Chapter 2: Childhood Flashback~

42 1 0
                                    

>Jess' POV<

"Andito na po ako!".

"O anjan ka na pala anak, san ka ba galing at ginabi ka?" ang sabi ng tatay ko.

"Ah! Namasyal lang po ako tay, sige po magbibihis lang po ako"

"Sige anak. Pagkatapos mo baba ka na agad at kakain na tayo ng hapunan."

"Ai syanga pala tay pasensya na kung hindi kita natulungan sa garden. Hindi ko kasi namalayan ang oras"

"Ayos lang yon anak. Tinulungan naman ako ni Mr. Gomez. Nabigla nga ako at gusto nya ako tulungan.haha!"

"Ganun po ba tay. Hilig din naman po talaga ni Mr. Gomez ang pag-aalaga ng mga halaman sa garden.Sige po tay". Dumiretso na ako papunta sa kwarto ko. Pagkapasok ko humiga na muna ako sa kama ko. "Haayy! Nakakapagod magbyahe". Isang sakay lang naman ng jeep papunta dito sa Brentwood Village kaya lang pagpasok mo dito kailangan pang maglakad papunta sa bahay. Bawal kasi ang tricycle dito kasi ngkaroon daw ng nakawan noong nakakapasok pa ang mga ito sa village kaya ipinagbawal na. Swerte na lang kung may kotse e wala naman ako nun. Malayo-layo pa naman ang nilalakad ko papunta dito sa bahay na tinitrhan ko kaya nakakapagod talaga. Pamula sa entrance ng village, dire-diretso lang hanggang sa ikalimang kanto, kakaliwa sa Sagittarius street, ikatlong bahay sa street na ito ang bahay namin ni Tyler.

Oo, nakatira kami ni Tyler sa iisang bahay. Ganito kasi yun. Matagal nang nagtatrabaho ang tatay ko sa pamilya Gomez simula pa nung lumipat sila dito. Hardinero sya dito at minsan driver na din. Kaya lang nung mawalan kami ng bahay at namatay ang nanay ko at dahil wala na rin kaming mapuntahan, pinatira na kami dito. Ang bait nga ni Mr. Gomez kasi binigay nya sakin yung isang kwarto dito sa bahay. Kwarto kasi ito ng ate ni Tyler. May pamilya na yun kaya sakin na lang ito pinagamit. Tapos pinag-aaral pa nya ako. Kaya naman ang laki ng utang na loob namin ng tatay ko sa pamilya Gomez.

Ang masaya nun, katapat ko ng kwarto si Tyler at araw-araw ko din sya nakikita. Nabubuo tuloy agad ang araw ko sa tuwing nagkakasabay kami lumabas ng kwarto namin. Actually simula ng tumira ako dito nagkacrush na agad ako sa kanya. Ang gwapo nya kasi at ang ganda pa ng mga mata nya, his dazzling eyes, haaaaayyyy!!!!..

*tok tok*

"Anak, kakain na tayo"

"Saglit lang tay! Susunod na lang po ako". Naku kailangan ko nang magbihis.

Pagkatapos kong magbihis pumunta na ako sa kusina. Nauuna kami lagi kumain sa pamilya Gomez. Dito kami kumakain sa kusina at syempre dun sila sa dining room. Nakahanda na ang kakainin namin.

"Wow! Ang sarap naman ng ulam.. Adobo"

Umupo na agad ako. Kasabay kong kumain ang tatay ko tsaka ang tatlong katulong at si Aling Lena, siya ang kusinera dito sa bahay.

"mmmm. Ang sarap mo talaga magluto ng adobo Aling Lena"

"Syempre naman hija. Gusto mo turuan kita magluto nito?" 

"Sige po ba. Salamat po!" yey! pag marunong na ako magluto nito, ipagluluto ko si Tyler.

"Walang anuman hija, ikaw pa malakas ka sakin. Syanga pala, malapit na ang pasukan ah. Randy san ba papapasukin ni Sir ang anak mo ?" tanong ni Aling Nena kay tatay.

"Ah. Sa Princeton University daw. Dun din daw kasi mag-aaral si Tyler" sagot ni tatay.

"Talaga tay! Ang saya saya!" haha. As i expected. Lagi naman ako pinag-aaral ni Mr. Gomez kung san nag-aaral si Tyler. Pamula pa nung elementary at hanggang ngayong college. Ang saya saya talaga ng life. Kaya lang kahit sa iisang school kami nag-aaral at sa iisang bahay kami nakatira, hindi ko paring sya nakakausap. Kapag nakakasalubong ko sya at binabati ko, ngumingiti lang sya at dire-diretso sa paglalakad. Ewan ko ba kung bakit ganun. Siguro dahil busy lang talaga sya kaya wala syang time makipagkwentuhan sakin. Ganun talaga siguro pag popular  sa school. Pero ok lang naman sakin un. Naiintindihan ko naman sya. Naalala ko tuloy nung unang kita ko sa kanya.

HIS & HER: A Flipped Lover StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon