MH12 [ Suspect's suspect ]

140 81 19
                                    

Suspect's suspect

Kier's Point of View

Nakatingin ako ng matalim kay Hiena habang hawak siya ng mga pulis. Nagawa niyang patayin si Daddy. Nagawa niyang patayin ang nag-iisa kong pamilya. Paano niya nagawa ito sa'kin? Hindi kaya...natuklasan na niya ang ginawa naming pagbabalatkayo, pagnanakaw ng yaman ng mga Basquez?

Possible kaya niya pinatay si Daddy subalit... alam niya kayang ako ang gumagawa ng utos ni Dad? Baka ako ang isunod niya.

"Dyusko!!" palingon ako sa babaeng sumigaw.

Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa diteksiyon ni...

Hindi...

"Amethyst!!" napatakbo ako sa kanya. Humihikbi siya habang bumubulong. "Ang baby ko..ang baby ko.." patuloy ang pagdaloy ng dugo sa binti niya.

'H'wag niyo rin po sanang kunin ang anak ko.Pakiusap,nagmamakaawa ako.'

"Dalhin na natin sa hospital!Madali..bilisan niyo!" sigaw na utos ni Inspektor Sean. Isinakay na agad si Amethyst sa ambulansiya.

Lulan kami nito na humaharurot ito para mabilis kaming makarating sa ospital.Habang si Amethyst ay nahimatay kanina at namumutla sa dami ng dugong dumaloy sa binti niya.

Matiwasay kaming sa pinakamalapit na hospital.Kaagad siyang isinakay sa hospital's bed at itinakbo sa Emergency Room.





Nandito ako sa isang kwarto habang lumuluhang nakasulyap sa natutulog na Amethyst. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang sinabi mg doktor pagkalabas niya ng ER.

"I'm sorry to tell you Mr. Paredes but the baby didn't survive. Hindi malakas ang kapit ng bata kaya nga inilalayo siya sa stress pero hindi nasunod ang habilin ng doktor niyo.I mean based sa result ng blood pressure and blood test,bumaba ang white blood cells niya which means stressed siya. And also overheard that you're wife is harshly push by some lady, so that's another cause of why you're baby didn't survive. I'm sorry."

Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko inalagaang mabuti ang mag-ina. Kasalanan ko lahat sa umpisa palang. Kasalanan ko kung bakit naghihirap si Hiena sa kulungan ako ang dahilan kung bakit pinatay niya si Daddy.

Napatakip ako gamit ang dalawang kamay sabay hagulgol ng iyak.

Kasalanan ko kung bakit nawala ang dalawang anak namin ni Amethyst. Kasalanan ko... patawarin niyo sana ako.

Hiena's Point of View

"Ibig sabihin si Amethyst pumatay kay Papa?May matibay ba kayong ebidensiya na siya nga bukod diyan sa kuha sa CCTV?" lalong lumawak ang ngiti sa mga labi niya.

"Ms. Hiena that was a good question. Ms. Santos found out that there's a pair of gloves and a clothes with a blood behind the bushes inside the perimeter of crime.Kumuha kami ng blood sample sa mga bagay na yun and positive ang result that those things are under our concrete evidence para madiin si Ms. Amethyst. Just wait and watch sa first trial in the court, I will surely clean your name." dagdag na paliwanag niya.

Hindi ako makapaniwala na tama ang hinala ko na si Thyst nga ang pumatay pinaako niya lang sa'kin.

Pero...isa pa pala..

"Atty. Lopez, I also wanted you to investigate the missing properties and money of my dad, Mr. Basquez. He lost almost of his properties except of his private properties. Nabasa ko lahat ng properties ni Dad and I found out na hindi yun nakapangalan sa kanya. Please find the truth for me." nakikiusap kong sabi sabay hawak sa dalawa niyang kamay.

Natigilan naman siya at parang nabigla.

Binawi na ang kanyang kamay. "Is that so? Pwede ko siyang isingit sa ginagawa kong pag-iimbestiga sa kaso. Soon..malalaman na natin ang TUNAY na may sala."

Tumayo na siya tsaka ginulo ang aking buhok. "Ingat ka Ms. Hiena!" napanguso ako dahil sa kanyang ginawa at bumalik na sa'king selda.

Malapit na... kaunting araw nalang Amethyst, babalik sa'yo lahat ng ibinintang mo sa'kin.

Muling bumalik sa isipan ko ang aking ginawang marahas na pagtulak sa kanya.Napailing ako, hindi ito ang oras para maawa at makonsensiya.

Mistaken Hiena✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon