang mawalay ng matagal sa babaeng mahal ko!" pursigido ang pananalita niya. Tutal natuwa ako sa ibinalita niya ay bibigyan ko siya ng isang pabuya.

"Maaari ka ng magfileng divorce sa kanya. Job well done my dearest son!" sambit ko ikinalaki ng ngiti niya.

"Sige na umalis ka na at baka magbago pa ang isip ko!" dali-dali siyang umalis.

Takot lang bawiin? Gago talagang bata yun.

Amethyst's Perspective

Balak kong surpresahin siya. Matagal-tagal rin palang hindi ko nakita ang pagmumukha niya.

Kahit na gusto ko siyang sampalin at sambunutan ay hindi maaari. Makakasira ito sa plano kong pahirapan siya gawa ng pagpapahirap niya sa'kin habang nasa kanya si Carlos.

Sinusundan ko siya na pumasok sa isang kumpanya. Kita mo nga naman, kung sinuswerte ako.

Ito ang kumpanyang pinapatakbo ng mahal kong Carlos. Magkikita rin kaming tatlo.

Lumabas ako ng may ngiti sa'king mga labi.

Agad kong tinawagan si Carlos.

"Hi baby!"

"Yup! Actually nasa labas na nga ako ng company niyo ehh."

"Yeah baby aakyat na po ako dyan."

"Okay. I love you!" hinintay kong sagutin niya ito. Napangiti ako tsaka binaba ang tawag.

Hiena.

Truth is my surprise to you!

Pumasok na ako ng building at sinalubong ako ng mga tao ni Carlos.

"Good morning Ma'am. Any appointment with Mr. Paredes?" nginitian ko siya tsaka tumango.Saglit niyang tsinek yung listahan niya bago ako tanungin ulit.

She is nuts. Hindi man lang niya tinanong ang pangalan ko.

"Sino po pala sila?"

"Secretary ni Sir Theodore!" agaran kong tugon. Why not use his name? Tutal manggagamit naman siya.

"Sige Ma'am! Tuloy na po kayo! Nasa last floor po si Sir!" tugon niya tsaka ako pinadaan.

I know where he is don't need to tell it. Napangisi ako habang sumasakay ng elevator.

At hindi ko maiwasang makadama ng kasiyahan at kaba.

Sa tagal kong hindi nakita si Hiena ay hindi pa rin siya nagbabago.

Uto-uto pa rin siya.

Mistaken Hiena✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon