<Tyler's POV>
Thursday.3pm.
After class naghang-out kami ni Arah. Nagpunta muna kami sa Picasso Coffee Shop para magmeryenda. At the same time nagkwentuhan na din kami. Pati nga yung baliw na babae nakwento ko din sa kanya. Kung bakit at paano ko nasabing baliw yun. Tinawanan nga lang nya ako e. Para daw akong bata. Hindi naman e. Psh.
Halos isang oras din kami ni Arah na nagkwentuham sa Picasso Coffee Shop at after nun, we decided na pumunta sa SM. Malapit lang naman ang SM dito sa Picasso Coffee Shop. Walking distance lang kaya nilakad na lang namin ni Arah. Mas masaya kasi pag lakad at yung kotse basta nakapark lang sa parking area ng coffee shop.
Anyway, kung saan-saan kami nagpunta ni Arah sa SM. Halos nalibot na nga namin e. Kumain kami sa KFC, naglaro sa Quantum at WOF, tumambay sa Foodcourt, nag-uli sa Department Store, naningin ng gadgets sa Cyberzone at basta bawat floor ay naulian namin. Masaya naman kasama si Arah. Tawang-tawa nga ako sa mga jokes and banat nya e. Kahit yung iba out of nowhere. Malakas talaga ang feeling ko na magkakagusto din ako sa babaeng 'to. Pero hindi pa ngayon, hihintayin ko ang araw na yun. Hindi ko alam kung matatagalan pa pero kung hindi man dumating ang time na yun, tuloy pa rin ang plano ko. Liligawan ko sya, gusto ko man sya o hindi, mahal ko man sya o hindi. Magiging masaya naman sya kung gagawin ko yun e kasi gusto nya ako. Kahit ang main purpose kung bakit ko ginagawa 'to ay para sa sarili ko, para layuan ako ng babaeng pinaka-aayaw ko. Ang mahalaga ay hindi nya malaman 'to.
Ang weird kasi feeling ko may sumusunod samin. Kanina ko pa yun naramdaman simula nang pumunta kami ni Arah dito sa SM mula sa Picasso Coffee Shop. Wala naman ako nakikita kapag lumilingon ako sa likod namin. Binalewala ko na nga lang kasi malamang stalker lang yun. Baka stalker ni Arah. Sa dami ng tagahanga nya malamang stalker nga nya. Pero mga bandang 6pm hindi ko na naramdama na may sumusunod samin.
"Bye Tyler! Thanks for this day, nag-enjoy talaga ako." Kumaway na sakin si Arah at pumasok na sya sa bahay nila. 7pm na kaya hinatid ko na sya sa kanila. As a response, kumaway na lang din ako at nagstart nang magdrive pauwi. Hay! Sobra akong napagod pero nag-enjoy din naman ako kasama sya. Actually namiss ko yung ate ko. Matagal na din kasi kaming hindi nakakapagmall. Kamusta na kaya yun?
"I'm home." Sa wakas nakarating na din ako sa bahay. Gusto ko nang magpahinga.
"Son. Join us. Let's eat." Nakita ko si Dad na nagdidinner kasama ang mga maids. Nagtataka nga ako kasi ngayon ko lang nakita na magkakasabay silang kumaen.
"I'm sorry Dad. I'm already full and I'm tired." Sa dami ba naman ng kinaen namin ni Arah. Umakyat na ako sa taas at dumiretso sa kwarto ko. Humiga muna ako saglit. Sobrang nakakapagod. Haaaiixxttt!.
"Ano kayang meron?" Bigla kong naisip kung bakit nagdidinner si Dad kasama ang mga maids. Mmmm. Baka naman nagcecelebrate lang si Dad about sa success sa work nya. Siguro nga.Makaligo na nga lang at magbihis.
Nagpunta na ako sa banyo para maligo. Nagbihis na din ako ng sando at shorts. Nawala na rin kahit papano ang pagod ko. Ilang saglit lang ay nakaramdam ako ng uhaw kaya nagpasya ako na pumunta sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Pero pagbukas ko ng pinto...
tumambad sa harapan ko ang babaeng kinaiinisan ko na nakataas ang kamay para kumatok sa pinto ko. Kitang-kita ko ang pagkabigla nya at sa hitsura nyang yun, naiirita ako ng sobra. Ano bang kailangan ng babaeng 'to?
"What do you want?" Pagtatanong ko pero wala man lang syang sagot. Natigilan sya at hindi makaimik. Nasilaw ata sa kagwapuhan ko.
"Psh." Sa inis ko dahil hindi naman sya sumasagot, sinaraduhan ko na ang pinto. Pero bigla nya akong pinigilan.
"Ah.Teka Tyler. Ahm." Ano ba naman yan? Hindi pa diretsuhin e. Sisipain ko 'tong babaeng 'to nang dumiretso sa kwarto nya.
"What? Spit it out!" Naiinis na talaga ako pero hindi ko pinahalata sa kanya. Mahirap na baka isumbong ako kay Dad kasi tinarayan ko.
"Ah. Alam mo bang birthday ng tatay mo?" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko sa kanya. Ano bang date ngayon? June 7. Tama! Birthday nga ni Dad. Nawala sa isip ko dahil sa kasama ko si Arah kanina. Nakakainis bakit sa lahat ng pwede kong kalimutan, birthday pa ni Dad? Bakit hindi na lang ang babaeng 'to ang nakalimutan ko?
"Ha? Of course I know! I'm his Son. Bakit naman hindi ko maaalala ang birthday ng Dad ko! Ahmp!" Hindi ko na napigilan ang inis ko at pinagsarhan ko sya ng pinto. Gggrrrr. Hindi na ako nakainom. Mas nauhaw tuloy ako. Kainis yung babaeng yun!
Nakinig ko naman na nagtatakbo yung baliw papunta sa kwarto nya at nagsisigaw. Hindi ko maintindihan yung sigaw nya pero grabe, baliw na talaga sya. Sinamantala ko na ang pagkakataon na lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina para uminom ng malamig na tubig.
"Hay! Nawala din ang uhaw ko."Maalala ko, nakalimutan ko nga pala ang birthday ni Dad. Panigurado tampo yun sakin. Kaya pala nagdinner sya kasama ang mga maids namin. Tinanggihan ko pa naman sya. Punta na lang ako sa kanya at magsosorry. Babatiin ko na rin sya.
After kong uminom, nagdiretso ako sa room ni Dad. Binuksan ko ang pinto ng walang katok, diretso agad ako sa kama ni Dad at tumabi sa kanya. Nakaupo lang sya sa kama nya, naglalaptop habang nanunuod ng TV. Nakipanuod na lang din ako.
"Hey Dad. Happy Birthday. Kala mo nakalimutan ko nu?"
"Halata namang nakalimutan mo e." Aw. Hindi talaga ako makapagsinungaling kay Dad.
"Ano ka ba Dad. Of course not. Bakit ko naman makakalimutan birthday mo?" Tinry ko paring magpalusot kay Dad...
"Nakalimutan mo na nga e." pero waley pa rin. Grabe si Dad e.
"Ok. I'm sorry Dad I forgot. Hindi na mauulit." Hindi man lang sya sumagot at patuloy pa rin sa pagtatype sa laptop nya. Argh. Snab ako.
"As a punishment, you can't use you car for 1 month." Biglang imik ni Dad pero patuloy pa din sa pagtatype.
"What? No way Dad. Para dun lang kukunin mo kotse ko?"
"Anong para dun lang?" Tumingin sakin si Dad at tinaasan ako ng boses. Pero hindi naman yung tipong galit. Tampo lang.
"Ok. Ok." Hindi na ako nakapalag kay Dad. Pati ako hindi makatanggi sa kanya. Argh.
"Go get your car key and give it to me!" Naman si Dad e. Lumabas ako ng kwarto nya ng nakasimangot at nagpunta sa kwarto ko para kunin ang car key ko. Kainis naman e.
Bumalik ako sa kwarto ni Dad at nakasimangot na binigay sa kanya ang car key ko.
"I'll be using your car for 1 month. Don't worry Son, I will take care of it. I even use it for a date with a cute girl." Ano daw? Date? Para namang may papatol pa sa tanda ni Dad. Pero grabe, nang-asar pa talaga.
"Fine. Whatever!" Nakasimangot pa rin akong lumabas ng kwarto pero binuksan ko ulit ang pinto at sinilip si Dad.
"Can I get my car key now?"Nagpaawa effect pa ako.
"No." Pero wala talaga. Pano ako makakapagdate kay Arah kung wala akong kotse. Asar naman si Dad e.Sa susunod, hinding-hindi ko na kakalimutan ang birthday nya at baka di lang kotse ko ang kunin nya,baka kwarto ko na din at dalhin nya dun ang kadate nyang 'cute girl'. Uwwwaaahhh! Asa pa naman si Dad. Psh.
"That cruel punishment!" Argh. Cruel na yun para sakin. Walang papalag.
BINABASA MO ANG
HIS & HER: A Flipped Lover Story
Fiksi RemajaHIS & HER: A Flipped Lover Story is about a annoying girl stalks snobbish boy and how their relationship turns to enemies then turns to lovers..(if you want to see photos for this story, please visit http://s1070.photobucket.com/albums/u490/mErAiKa2...