MH10 [ Revenge of a Gem ]

153 91 24
                                    

Revenge of a Gem

Naalimpungatan si Theodore dahil sa kaluskos na maririnig sa labas ng kanyang kwarto.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga sabay naglakad papuntang pintuan.Idikit ang kanyang tenga at pinakinggan ang ingay sa labas.

'Sino naman kaya sa mga katulong ko ang gising pa hanggang ngayon?' nagawi ang tingin niya sa may wall clock sa ibabaw ng kanyang ulunan. Mag-aalas-singko palang ng umaga?

'Baka umuwi si Kier mula sa kirida niya.' lumabas siya ng kwarto.

Habang ang isang babae naman ay napalingon sa kanyang likuran.Ngumisi ang babae tsaka dahan-dahang inaangat ang kutsilyo mula sa kamay.Kanina pa niya hinahanap ang lungga ng matanda.Lumabas rito ang kanyang pakay na agad dinambaan ng saksak.

Napahiyaw siya sa sakit. Napangisi ang babae tsaka paulit-ulit siyang sinaksak ng kutsilyo.

'Para 'yan sa anak ko na pinatay mo...' nilaliman niya pa ang saksak kasing lalim ng sugat na dinulot ng kabaliwan ni Theodore sa kayamanan.

'Para iyan sa paghadlang mo sa pangarap naming ni Carlos..' isang huling saksak diretso sa puso.

"Ramdam mo ba ang talim tanda? Ganyan ang naramdaman ko nung nawalan ako ng anak.Ganyan ang nararamdaman ko sa t'wing hahadlangan mo ang kaligayahan naming dalawa ni Carlos." puno ng galit ang kanyang mga mata at tuluyang nagpalamon sa hinanakit na kanyang nararamdaman.

Binitawan niya ang kutsilyo sabay tanggal sa gloves na suot. Bumaba na siya para kunin ang isa pang tao na hadlang sa pangarap niya.

'Magsisimula rito ang paglugmok mo..mahal kong karibal.'

Kinuha na niya ang taong 'yun mula sa kanyang kotse tsaka kinaladkad papasok sa bahay patungo sa mismong kwarto ni tanda.

"Mabuti nalang talaga malakas ang epekto ng pinainom ko sa'yo Hien kundi mararamdaman mo ang sakit ng pagkakaladkad ko at ang masama pa'y magigising ka na hindi pupwede kasi masisira ang palabas na gagawin ko."

Pinalitan niya ang suot-suot na damit. May talsik kasi ng dugo ito na hindi manlang niya nakita kanina buti napansin niya kaagad kundi bulilyaso siya nito.

Maingat niyang iniayos ang pagkakahawak ni Hien sa kutsilyo at sa pwesto ng pagkakasaksak mula sa puso.

"Ayan..matibay na ikaw talaga ang pumatay kay tanda.Goodluck my dearest FRIEND."

Sinarado niya muna ang pintuan ng kwarto bago bumaba.

"Ma'am Amethyst? Ano pong ginagawa niyo rito?" pupungas-pungas na tanong ng isang kasambahay nito sa babae.

Ngumiti siya ng matamis. "Actually kasabay ko si Carlos nasa kotse na siya hinintay niya lang ako, galing kasi akong banyo eh."

"Ganun po ba? Sige po ingat kayo ni Sir."

'Ang tanga-tanga ng mga katulong ni tanda. Hindi naman umuuwi si Carlos rito eh. Kaya paanong maghihintay siya sa'kin sa labas?'

Tatawa-tawa siyang pumasok sa kotse tsaka minaneho ito paalis ng bahay.

Magsisimula na ang plano ni Amethsyt para sa kanyang karibal kay Carlos.

Hiena's Point of View

Naalimpungatan ako dahil sa tili ng isang babae. Bumangon ako sa pagkakahiga ng maramdamang sobrang sakit ng aking ulo.

"A..anong?" napatingin ako sa aking kamay may bahig ito ng dugo pati na ang suot kong damit.

"Ako si Inspektor Sean, Mrs. Paredes inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Mr. Theodore Paredes. Sumama ka ng tahimik at sa presinto magpaliwanag."

Nanlalaki ang aking mata ng posasan niya ako. Napatingin ako sa sahig, nandoroon si Papa Theo nakahiga at naliligo sa sarili niyang dugo.

Nag-init ang sulok ng aking mata. "Mali kayo ng pinagbibintangan! Hindi ko magagawang saktan ang tinuring ko ng ama! Hindi ko magagawang patayin si Papa!" nagsisigaw ako habang nagpupumiglas sa hawak ng mga pulis sa'king braso.

Pero lalo akong nanlumo sa sunod na sinabi ni Inspekor. "Matibay ang ebidensiya namin Mrs. Paredes, may fingerprint mo ang weapon sa pagpatay."

"Pero.." tuluyan na akong napaiyak dahil kita ko sa mga mata ni Carlos ang muhi habang katabi niya si Amethyst na umiiyak. Napatulala ako sa'king nakita.

"Mamatay tao ka! Mamatay tao ka!" sinugod ako ni Amethyst habang ang mga pulis sa paligid ko ay pinuprotektahan ako mula kay Thyst.

"Huminahon kayo Ms. Amethyst makakasama po sa dinadala niyo ang ginagawa niyo." pero hindi siya nagpatigil.

Marahas niyang hinablot ang braso ko na hindi napansin ng mga nagbabantay sa'kin. Tinulak ko siya ng malakas.

"Dyusko!!" sigaw ng isang babae, napatingin ako sa tinitignan niya sabay ng panlalaki ng aking mga mata at ang paghila sa'kin ng mga pulis patungo sa kotse.

"Hindi ko sinasadya..hindi.."

Mistaken Hiena✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon