Chapter 1: @ Picasso Coffee Shop~

83 1 1
                                    

>TYLER'S POV<

"Hay naku!andito na naman yang babaeng yan!bakit ba kahit san ako pumunta palagi na lang siyang sumusunod at sumama pa talaga yung bestfriend nyang bakla at umupo pa sa likod nya para siguro hindi halata na sinusundan nya ako. Siguro type ka nun Louie" pabulong kong sabi sa bestfriend ko.

"Yuck! No way Brad. Let's not talk about that gay. Lert's talk about that girl. She is your Ultimate stalker. Ano ba pinakain mo dyan at adik na adik sayo" tugon ni Louie. Bestfriend ko siya simula pa noong lumipat kami sa Brentwood village. Siya kasi ang una kong nakilala dito at simula noon, palagi na kaming magkasama  at magkasangga sa lahat ng bagay lalo na sa kalokohan.

"FYI.ni hindi ko nga yan kinakausap sa bahay namin e. Palagi akong umiiwas sa kanya sa tuwing lumalapit siya sakin. Bakit kasi pinatira pa siya sa amin at bakit naging anak pa siya ng hardinero namin sa bahay". Ang totoo anak siya ni Mang Randy, hardinero sa bahay namin at minsan driver na din. Ang pagkakaalam ko pinatira siya dito ni dad kasama ang anak niya dahil sobra silang naghirap, nawalan ng bahay at namatayan ng asawa, kawawa naman kaya hinayaan ko na lang si dad na patirahin sila dito.

"Kung ako sayo Brad. Kausapin mo na. Tapos sabihan mo na tantanan ka na para tumigil na. Pero alam mo ang tigas mo din nu? Ilang taon na kayong nakatira sa iisang bahay pero hindi mo pa rin alam ang pangalan nya,hahahahaha!" patawang sabi ni Louie. Wagas ba naman makatawa.

"Ewan ko sayo! Tara na nga alis na tayo" sigaw ko sabay tayo at lumakad palabas ng Picasso Coffee Shop. Sumunod naman sakin si Louie na hanggang sa paglalakad ay tawang-tawa pa din. Baliw na nga ata 'tong bestfriend ko.

>JESS' POV<

"Ang gwapo talaga ni Tyler, nakakainlove talaga siya, lalo na yung dazzling eyes nya" malumanay kong sabi habang nakahalumbaba sa table. Andito ako sa Picasso Coffee shop ngayon. Nakita ko kasi si Tyler na pumunta dito kasama yung bestfriend nya kaya pumunta din ako. Sana hindi nya alam na sinundan ko sya dito. Sana isipin na lang nya na nagkataon lang. Kaya nga bumili ako ng milkshake dito para hindi halata.

Hay! Ano kaya pinag-uusapan nila? Napakaseryoso kasi ng mukha ni Tyler samantalang si Louie ngiting-ngiti.mmmm..d bale ang mahalaga gwapo pa rin siya kahit nakamungot sya. 

"Ewan ko sayo! Tara na nga alis na tayo".  muntik ko nang ibuga ung iniinom kong milkshake. Bigla kasing tumayo si Tyler at sinigawan si Louie. Naku mukhang naasar na talaga siya. Ito namang bestfriend nya tawang-tawa pa din. Baliw na ata yun ah.

Umalis na si Tyler. Saan kaya siya pupunta. Sundan ko na lang siya ulit.

"Hey girl!"biglang may tumawag sakin mula sa likod. Patayo na sana ako e ayan napaupo na naman ako. Lumapit kasi ung baklita kong bff.(best friend forever). Siya si Alekandro, Alec for short. Ayaw nya kasi ng tinatawag sa tunay nyang pangalan kasi ang baho daw pakinggan. Ang arte talaga nitong bestfriend ko. Mas maarte pa sakin.

"Girl! Don't you know?kanina pa ako dito sa likuran mo bago ka pa dumating", halatang tampo siya habang nagsasalita.

"Ay sorry bestie. Hindi kasi kita napansin e." paawa kong sabi sa kanya. Bestie nga pala ang tawagan namin. Siya naman "girl" ang tawag sakin kapag tinatawag ako ng pasigaw.

"Ok lang bestie. I know naman na kay Tyler ka nakatingin kaya hindi mo ako napansin and you really cant take your eyes off him. Iniistalk mo na naman siya"

"Ui nd naman nu!hindi ako stalker" tanggi ko sa kanya.

"Hindi ka jan! e ano pa tawag mo jan ha?aber?"

"Ah.basta!whatever!" pang-iismid ko sa kanya.

"tse!e by the way musta na ba kau nung dream boy mo? any improvement?" ang tanong nya.

"Hay! wala nga e. Ganun pa din. Hindi ko pa din sya makausap. Pag nilalapitan ko sya lagi na lang syang may ginagawa. Palagi na lang sya busy."

"Baka naman kasi iniiwasan ka talaga nya"

"Hindi nu? Hindi ganun si Tyler. Marami lang talaga syang ginagawa"

"Naku bestie. Bahala ka. Ikw din. Magpatuloy ka sa pagiging bulag! Pero payo ko sayo, tigil-tigilan mo na yan!mamaya mabangga ka pa sa daan kakatitig kay Tyler"

"Whatever bestie!teka anong oras na ba?"tanong sa kanya.

"4o'clock na girl"

"Ay naku!kelangan ko na umalis!tutulungan ko pa si tatay sa bahay!", inubos ko na yung milkshake ko at kumuha ng receipt. Grabe!! ang mahal pala nung milkshake. Kinuha ko ung wallet ko at tiningnan kung magkano pa pera ko. Oh no! kapos pala dala kong pera. This is not good!

Lumapit ako kay Alec, baka sakaling pahiramin nya ako ng pera. "Ahm bestie pede bang pautang! Kahit 100 lang oh!" paawa kong sabi sa kanya.

"Hay! Ok bestie!" kumuha sya ng 100 pesos sa wallet nya at binigay sakin."Kung hindi lang kita bestfriend" nakangiti siya habang sinasabi nya un. Buti na lang ang bait ng bestfriend ko at buti na lang mapera sya. May uutangan agad ako in case of emergency.bwahahahaha!joke lng.

Nagbayad na ako sa cashier at lumapit ulit kay Alec at nakipagbeso-beso sa kanya. "Bye na bestie. Alis na ako".

"O sige bestie. Baka andun na din dream boy mo sa house, pagpatuloy mo na ang pagtitig sa kanya" patawang sabi ni Alec.

"Haha!hindi na bestie. Kailangan ko pa tulungan tatay ko. Siguro after nun tsaka ko pagpapatuloy!haha.sige bye na bestie!" kumaway ako sa kanya at lumabas na sa coffe shop.

HIS & HER: A Flipped Lover StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon