<Jess' POV>
"Andito na po ako!" Matamlay kong sabi pagpasok ko sa gate ng Gomez' Mansion. Dumiretso na agad ako sa kwarto at humiga panandalian sa kama ko. "Hay! Nakakapagod naman!" Kasi naman kung saan-saan nagpupunta yung dalawang yun. Halos nilibot na ata nila ang buong SM. Bawat sulok ay pinuntahan na. "Grabeng nakakapagod sumunod sa kanila!Huhu. Hansaket na ng paa ko! Huhuhu."
"Anak ayos ka lang ba jan? Kanina pa kita naririnig jan na ngawa ng ngawa ah?" Natigilan na lang ako nang biglang kumatok si tatay at nagsalita. Ang lakas pala ng boses ko.
"Ah. Ok lang ako tay. Pinapractice ko lang po yung lines ko para sa play namin bukas. Wag kayo mag-alala."
"Ah. Ganun ba. O sige. Peri hina-hinaan mo ang boses mo anak ha? Umaalingawngaw kasi dito sa labas at baka mabulabog mo si Sir Tyler." Bigla kong binuksan ang pinto at nagtanong kay tatay.
"Anjan na po ba si Tyler? Kanina pa po ba sya dito? Para naman pong napaagap ang uwi nya? San daw po ba sya nagpunta? Napa..."
"Teka, teka anak. Wala pa si Tyler. Baka lang magambala mo sya sa kaingayan mo pagdating nya. Bakit ba andami mong tanong tungkol sa kanya anak?"
"Ahaha. Wala po tay. Natanong ko lang naman.
"O Sige anak. Magbihis ka nang maayos at maghahapunan tayo kasama ang sina Sir Gomez pagsapit ng alas-siyete. Baba na ako."
"Sige po tay!" Natigilan ako sandali ah. Sabi ni tatay maghahapunan daw kami kasama ng pamilya Gomez. Oh My! Totoo ba 'to? Ano kayang meron? Edi ibig sabihin makakasabay kong kumain si Tyler ngayong gabi. Yes! This is it! For the first time!
Nagmadali akong naghanap ng damit na isusuot ko. Halungkat ko buong cabinet. Pero grabe naman! Puro t-shirts and jeans lang ang nakikita ko. Karamihan ay pambahay lang. Pano ba 'to!? Ngayon ko lang narealize na wala pala akong matinong damit. Wala man lang something na girly. Argh. Di bale manghihiram na lang ako. Pero...
Pero wala na pala akong oras para manghiram. Isa pa wala akong hihiraman. Si Mich naman napakalayo ng bahay dito. Kaya sana kung may sasakyan lang ako. E wala e. Ggggrrrr..
Teka! Maalala ko meron nga pala akong dress. Oo dress. Ang kaisa-isa kong dress na sinuot ko pa nung JS Prom namin nung high school. Di ko kasi afford bumili ng gown. Ayoko namang humingi ng pambili nun kay tatay lalo naman kay Sir Gomez. Nakakahiya! Dami na nyang nagastos para sa pag-aaral ko. And besides, hindi naman talaga dapat ako aattend ng Prom kasi hindi ko hilig. No choice lang ako kasi
officer ako sa school namin kaya required ako na umattend.
"Asan na nga ba yung dress na yun?" Halungkat... Halungkat... Halungkat..
"Grrrrr. Asan na ba yun!? 6:30 na pero hindi ko pa din mahanap."
"Ah! Alam ko na. Nasa baul ko yun! Tama!" Nilagay ko sa baul yung dress kasi nga tinetreasure ko yun kasi yun yung very first dress ko.
"Yes! Nahanap ko na!" Kinuha ko yung dress sa baul ko. Ok pa naman yun. Walang sira. Buong-buo pa.
"Pweh! Amoy baul!" Syempre dun ko nilagay. Bobo ko naman. Di bale na. Buhusan ko na lang ng pabango para mawala ang amoy-baul.
Sinuot ko na yung dress ko at nag-ayos-ayos na din ng konti. Suklay at polbo. Tapos nagspray ako ng cologne na halos maubos na nga e.
"Ayan. Ok na. Hindi na amoy baul." After nun lumabas na ako at nagpunta na sa dining room.
Nakahanda na ang lahat ng foods at nakaupo na rin lahat ng maids pati na si tatay. Kulang na lang si Sir Gomez at Tyler.
"Tay ano po bang meron ngayon?"
BINABASA MO ANG
HIS & HER: A Flipped Lover Story
Teen FictionHIS & HER: A Flipped Lover Story is about a annoying girl stalks snobbish boy and how their relationship turns to enemies then turns to lovers..(if you want to see photos for this story, please visit http://s1070.photobucket.com/albums/u490/mErAiKa2...