MH15 [ Mistaken Hiena ]

132 75 10
                                    

Mistaken Hiena

Napatayo ako dahil sa sinabi ng kausap ko sa phone. "What? Hindi pwedeng magkamali tayo! Tunay na anak ni Mr. Navarro si Hiena. Imposible yang sinasabi mo."

["Pero Sir...hindi po nagkakamali ang ebidensiya. May naiwan pong Journal si Mr. Theodore sa secret cabinet niya matapos naming mag-imbestiga sa kwarto nito."]

Nanghihina ako dahil sa katotohanan. "Kung tama ang hinala ko...nasa Journal na yan ang kasagutan sa matagal ko ng katanungan. Sige ipadeliver mo na rin 'yan sa bahay kasama ng DNA result ng magkapatid na Paredes." binaba ko na ang tawag sabay umupo sa'king swivel chair.

Napahilot ako sa sintido. There's no way na si Amethyst ang tunay na Hiena. At si Hiena ang tunay na Amethyst. Nakasaad sa dokumentong iniwan ni Mr. Navarro na ang tunay na Hiena ang inaalagaan ni Mr. Basquez.

"Arrggh. Paanong nangyari iyon?" naiistressed na ako. Ilang Linggo na akong naghahanap ng kasagutan tsaka medyo natagalan ako sa proseso ng DNA result.

"Mr. Lopez may naghahanap po sa inyo sa labas." aniya ng aking sekretarya.

"Bat di niyo pinapasok?" Crap. Hindi pala ako nagpapasok ng hindi nila kilalang tao. "Sige salamat Zen. Pupuntahan ko nalang siya." tumayo na ako tsaka tinapik sa balikat si Zen ng madaanan ko siya.

"Bakit..ka nandito?" naguguluhan kong tanong lalo na't umiiyak siya ng maabutan ko.

Nilapitan ko siya tsaka pinunasan ang kanyang luha. "Ms. Hiena..answer me."

Imbis na sagutin ang tanong ko niyakap niya lamang ako tsaka humagulgol ng iyak.

"Sshh.. Stop crying milady." pagpapatahan ko rito.

"To..too ba yung nakasaad sa JOURNAL ni Daddy Jonathan? Na hindi ako ang tunay na Hiena? Na ako talaga si Amethyst?" Laglag pangang natulala ako sa sinabi niya.

Pa..paanong nabasa niya iyon?

"It's just a misunderstanding. I need to find the truth. Kasi gaya mo Ms. Hi-Hiena naguguluhan rin ako." Darn. Bakit biglang nailang akong banggitin ang pangalan niya?

"So..sorry Atty. I was carried away." pilit siyang ngumiti sabay pinunasan ang kanyang pisngi.

"Don't worry Ms. Hiena lalabas rin ang katotohanan. Just wait." pagpapagaan ko sa loob niya. Ramdam ko...ramdam ko na may mali sa Journals. I need to find it.

"Salamat Atty. By the way, how's your investigation?" iginiya ko siya papasok sa'king opisina.

"So far so good. Natagalan lang kami sa DNA results but maybe I can review it tomorrow kapag nadeliver na ngayon."

Tumango lamang siya habang nililibot ng tingin ang kabuuan ng silid. "Magand ang silid mo aah! Halatang organisado siya. Hindi halata sa ugali mo." natatawa niyang komento.

Napailing na lamang ako.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ang basehan ay ang panlabas nitong anyo. Mas mabuting unawain at intindihin ang nilalaman ng isang tao." wala sa sarili kong tugon.

Pilit siyang tumawa. "Huh? Anong pinagsasabi mo Atty? Ang layo niyan sa usapan ah!" nakakunot ang noo nito.

May sinabi ba...ako?

"Ahh? Wala wala Ms. Hiena!" maging ako hindi ko makuha kong ano ang sinabi ko.

Umalis siyang naguguluhan. Maging ako ay naguguluhan sa mga nangyayari.

Mistaken Hiena✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon