MH7 [ Long time no see, bestfriend! ]

150 94 42
                                    

Long Time No See, Bestfriend!

Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin at nagtungo sa kumpanya.
Halatang napabayaan na ang kumpanya dahil sa hindi na nagsisikilos ang mga tauhan ni daddy na tauhan na ngayon ni Carlos.

Pinagsisihan ko na siya ang pinahawak ko sandali sa kumpanya. Pero anong magagawa ko? Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko kay Carlos at halos sambahin ko na siya. Yung tipong ibibigay mo na lahat.

Pagtapak ko sa ground floor ng gusali ay sinalubong ako ng mga tauhan ko. Ngumiti sila at bumati sa'kin tumango na lamang ako sa kanila.

I wanna check if my company is still capable of running this year. If not, well sorry.

Masakit man sa'king parte iyon dahil pinaghirapan ito ni Daddy ay wala akong magagawa.

Sumakay na ako ng elevator patungo sa last floor kung saan ang opisina ni Carlos.

Nakarating ako roon at gaya kanina ay binati ako ng bawat makakasalubong ko.

Sa dulo ng palapag na'to ay ang opisina ni Carlos. Tinahak ko na ito. Nang makarating ay dahan-dahan ko itong binuksan. Naabutan ko siya na kakababa lang ng telepono niya at nanlalaki ang mata na mapatingin sa'kin.

"Bakit nandito ka?" sigaw niya at halatang natataranta siya.

Why would he act that way?

"Bawal ba ako sa sarili kong kumpanya?" ani ko.

"No no not that.It's very unsual to see you here.Magtatrabaho ka na ba?" sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay inilibot ko ng tingin ang mismong opisina niya.

Kailan ba ako nakapasok rito? Hindi ko maalalang pumasok ako rito.

"Maybe.I just need distractions!" sagot ko at nagulat ako sa reaksyon niya.

Bahagyang umawang ang bibig niya at napapalunok.

"What?" taka kong tanong tsaka umupo sa sofa.

Maybe magpapagawa ako ng opisina sa second o third? Basta malayo sa kanya. I need space. My heart and mind needs rest. And my eyes also needs rest.

Nakaawang na ang bibig ko para magsalita. "Baby!!!" natigilan ako sa pumasok na babae. Maski si Carlos at halatang hindi siya nasurpresa pero ako? Gulat na gulat.

Dahil nasa harapan ko na ang taong sumira sa pamilyang plano kong buuin.

"Okay ka na ba? Tara let's eat! I know you're hungry!" at hindi ko mapigilang mapatayo ng halikan niya si Carlos sa labi.

Halos hindi ako makahinga. Naninikip ang aking dibdib. At hindi ko na napigilan pa ang aking luha.

Lumingon ang babae. At hindi ko na alam ang mararamdaman ko.

Hindi naman totoo ang nasa harap ko diba?

Hindi naman totoo na yung natitirang pinagkakatiwalaan kong tao ay siya ring sasaksak sa'kin patalikod.

"Long time no see, bestfriend!" ramdam ko ang sarkasmo sa bawat salitang sinambit niya.

"Surprise? Ayy nahuli. Maybe I should try another surprise." umakto siyang nag-iisip. " Ahh, how about my relationship with Carlos?Do you know about it?" umiling ako. Hindi ako makapaniwala. At hindi siya kayang i-absorb pa ng utak ko.

"Hmm..Still the kj Hiena.You never change??" ngumiti siya halatang nang-iinis siya but why do I feel empty?

Namanhid na ba ako?

"Alam mo bang kami ni Kier? How many years nga ba? Ahh, it's 5 years sana kung hindi nasira dahil sa pagpapakasal niyo." bigla nag-iba ang tono ng pananalita niya. Pero ako? Nanahimik nalang. I should notice it before. Alam kong may mali pero nagpauto ako sa nararamdaman ko.

"Dahil sa ginawa mo nagdusa kami.At ikaw? Masaya ba sa pakiramdam dahil nasa iyo si Carlos?" nang-uuyam pa niyang wika.

Gusto kong sabihing tama na.

Gusto kong sabihing itigil na ang mga kasinungalin niya...nila.

"Pero teka, sayo ba talaga siya? Naku wrong idea bff. Kasi simula palang akin na siya!" I can't speak.

Hahaha, tama nga naman. Hindi siya sa'kin dahil hindi niya ako mahal. Pero nagpakatanga ako. Umasa. Akala ko nahihiya lang siya kaya hindi niya masabing mahal niya rin ako.

But fudge, all along I've been fooling myself.

"Hindi ka talaga niya minahal." yung kaninang luha ko, ay lalong walang patid sa pagtulo.

"I want to hear it from Carlos then you have him with you ever." matapang kong wika kahit nahihirapan akong huminga dahil sa'king pagluha.

"Baby sabihin mo kung sino ang mahal mo talaga!Go tell her the truth!" pangungumbinsi ni Amethyst kay Carlos. Habang ako ay nakapako ang tingin sa kanya.

Pero may mas sasakit pa pala sa kalokohang niloko nila ako.

Ang mga salitang unti-unting dinudurog ang puso ko.

"Hindi kita mahal!" pagkasabing-pagkasabi niyang iyon ay ngumiti ako ng pilit.

"See? I told'ya!" hindi ko na pinansin pa ang komento ni Thyst.

"You should be happy now Carlos! I am setting you free!" and with that ay umalis na ako sa lugar na iyon.

Kahit na nagtataka ang mga empleyado ko sa'king hitsura ay nanatili silang pipi at bulag.

I should know love would be this painful.

Tinuro na yun sa paaralan pero bakit ko nakalimutan?

Mistaken Hiena✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon