[2] Bestfriend

240 111 175
                                    

Hiena

Nandito ako sa canteen kasama si Amethyst, my bestfriend.

Nagkwentuhan lang kami about school stuffs. Hanggang sa napunta ang usapan sa biglaan kong pag-alis kahapon.

"Hiena, saan ka nagpunta kahapon?" Inilipat niya na ang pahina ng libro. She is busy reading fictional books while chitchatting with me.

Hindi ko maiwasang kabahan at alalahanin ang naging pagkikita namin ng matagal kong nawalay na kaibigan.

"Ahh, about that my daddy called me yesterday then asked me if I can attend his meeting because he is too busy to attend it. I just agreed for my sake. Remember? I need to practice my negotiation skills." Mahaba kong lintanya.

Umangat ang kaniyang tingin sa akin saka sinarado ang kanyang libro. Bakit mukha siyang interesado ngayon?

"Nothing more?" tanong niyang may kuryusidad. Napataas ang kilay ko dahil sa naging reaksyon niya.

Umiwas siya ng tingin nang makita ang naging reaksyon ko.

Did I owe her to tell the truth? I heaved a sigh. Maybe, because she is my bestfriend afterall. She needs to know it.

"Ugh! Paano ko ba ito sasabihin?" bulong ko na ikinalingon niya.

"So, mayroon nga?" Bakit ba interesadong-interesado siya?

"Yeah, yeah fine! Ikukwento ko na!" pagsuko ko. At kinuwento ang nangyari kahapon.

Pero naguguluhan ako sa reaksyon niya. Para bang nasaktan, naguguluhan, galit at nalulungkot?

This is not good, Hiena.

Nasamid ako sa sarili kong laway sa sunod na itinanong niya. "So, mahal mo pa rin siya?"

Para akong bata na napatango na lang bigla.

Nalungkot naman 'yong mata niya at umiwas ng tingin. "Did I told you to forget him? Forget your feelings?"

At lalo akong nagtaka dahil naging madiin ang bawat pagbigkas niya sa kaniyang sinasabi.

"Akala ko lang pala, Thyst!" Nanlilisik siyang tumingin sa'kin. Napayuko ako dahil do'n. Galit na ba siya? But why I am feeling that she is acting strange this day?

"You should forget him!"

And with that, tumayo na siya at iniwan akong napanganga sa sinabi niya.

Why would I forget my feelings for him?

Kasi sobra niya akong sinaktan?

Maybe, she's concern about me.

Ngumiti ako nang mapait habang nakatanaw sa papalayo niyang bulto.






Amethyst

Matapos kong sabihin iyon ay umalis agad ako. Dumiretso ako sa girl's comfort room. Pumasok ako sa cubicle at napaupo sa bowl habang walang tigil sa pag-agos ang aking luha. Kanina ko pa pinipigilang umiyak sa harapan niya.

Of all people on earth why is he the person she loves? We love?

Ang sakit lang. Ang sakit-sakit.

Paano 'pag nalaman ni Carlos that me and his long lost childhood bestfriend is my bestfriend now?

Ipagpapalit niya ba ako? Natatakot ako lalo na't sa t'wing mag-uusap kami ay puro si Hiena na lang ang bukambibig niya. They're friendship is strong. And I just found out his secret through reading his diary.

He loves her so much. Nakakadurog ng puso.

I am his girlfriend right? He is mine. But what if his heart is not mine? What if he loves Hiena?

What if he break me? Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala siya. Mahal na mahal ko si Carlos to give him up to my bestfriend.

I can't live without Carlos. Not now or never. Carlos is mine. Only mine.

Pinunasan ko ang aking pisngi. Hindi ako pwedeng magpatalo kay Hiena. Even she is my bestfriend, I would compete and defeat her when Carlos is the topic here. I won't let her win. Lumabas ako ng cubicle then I retouch. Hindi dapat matalo si Amethyst!

Napangiti ako sa harap ng salamin nang ma-satisfied sa'king mukha bago tuluyang lumabas ng cr. I will fight!




Kier Carlos

After the meeting ay bumalik na ako sa'king opisina. Ibinaba ko ang aking bag. Nang maka-receive ako ng tawag mula kay Amethyst.

Napangiti ako at parang natanggal ang aking stress. She is my stress reliever especially her angelic sweet voice.

"Hi, baby!" Masigla kong bati. Umalis muna ako sa pwesto ko saka naglakad-lakad sa loob ng aking opisina.

"Yes, baby, it's fine! And guess what?"

Excited akong sabihin sa kanya na nakita ko na si Hiena.

"Sige na tanungin mo na! Napakill joy mo talaga baby!" Nakalabi ako kahit 'di niya nakikita. Pilosopohin ba naman ako?

"I found her, baby! I found Hiena!"

Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang labis kong kagalakan pero katahimikan niya ang isinagot sa'kin.

"Oh, bakit ka tumamlay diyan? May sakit ka ba? Ano? Pupuntahan kita!"
Agad kong tinungo ang aking gamit at binitbit. Papalabas na sana ako ng pintuan nang sagutin niya ang tanong ko.

"Take care of yourself, baby! Ayokong nagiging matamlay ka."

Hindi ko maiwasang mag-alala. Paano kung may sakit talaga siya? Okay lang kaya siya sa condo niya?

Bumalik na ako sa table ko. Habang nasa tainga pa rin ang cellphone. "Okay, baby! Always! You too, take care of yourself hah? I love you!" Binaba ko na ang tawag saka pabagsak na umupo sa swivel chair.

Nakakapagod.

Agad kong tiningnan ang folder na nasa mesa ko at binasa ito. Mga pipirmahan ko pala.

Habang pumipirma hindi maalis sa isipan ko si Heina. I miss her so much. Pero mukhang hindi siya komportable kanina.

Bakit naman hindi, Carlos? Ang tagal mo siyang iniwan. Ang tagal mo siyang ginawang tanga.

Napabuntong hininga ako.

Mistaken Hiena✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon