Chapter 9: Meet Louie~

18 1 0
                                    

<Louie's POV>

"Kriiiinnnnngggggg"

"Aaahhh!!! Ang ingay naman ng alarm clock." Inangat ko agad ang kamay ko para patahimikin ang alarm clock. 7am na and I need to get ready na. Bumangon na ako at naligo. Nagbihis at bumaba para magbreakfast.

Solo nga pala ako dito sa bahay. My parents are in New York. Dun sila nagtatrabaho. Once a year lang sila umuuwi dito. Para magbakasyon at magcelebrate ng Christmas. Sanay na naman ako at ni minsan hindi ko man lang naisip na magrebelde. Bakit naman diba? Ayoko ngang sirain ang buhay ko dahil sa pagrerebelde. Isa pa, I understand my parents. They working their butts for my future. So I never make wrong doings to disappointed them. Good boy kaya ako.haha.

"Good Morning Sir Louie"

"Good Morning Nanay Mila."

Ah. Oo nga pala. Mga maids lang ang kasama ko dito sa bahay. 3 sila at ang isa sa kanila ay si Nanay Mila. Sya ang Mayordoma ng bahay. May katandaan na rin sya at wala na syang pamilya. Ang pagkakaalam ko namatay ang mga anak at asawa nya sa isang sunog sa hometown nya. Kaya simula nun dito na sya pinatira ng pamilya namin. Napagsilbihan pa nga daw nya ang Grandparents ko at nasubaybayan nya ang paglaki ng mama ko hanggang sa nagka-asawa ito at nagka-anak. Napakaloyal talaga ni Nanay Mila kaya mahal na mahal ko yan e.

Pagkatapos ko kumaen nagpaalam na agad ako sa mga maids. Pagkalabas ko naalala ko si Tyler. Nasiraan nga pala sya ng kotse kagabi. Tawagan ko pala sya.

Calling Tyler...

"Hey Brad is your car fixed? If no, i'm willing to fetch you"

"It's fixed. Thanks na lang", ahh. Ang taray ng boses. Badtrip ata 'to e.

"Mm.Ok. See you at school".end call.

Kagabi pa badtrip 'tong bestfriend ko ah. Ano kaya problema nito? Kagabi kasi kwento ako ng kwento sa kanya pero hindi naman sya nakikinig. Parang wala sya sa sarili e. Naku. Baka mabaliw yun ah, lagi na lang mainit ang ulo. Parang madaming problema. Parang pasan ang buong mundo.

Naalala ko tuloy nung una kaming nagkita ni Tyler...

*flashback*

Nasa kwarto lang ako nun. Wala ako magawa kundi dumungaw sa bintana at mahintay ng milagro. Wala naman ako kapatid para makalaro. Busy naman ang parents ko sa work nila. Pati mga maids madaming ginagawa. Sawa na ako maglaro ng video games. Halos lahat ng dvd ko napanood ko na. Grabe! There's nothing for me to do!!!

Nakatulala lang ako sa bintana nang biglang may nakita akong isang bata naglalakad sa tapat ng bahay namin. I think we're on the same age. But what I first notice in him is that his face was so unhappy. Simangot na simangot sya. Kitang-kita na kunot  ang noo nya at pagnguso ng mga labi nya. Nakacross hands pa sya. Para syang batang pinagdamutan ng candy ng parents nya. Sa totoo lang natawa ako sa kanya nung nakita ko sya. Naisip ko, bakit hindi ako makipagfriends sa kanya? I think matatanggal ko yung pagkainis nya. Kwela naman ako e. Mapapatawa ko sya for sure.

Tumakbo ako palabas ng bahay. Hinabol ko sya. Buti na lang hindi pa sya masyado nakakalayo. Nung mahabol ko sya hinawakan ko sya sa balikat. "Hey!". Pero hindi ako agad nakaimik kasi hingal na hingal pa ako sa pagtakbo ko.

"What?", yun lang ang sabi nya. Ang tipid ah. Ang taray pa.

"I'm Louie James Merto, what's your name?" nilapit ko sa kanya right hand ko para makipagshake hands.

Tiningnan nya muna kamay ko. "Sorry, I don't talk to stranger." Tinalikuran ko nya ako at naglakad palayo. Tiningnan ko yung kamay ko at kinausap,"Pahiya ka".

HIS & HER: A Flipped Lover StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon