[3] Adoptive Father

230 107 200
                                    

Nakauwi na ako sa bahay nang hindi pinansin ni Thyst. What's wrong with her? May sinabi ba akong mali? May ginawa ba akong hindi niya nagustuhan? Naguguluhan ako sa inaakto ni Amethyst bago ako umuwi.

I thought magkakabati kami matapos kong humingi ng tawad pero walang nangyari. She ignores me. At ang nakakasakit? Do'n siya sumama sa kaaway namin dati. Bakit gano'n? Iiwan niya rin ba ako tulad ni Carlos? Para akong sinasaksak ng kutsilyo ng maraming beses sa may bandang dibdib.

Dumiretso ako sa kusina. Nauuhaw ako. Nadatnan ko si Daddy na humihigop ng kape at may binabasa siyang dyaryo.

Itiniklop niya ito nang maramdaman ang presensiya ko. "Hi, Dad!" sabay halik sa pisngi niya. Ibinaba ko ang aking bag sa katabi niyang upuan saka umupo na rin.

"You did well my daughter!" Ngumiti siya na sinuklian ko rin ng ngiti.

"Are you ready for your wedding?" Halos makalimutan ko na ikakasal pala ako sa hindi ko kilalang tao.

Bakit? Para makuha ko na ang mana ko sa yumao kong tatay. Ang tatay ko ngayon ay kumpadre ni papa noon. Also, they are bestfriends until one day, kinuha na siya ni papa God. At hinabilin niya ako kay Tito Jonathan which is currently my adoptive father.

But the issue here is my wedding. Kasal. Kasal sa hindi mo mahal na tao. Pwede ba 'yon? Sa mata ng batas? Hindi ba dapat ang nagmamahalan lang ang nagpapakasal?

"Sweetie..." nahihimigan ko ang kalungkutan sa boses niya. "...you know the reason right? Maybe you should fulfill it. Also, you are legal to marry someone." Bakas sa boses niya ang pangungumbinsi sa'kin.

"Daddy..." nanlulumo kong tawag sa kanya. Am I ready? Magpapatali na ba ako? I am 19 now, and I can live my own life. Pero ang tanong kaya ko ba talaga?

"Yes, daddy! Susundin ko po ang hiling niyo!" wika ko sa mababang tinig.

Tumawa siya at pumalakpak bago tumayo. "Just great! Great!" masigla niyang sambit. Umalis na siya at nagtungo sa itaas. Sinundan ko lang siya ng tingin.

I couldn't erase those smiles.

Napangiti na lang ako habang inaalala ang hiling niya. Matanda na raw siya at baka hindi na niya ako maalagaan pa. Gusto niya rin makita akong magkaroon ng isangmasayang pamilya.

Alam kong matagal na akong iniwan ng mga magulang ko. Wala ng kapamilya. Ang natitira na lang sa'kin ay ang aking adoptive father. At hindi ko alam ang mararamdaman kung iiwan niya rin ako. Kaya siguro ipapakasal na niya ako para makabuo ng isang masayang pamilya kaya kahit papaano ay mapalitan nito ang lungkot kapag nawala na siya.

Pero handa na ba ako?






Kier Carlos

Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko si Daddy na nasa kwarto ko. Nilibot niya ito nang tingin. Hanggang sa madako ang mata niya sa wall picture ni Hiena. Portrait niya no'ng bata pa siya.

Malaki ang ngiti ni Daddy nang lumingon sa'kin.

"Bakit ka nandito, Daddy? Akala ko nasa Paris ka? At nasaan si Mommy?" salubong ko sa kanya. Maybe I sound rude but I don't care. Dahil sa pagpasa niya ng posisyon sa'kin hindi ko mabantayan nang maayos si Amythest at dahil din sa kanya kaya kami nagkahiwalay ni Hiena noon.

He took me together with him in London to train about managing his company which is not a good idea.

No'ng unang tapak ko nga sa London, nahirapan ako. I can't even speak English fluently. Then hindi pa ako nagpaalam kay Hiena that time. Umalis ako ng walang paalam. Tapos, he even cut my communications with them.

Para daw makapagfocus ako sa pag-aaral. What the hell is wrong with him? I am only 10 years old that time. Sino ba ang matinong ipapahawak sa anak na bata pa ang negosyo nila?

Kaya hindi ko kayang sikmurain na narito ang nakakainis niyang pagmumukha sa harapan ko. Kaya nga umalis ako roon at inilipat ang minamanage kong kompanya, which is pamana niya, rito sa Pilipinas.

"I have a good and bad news!" Ngumisi siya sa'kin nang hindi ako kumibo.

"Whatever!" asik ko at tinungo ang cabinet para makapagpalit na ako ng damit.

"I consider that as an answer to good news. Prepare for it." Lalo akong nainis sa winika niya. What's good when I see his face in my room?

"Yeah yeah, bilisan mo!" Utos ko.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Kier. Wala ka pa ring galang!" Mag-ama nga kami. Ngumisi ako sa kanya.

"I know," tugon ko.

Sumeryoso ang kanyang mukha na siyang ikinadaga ng dibdib ko. Takte, nakakabakla man pero bigla akong kinabahan. "Good news, pumayag na ang anak ni Jonathan na ikasal sa'yo!"

Fu..fudge! Para akong pinagbasakan ng langit at lupa dahil sa sinabi niya.

I almost forget about the marriage proposal of Sir Jonathan. I ca..can't believe it. Dati ipinagdarasal ko pa na hindi siya pumayag but what happen to change her mind?

"That's a bad news right?" Hindi makapaniwala kong tanong. Hindi pa pumapasok sa sistema ko ang katotohanan. Saka, paano si Amethyst? How can I tell her that I will marry a girl who I didn't know or even love?

"The bad news, do you really want to hear it?" umiling-iling ako. I knew it. I really knew it.

Kahit hindi na niya sabihin. I need to decide now. Umalis na siya sa kwarto ko saka ako dahan-dahang napaupo sa sahig.


What should I do now?

Mistaken Hiena✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon