MH13 [ Before the Crime ]

144 80 13
                                    

Before the Crime

Naisip kong humingi ng tawad kay Hiena pero parte lamang iyon ng plano ko sa kanya para bukas.

Abala ako sa pagkikipagpalitan ng text sa kanya ng sumakit ang tyan ko. Sobrang sakit...parang pinipilit ako sa sakit.

Maya-maya'y nawala ito kaya hinayaan ko nalang,hindi ko pa naman kabuwanan para manganak.

Pumunta ako sa napag-usapang lugar.Hinintay ko siya, ilang minuto lang ay dumating na ang aking bisita.

"Mabuti at tumupad ka sa pangako mo ngayon Hiena." malamig kong wika kita ko namang nasaktan siya.

Bagay lang yan sa taong di marunong tumupad sa pangako.Umasa ako...umasa sa wala.

"Tigilan mo na yang Carlos na yan.Walang mabuting maitutulong sa'yo ang lalaking yan. Sasaktan at paiiyakin ka lang niya." ani ko sa matalik kong kaibigan na nagdadrama tungkol sa lalaking mahal niya na iniwan siya.

Ilang araw lang naabutan ko siya sa likod ng building namin na umiiyak.

"Oh 'yan sinabi ko na sa'yo eeh. Walang magagawang matino yang lalaking mahal mo." agad niya akong niyakap at humagulgol ng iyak. Pinatahan ko siya.

Nang tumahan, matipid siyang ngumiti tsaka sinabi ang katagang nagpatalon sa puso ko sa galak. "Pangako Thsyt,pangako kakalimutan ko na'tong nararamdaman ko para sa kanya!"

Pangakong hindi niya magawang tuparin kahit kailan.

Halatang nakain niya ang kanyang dila at di makapagsalita kaya yumuko na lamang siya.

"Pero kalimutan na natin ang nakaraan, gusto mo 'yun Hien diba? At saka nga pala..." plastik akong ngumiti.

Talaga? Kalimutan ang nakaraan? Saan ko nakuha yan? Napatawa ako sa'king isip.

"At saka sa'yo na si Carlos, manloloko siya. Niloko niya ako, sabi niya ako lang pero nandyan ka."

Oo, manloloko si Carlos. Sabi niya mahal niya ako. Sinabi niya lang pala 'yun. Pinaniwala niya ako sa salita niyang walang katotohanan. Manloloko, manloloko kayong dalawa.

Hindi ko napigilang umiyak sa harapan niya sa t'wing papasok sa'king ala-ala ang sugat ng aking nakaraan.

Nilapitan niya ako tsaka niyapos parang pinapatahan niya ako. "May iba siya Hien..nakita ng dalawa kong mata, pinagtataksilan niya tayo..ako!" lalong lumakas ang aking iyak kaya kinabig koang kanyang braso tsaka niyakap pabalik.

Kasinungalingan...kasinungalingan ang bumalot sa pagkatao ko simula palang.Kasinungalingang hindi ko matanggap.

Ang malamang tunay kong ama si Theodore Paredes ang hindi ko matanggap..kaya pala kay dali lang niyang utuin si Carlos. Kaya pala pinatay niya ang anak namin. Kaya pala kasi magkapatid kami ni Carlos.

Hindi.....kapani-paniwala na nagpabuntis ako sa kadugo ko? Anong klaseng tao ako?

Pero...hindi ko kakalimutan Theodore,angmga ginawa mong kasamaan..ang ginawa mong pagpapalayo kay Carlos sa'kin...ang pagpatay mo sa anak namin.

Magsisisi ka. Tandaan mo gaganti ako!

Tumahan na ako tsaka humiwalay ng yakap sa kanya dagli ko namang pinunasan ang luha sa'king mata papuntang pisngi. "Bati na tayo Hien?"

Nakakadiri diba? Pero anong magagawa ko? Mahal na mahal ko si Carlos. Hindi ko hahayaang malaman niya ang totoo higit sa lahat akin lang siya. AKIN LANG!

Napatingin siya sa'kin tsaka mahinang tumawa. "Oo naman Thyst, kalimutan na natin ang nakaraan."

Kumain kami at masayang nagkwentuhan ng mga nakaraan taong hindi kami magkasama. Siyempre ako, iniiba ko ang ibang detalye ng kwento.

Pero di ko inaasahang maaga siya aalis. "Pasensiya na Thyst may kailangan pa kasi akong asikasuhin eeh.Pwede bang mauna na ako?" hindi ko alam ang isasagot.

Pero hindi ko namang hahayaang hindi ko maawa ang plano ko sa kanya. Kaya naman hindi dapat ako maubusan ng plano para hindi ako pumalpak.

"Sige sige Hien okay lang sa'kin. Ingat sa pag-uwi!" kumaway ako sa kanya.

Kaagad kong kinuha ang aking phone tsaka tinawagan ang mga ungas na kinontrata ko para s sunod kong plano kumbaga Plan B na tayo.

"Okay na ba ang lahat? Malapit na ba siya sa pwesto ninyo?"

"Opo ma'am.Nandito na po siya. [Sino kayo? Anong ginagawa niyo sa--] Nakuha na po namin siya ma'am! Kita nalang tayo sa abandunadong gusali."

"Magaling." halos mapunit na ang mga labi ko sa sobrang lapad ng aking ngiti bago sumakay sa'king kotse at nagtungo sa nasabing lugar.

"Gumagana ba yan?" pinagtatalunan kasi namin ang ipaainom sa kagigising lang na si Hiena. Ayun siya di magkamayaw sa pagsisisigaw, akala mo maririnig siya sa labas.

"Opo,ang epekto po nito makakalimutan niya ang mangyayari kapag gumising na siya.Ang kabutihan po nito sa plano niyo, makakatulog siya ng matagal at hindi makakaramdam ng kahit ano."

"Magandang suhestiyon nga iyan. Sige ipainom mo na sa kanya ang gamot para mabilis ng tumalab,maghahatinggabi na at kailangan ko ng simulan ang aking plano."

Ngumiti ng malaki ang nabayaran kong tao.Maya-maya hindi ko na narinig paang sigaw ni Hiena. Mabuti iyon dahil nakakarindi na siya. Baka di na siya umabot sa palabas at di na siya masikatan pa ng araw.

Inilagay nila si Hiena sa likuranng aking kotse. Binayaran ko sila ng malaki para di magsalita at nagtungo sa subdibisyon ni tanda.

Para sa Plan C...ang pagpatay kay tanda at pagdiin kay Hiena sa kaso.

Mistaken Hiena✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon