MH4 [ Married Life ]

184 100 89
                                    

Married Life

Naaalala ko pa ang nangyari na parang kahapon lang nangyari.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ang pinakasalan ko ay si Carlos. Ang lalaking matagal ko ng iniibig. Pero bakit ganun? Kahit na sabihin niya pa ang 'I do' sa harapan naming lahat ay parang puno ito ng uyam at poot?

Ayaw niya bang makasal sa'kin?

Ayaw niya ba sa'kin?

Hi..hindi niya ba talaga ako mahal?

Pero sa loob ng tatlong taon naming pagsasama ay hindi naman niya ako kinamuhian dahil sa pagpayag ko sa pagpapakasal ahh?
Hindi manlang siya nagrereklamo sa'kin kahit na magkasama na kami sa iisang bubong.

Tatlong taon.... kong pinaramdam na mahal ko talaga siya.

Tatlong taon akong nakikita at nakakasama ang isang Carlos na nag-iba na.

Hindi nga siya nagreklamo o nagalit pero nagbago siya. Hindi na siya ang Carlos na kilala ko.

Hindi na siya ang Carlos na minahal ko.

Nandito ako sa sala habang umiiyak kaharap ang t.v. nanood kasi ako ng korean drama na tungkol sa buhay mag-asawa hanggang sa naghiwalay sila.

A...ayokong mangyari iyon sa relasyon namin. Masyado ko siyang mahal para makipaghiwalay nalang.

For three years, I tried to build a happy family. Pero nabigo ako. Ni hindi ko natupad ang hiling ng pumanaw kong adoptive father. Ni hindi ko kaya. Hindi ko magawa.

Napatayo ako ng may kumalampag sa pintuan. Nandiyan na siya. Yung taong kanina ko pa hinihintay.

"What the hell Hiena! Open this goddamn door!" padabog ang pagkatok niya sa pintuan. Dali-dali akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto.

"I'...I'm sorry Car..carlos!" paghingi ko ng paumanhin pagkabungad niya sa'kin.

Tinabig niya lang ako ng muntikan ko ng ikatumba. "Ano ba Carlos." mahina kong wika na ikinatigil niya.

"Sorry harang ka kasi sa daan." amoy ko rin ang alak sa kanya. Sinarado ko ang pinto at sinundan siya. Uminom na naman siya.

Tatlong taon... tatlong taon na palagi nalang ganito ang eksena sa bahay.

"Hindi ka pa rin ba titigil sa pag-inom?Magkakasakit ka niyan Carlos!" pagpapaalala ko sa kanya.

Pero ang sagot niya ang ikinatigil ko. "Kailan mo ako balak palayain Heina?" hindi ko magawang masagot ang tanong niya.

Ka..kailangan ko ba siyang palayain?

Kaya ko bang mahiwalay siya sa'kin?

Pero isa lang ang alam ko. Hindi ko kakayanin mawala si Carlos sa'kin.

Hindi ko na siya sinundan pa at dumiretso nalang sa sarili kong kwarto. Ayaw niya kasi na magkatabi kami matulog. Pero dati naman tabi kami ahh?

Pero diba dapat magkatabi sa kama ang mag-asawa?

Matagal na rin simula ng tiisin ko lahat ng ito. Ang malamig niyang pakikitungo sa'kin. Ang mga ginagawa niyang pag-uwi ng lasing.

Iniyak ko nalang kapag tulog na siya. Hanggang sa napagod ako kakaiyak. Ni hindi ko na kayang umiyak kahit masakit na.

Tama pa ba ito? Nagmahal lang naman ako.

Pero sana hindi niya gawin ang iniisip ko. Ang mambabae at dalhin rito sa pamamahay namin. Hindi ko kakayanin. Hindi ko alam kung kakayanin ko.

Amethyst's Perspective

Kakababa ko lang ng eroplano at nalanghap ko agad ang maalinsangang hangin ng Pilipinas. Mukhang nasanay ako sa malamig na klima ahh.

Sinuyod ko ng tingin ang airport. Hinanap ng aking mata ang susundo sa'kin.

It's been a long time, my dear bestfriend.

"I'm back!" ngumisi ako.

Three fucking years...

Three years...

Tapos na ang palugit na hiningi ni Carlos. Babawiin ko na siya mula kay Hiena. Kukunin ko na ang para talaga sa'kin.

Agad ko siyang nilapitan ng makita ko siya. Ngumiti siya sa'kin. Nginitian ko siya tsaka lumapit sa kanya para halikan siya. Palalim ng palalim. I missed him. I missed his kisses. I missed his voice. I missed smile. All of him, I missed. I really missed.

Habol ang hininga ng bumitaw kami sa mainit na halik.

"I miss you baby!" malambing kong wika tsaka siya dinaluhan ng yakap.

Yumakap siya pabalik na ikinalaki ng ngiti ko.

Dahil alam kong hanggang ngayon, akin pa rin si Carlos.

At hindi siya kailanman magiging sa'yo Hiena. Hindi!

Mistaken Hiena✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon