MH14 [ Court's Revelation ]

130 77 15
                                    

Court's Revelation


Hiena's Point of View

Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa court kung saan huhusgahan na kung sino ang tunay na may sala.

Isang linggo...akong naghintay matapos naming mag-usap ni Atty. Lopez, masasabi kong isa siyang napakagaling na abogado at nakaya niyang kumuha ng ebidensiya ng ganung kabilis hindi lamang iyon, ang mga ebidensiyang nakalap niya ay konkreto kumbaga sa pader hindi nasisira ng anumang alibis.

Nakaposas ako, natatakot siguro silang makatakas ako. Tsaka mukhang polisiya na 'yun ng mga parak.
Ngunit kataka-taka dahil sa sobrang tahimik nung pumasok ako,nagawi ang aking tingin sa kabilang side kung saan naroroon sina Kier at Amethyst.Magkatabi sila ngunit sa palagay ko ay hindi nagkikibuan.

Nginitian ko si Atty. Lopez na sinuklian niya ng isang tipid na tango.Umupo katabi siya, at dun ako nakaramdam ng kaba. Kaiiba....pakiramdam ko may mangyayaring masama ngayon.

"Mananalo tayo! Pero bakit iba ang pakiramdam ko?" bulong niya. A...anong? Tama siya..parehas ng kami ng naiisip...bakit ganito?

Nagsimula na ang Judge, pinukpok niya ang bilog na kahoy na nasa harapan niya hudyat na sinisimulan niya na ang paglilitis.







Nakatulala ako habang nagwawala si Amethyst. Nakaduro sa'kin na may kasama lang masamang titig.

"Dahil sa babaeng 'yan! Mamatay tao ka Hiena! Pinatay mo ang baby ko! Hayop ka! Dapat makulong ka hindi ako. Dapat si Hiena ang hulihin kasi pinatay niya ang baby ko!"
nangingilid sa luha ang mga mata niya.

Nahatulan siya ng habang buhay na pagkakakulong habang ang kapatid niyang si Carlos ay makukulong ng sampung taon. Sabay silang pinusasan ng mga pulis.

"I didn't know that they are siblings. Siguro ganun talaga kagaling magtago ng sikreto si Theodore." aniya ng katabi ko.

"It feels not right. May mali. Pakiramdam ko may mali sa sinabi ni Amethyst kanina na magkapatid sila Mr. Lopez!"
naguguluhang wika ko.

"But your case is done. Do you want me to investigate about their problem?" lumingon ako sa kanya.

Pilit na ngumiti. "I guess. I want answer. I want to feed my curiosity."

Tumango siya. "Right away Ms. Navarro!" magiliw nitong wika.

Natawa ako ng mahina. "Congratulations! And thank you for keeping your promise." I sincerely said.

"For my client's daughter. And fulfilling his wish that I'd protect you in his enemies." niyakap ko siya.

Naalala ko na naman si Dad pati si Daddy Jonathan. I miss them. "I thank you for being loyal to my Dad." naluluha kong wika.

Yumakap siya pabalik tsaka tinapik-tapik ang aking likod. "Welcome Ms. Hiena." agad siyang humiwalay sa yakap. "I need to go. I have to work your request!" tumango ako sabay nagwave ng goodbye sa kanya.

He's a good Attorney. He defended me for being innocent in this case. Successful naman ang result dahil lahat ng concrete evidence ay itinuturo si Amethyst.

Umalis na ako sa court.

Hindi ko alam kung bakit napadpad ako sa selda ni Amethyst. Malay ko bang sinusundan ko na sila. Siguro dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayang dinala ako ng mga paa ko rito.

"Kung nandito ka para akusahan ako well panalo ka na. Kasi ako nga ang pumatay sa hayop na tatay kong nagawang saktan ang dalawang anak ko. Mamatay tao siya kaya dapat lang sa kanya 'yun!" tumatawang sabi niya sabay himas sa tyan.

"Baby sorry aah? Hindi ka naalagaan ni mommy. Pasensiya na." dahan-dahan naglaglagan ang mga luha sa mata niya.

Naawa ako sa sitwasyon niya. She lost her child. Tas kapatid niya pa nakabuntis sa kanya. Nakakabaliw talaga kapag sunod-sunod ang trahedyang nangyayari sa'yo lalo na kung mahina ang loob mo.

"Hindi na uulit si mommy. Aalagaan na kita baby ko. Hindi na magiging pabaya si mommy."

"Acceptance Amethyst. Accept the fact that you all did this. This is your karma. Lahat ng ginawa mo bumalik sa'yo. Kaya sana tanggapin mo nalang na nawala ang mga anak mo dahil na rin sa'yo!" wala sa sarili kong sabi.

Napatras ako sa takot. Her deadly eyes.. "What?"

"Sa tingin mo ba pinagsisihan kong mahalin si Carlos? Hindi kasi una sa lahat mahal na mahal ko siya. At ikalawa naagaw ko siya mula sa'yo. We're been a couple years ago nung nakilala kita. I know that you're his bestfriend. Alam kong una ka niyang minahal pero tikom ang bibig ko. Alam mo kung bakit? Kasi gusto ko akin lang si Carlos."

Hindi makapaniwalang nakatitig ako sa kanya.

Ngumisi siya. "Bestfriend..no..ex-bestfriend ngayon mo lang nalaman noh? Masyado ka kasing mabait na hindi mo nakikitang may ginagawa ng mali sa'yo ang tao. Naiinis ako sayo lalo na't lagi nilang ipinagkokompara ako sa gaya mo. Kesyo matalino..maganda..matapang..mabait.. Tao ka lang diba? Pero kung sambahin ka nila para kang Diyos!" sigaw niya.

Lalo akong nanghihina sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. "Nagkakamali ka Amethsyt..hindi ko alam ya--"

"Kaya nga naiinis ako! Punyeta ka kasi wala kang pakialam sa paligid mo! Puro Carlos dito, Carlos doon. Kung minsan naman aral dito, aral doon. O yung pagmamanage mo ng kompanya niyo. I can't believe na natiis kong pakisamahan ang walang pakialam na katulad mo." parang sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit.

Naiiyak akong tumingin ng diretso sa kanya. "I cared Amethyst. Hindi mo lang napapansin. Those activities you aren't have..ako ang nag-asikaso nun. Kasi ayokong bumagsak ka. I even take cared of you while you're sick. I do some of your assignments and projects. Hindi mo ba naalala? I even cried nung sinasabihan ka ng masama ng mga tao. Pinagtatanggol kita kapag hinuhusgahan ang kakayahan mo. Nandun ako. Lagi akong nasa tabi mo. Hindi kita iniwan." hindi ko na napigilan ang paglandas ng aking mga luha.

Napatulala siya habang nakatingin sa'kin. Umiiyak ko siyang nilisan.

Mistaken Hiena✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon