>Jess’ POV<
“Haaaaayyy!!!”, nag-unat-unat ako ng katawan. Tiningnan ko ang orasan ko sa side table. “Ha? Naku. 7 o’clock na pala. Hindi ako nakapag-alarm. Malalate na ako nito!” Dali-dali akong bumangon at ngdiretso sa banyo para maligo. Nagbihis na rin ako agad pagkatapos kong maligo.
Bumaba na ako sa kusina para uminom man lang ng isang basong gatas.
“Oh Jess hindi ka na ba kakain?” tanong ni Aling Lena.
“Hindi na po. Malalate na po kasi ako sa school e”
“Sige hija, oh ito pinanggawa kita ng baon para sa tanghalian mo” inabot sakin ni Aling Nena ang isang lunchbox. Ang bait talaga ni Aling Lena. Siya na ang tumayo bilang nanay ko simula nung tumira ako dito.
“Maraming salamat po Aling Lena, alis na po ako”
Saktong paglabas ko ng bahay ay nakasabay ko si Sir Gomez. Pinasabay na nya ako papuntang school tutal on the way naman yun papunta sa company building ng mga Gomez.
“Hija ok ba sayo na sa Princeton University kita pinapasok?” tanong sakin ni Sir Gomez.
“Oo naman po Sir. Pangarap ko naman po na mag-aral sa university na ‘to. Maraming salamat po sir at dito nyu po ako pinag-aral. Pangako po mag-aaral ako ng mabuti”, nakangiti ako habang nagpapasalamat kay Sir Gomez. Gustong-gusto ko naman talaga mag-aral sa Princeton University lalo na’t dito din mag-aaral si Tyler, yun talaga ang pinakamasaya sa lahat.
“Walang anuman yun hija, parang anak na din naman kita. O andito na pala tayo eh”
“Maraming salamat po talaga. Bye po”, bumaba na ako ng kotse habang kitang-kita ang ngiti sa mga labi ko.
Pinagmamasdan ko ang Princeton University mula sa kinatatayuan ko. Isang malaking building na siguro hanggang 5th floor. Unang kita ko pa lang dito halatang mayayaman lang ang nag-aaral dito. Grabe ang ganda talaga. Feeling ko mayaman na talaga ako dahil dito ako nag-aaral.
Habang pinagmamasdan kong mabuti ang Princeton University, napansin ko ang kotse ni Tyler na papunta sa parking lot ng university. Matapos nyang maipark ang kotse agad syang lumabas. Lalapit na ako skanya. Palapit nang palapit nang palapit nang palapit, parang ang bilis nmn nyang maglakad, pero bibilisan ko din bago pa mahuli ang lahat. Malapit na ako nang….. may biglang umeksena. Naunahan ako ng bestfriend nya, walang iba kundi si Louie.
“Hmmmmp. Sayang! Makakasabay ko sana si Tyler pagpasok kung hindi lang umepal ung asungot nyang bestfriend”.
“Jess! Hey girl! C’mon. Gora na tayo”, nakita ako ni Alec at tinawag nya ako.
“Sige bestie”, hay buti na lang dumating si Alec. May kasabay ako papasok ng school.
“Oh girl san ba ang first class mo? Hatid na kita”
“Salamat bestie. Sa Room 248 sa 2nd Floor ang unang klase ko”
Habang naglalakad kami ng bestfriend ko papunta sa classroom ko, pinagmamasdan ko yung mga nakakasalubong naming mga students. Halata sa kanilang itsura ang mataas na klase ng pamumuhay, inshort, mayayaman sila. Lalo na itong isang grupo ng mga babae sobra sosyal ng mga attire nila parang may party lagi ang pupuntahan. Over sa jewelries yung iba at ang gara ng mga bags and shoes. Todo make-up pa sila na akala mo napasubsob ang mga labi sa sahig sa sobrang pula. Buti na lang magaganda sila kahit papaano. Pero hindi ko matukoy sa kanila kung maganda din ba o masama ang ugali nila.
“Dito na room ko bestie. Salamat sa paghatid. Goodluck sa first class mo”.
“Sige bestie goodluck din at see you later na lang,ok?” tumango na lang ako sa kanya at umalis na sya.
BINABASA MO ANG
HIS & HER: A Flipped Lover Story
Fiksi RemajaHIS & HER: A Flipped Lover Story is about a annoying girl stalks snobbish boy and how their relationship turns to enemies then turns to lovers..(if you want to see photos for this story, please visit http://s1070.photobucket.com/albums/u490/mErAiKa2...