Chapter 6: Mood Swing~

19 1 0
                                    

<Jess' POV>

Argh. Hindi ako mapakali sa kama ko sa kakaisip kay Tyler. Pano ba naman kasi, nakita ko sya with other girl. And I feel so jealous. Tapos nakita ko pa na hinila ni Tyler yung girl. Argh. Buti pa yung girl na yun tapos pinakilala pa nya kay Louie. E ako hindi man lang. Matagal na kami magkasama sa iisang bahay pero hindi man lang nya ako maipakilala sa pamilya nya pati sa bestfriend nya.

"Aargghh!" Ginulo ko ang aking buhok sa sobrang inis sa sarili ko.

"Ano ba naman 'tong iniisip ko. As if naman na ipakilala ako ni Tyler sa friends and family nya. Eh hindi nga nya ako kinakausap, ipakilala pa kaya. Ang baliw mo talaga Jess. Hindi ka pa nga nya tinatawag man lang sa pangalan mo. Malay mo hindi pa pala nya alam name mo. Pero imposible naman yun. Matagal na kami nagkakasama sa bahay na 'to kaya imposibleng hindi nya alam name ko." 

"Ah. Naku Jess. Para kang baliw na kinakausap ang sarili. Matulog ka na nga lang." Tinakpan ko ng unan mukha ko at pinilit ang sarili na matulog. 

"Syanga pala!" Bigla akong napaupo mula sa pagkakahiga ko. "Classmate nga pala kami ni Tyler sa Calculus. So it means, 3days in 1 hour ko makakasama si Tyler sa isang week. Aaaaahhhh!!!!!" Napairit ako sa sobrang kilig. Hindi naman malakas kasi ibinaon ko mukha ko sa yakap kong unan. "Sana palagi kaming magkatabi sa subject na yun. Aaaahhhh!!!". Umirit na naman ako pero this time nakahiga na ako, yakap ko parin yung unan at nakabaon pa rin ang mukha ko habang kasabay sa kilig ang paa ko. Nagpagulong-gulong din ako sa kama ko.

Blaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaag!

 At nalaglag ako sa kama.

"Aray".  Sakit tuloy ng bewang ko ang kiri ko kasi, kiri agad, malikot pla.

Pagakyat sa kama tumigil na ako. Bukas na lng ulit.  Ang sakit na kasi ng bewang ko tapos pagod na din ako. Nakatulog ako habang nakapicture pa rin sa utak ko ang gwapong mukha ni Tyler.

Kinabukasan sa Princeton University...

"Aray! Aray ko". Naglalakad na ako papunta sa room ko habang hawak-hawak ang bewang ko. Napalakas ata bagsak ko kagabi e. Kalikutan kasi.

Hindi ko pa nakikita ngayon si Tyler ah. Asan kaya yun? Nagpalinga-linga ako sa paligid. Baka sakaling makita ko sya. Pero hindi e. Sana makita ko man lang sya ngayon kahit saglit lang. Pero sure naman na makikita ko sya MWF. Classmates kami remember?. Ahihihi! Napangiti ako habang naglalakad.

"Hey girl"

"Ai utak ng kalabaw", nagitla naman ako sa baklang 'to. Bigla naman kasi akong hinawakan sa balikat tapos sumigaw pa, lapit lapit ko na sa kanya.

"Ano ba bestie ginitla mo a...Aray!" bigla na naman sumakit bewang ko. Napahawak pa ako sa bewang ko.

"Oh! Napaano ka bestie?" worried ang bestie ko ah.

"Ah. Eh. Nalaglag kasi ako sa kama ko kaya"

"What? Laki muna nalalaglag ka pa sa kama!?" kala ko naman worried nga 'tong bestfriend ko, niloko pa ako.

"Eh kasi naman kinikilig ako"

"Kinikilig? Dahil kay Tyler? Bakit girl? Pinansin ka na ba nya? Kinausap ka na ba nya?" nacurious si bakla.

"Hindi bestie"

"Oh?e bakit ka kinikilig? Hindi ka naman pala nya kinausap."

"Classmate kasi kami sa isang subject e. Nagkatabi pa kami kahapon"

"Wow girl. Ayos ah. Pero that reason is not enough para sobra kang kiligin at malaglag sa kama mo"

"Whatever bestie. Basta kinilig ako tapos. O sige dito na ako sa room ko. Bye bestie" kumaway na ako sa kanya at pumasok na sa room.

"Wag masyado kiligin bestie para hindi ka nalalaglag!" sinigaw pa talaga nitong baklang ito ah.

"Tse!" Asar talaga e. Tawa pa sya paalis. Palibhasa bestfriend ko kaya ok lang na asar-asarin nya ako.

Pagkaupo ko dumating na din yung professor namin for this subject. Nagcheck na din sya agad ng attendance. Hindi nga ako nakikinig kasi hanggang ngayon nasa isip ko pa din si Tyler ko. Haaayyy!! Nakahalumbaba ako habang nag-iimagine na kasama ko si Tyler.

"Jessie",parang may natawag sakin.

"Jessie Mae!". Parang may natawag talaga sakin.

"Miss Jessie Mae Porte!!" ang lakas na ng boses ng professor.

"Ha? Ahm. Present Sir este Ma'am!", tinawag na pala ako sa attendance. Ang masama pa nun, natawag ko pang Sir yung prof. Babae nga pala sya.

"Bingi ka ba? Miss Porte?" ang taray ni prof.ah.

"Hindi po Sir. ah eh ma'am pala. Sorry po", ang baliw ko grabe.

"Hmp". inismidan ako ni prof. Ayos 'to ah. Pagpapatuloy ko na nga lang ang imagination ko.

Daydreaming...

Daydreaming...

Daydreaming pa rin...

"Tyler!". Ano daw Tyler daw sabi ni ma'am.

"Nasan si Tyler!?". Napatayo ako tapos hinahanap ko sa likod ko si Tyler. Nasa unahan kasi ako nakaupo malapit sa pinto ng classroom.

May tumayong lalaki...

"Ako si Tyler,bakit?".

"Ha? Sigurado ka? Hindi ka si Tyler!", grabe 'tong lalaking 'to. Nagpapanggap na si Tyler. Ambisyoso. Kala mo gwapo. Mukha namang Pido Dida.

"But I am Tyler..." kung maka-english. Hindi naman bagay. Feeler ah! "Tyler Tigidig"

Anu daw? Tyler ano? kung hindi ako nagkakamali, tigidig daw. Kapangalan lang pala nya si Tyler ko. At infairness  bagay sa kanya surname nya. Dami nya tigitig sa face ah! Ang sama ko! Haha!

"Miss Porte, sit down. 20 points deduction!" what! This is not good! Sa sobrang addiction ko kay Tyler e napapahamak ako. Maybe I'll need to stop dreaming of him. Pero hindi ko kaya yun. Wag na lang.

Hay! Pinagtawanan tuloy ako ng mga classmates ko.

Pagkalabas ko ng room sinundan ako nung Tyler Tigidig.

"Miss Porte right?"

Yucks. Englisherong palaka. "Yes, why?"

"Do you know me?"

"No. Hindi kita kilala at ayokong makilala ka. No way. Never!" how rude ko naman. Nakakairita kasi mukha nya e.

"Then why are you..." nagsasalita pa lang sya inenterrupt ko na agad sya.

"Akala ko kasi ikaw yung Tyler na kilala ko. False alarm pala. Kaya please stop following me!" taray ni attii. e hindi ko na kinaya inis ko e kaya nasigawan ko sya. Lumayo na rin ako agad sa kanya.

"Sunget!" narinig ko pa na sinigaw nya yun sakin pero bigla akong natawa. Para kasing bakla yung pagkabanggit nya ng sungit! Laffterp e.

Sa Gomez' Mansion...

Haay! Hindi ko man lang nakita ngaun si Tyler sa school. Nakakapanghina. Nakakapangtamlay.

Papasok na ako sa bahay ngayon. Yung hitsura ko mukhang pagod na pagod. Tapos nakasimangot. Pero pag-akyat ko sa taas, aaaaahhhh!!! Si Tyler nakasalubong ko. Pababa na sya ng hagdan nun.

"Hi Ty..."

Nilampasan lang nya ako tapos naghey sya sakin, nagmamadali siguro sya.

"..ler",eeeehhh!!! kakilig. Akala ko iisnabin nya ako pero hindi pala. Naghey pa sya sakin. As usual naman. Hindi pa ako nasanay. Pero kahit na..kinikilig pa din ako.

HIS & HER: A Flipped Lover StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon