Chapter 18: Brokenhearted Jess~

14 1 0
                                    

<Jess' POV>

"Ouch!Ouch!Aray ang sakit!huhu!..."

"Tumahimik ka nga bestie sa pag-eemote mo jan. Sabi ko naman kasi tigilan mo na ang pagpapantasya mo jan kay Tyler. Dapat matagal mo nang tinanggap na walang pag-asa na magustuhan ka ng lalaking yun. Tingnan mo nga hitsura mo sa hitsura ni Arah. Jusko langit-lupa ang agwat nyo."Grabe 'tong baklang 'to. Sa halip na patahanin ako.nilait-lait pa ako.

"Tse! Alam ko naman pangit ako Alec. Wag mo nang ipagduldulan. Pero bestie kasi..alam mo naman kung gano na katagal ang pinagsamahan namin ni Tyler.huhu!.."

"Anong pinagsamahan?Hello Jess!Gumising ka nga sa katotohanan!." Sabay hawak sa tigkabilang braso ko. "Gumising ka Jess! Baliw na espiritu lumabas ka sa katawan ng babaeng 'to!"

"Ano ba bestie! Nakakahilo! Oo na titigil na ako. Tara na nga! Uwi na tayo." Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad.

"Huhuhuhu!Aray!" 

"Tumigil ka!Babanatan kita!"Aba. Leche 'tong baklang 'to. Batukan ba naman ako.

"Opo! Titigil na po. Hmp." Kung hindi ko lang bestfriend 'tong baklang ito.

"Good. Oh bestie una ka na. May pupuntahan pa ako." Paalam ni Alec.

"Oh san ka na naman pupunta?Ngayon na nga lang tayo nagkasama ulit, iiwanan mo na agad ako."

"May kailangan pa kasi ako asikasuhin bestie. Sensya na. Don't worry babawi ako sayo next time ha?Goodbye bestie.Tigilan mo na pag-eemote mo. Lalo kang napangit."

"Tse! O sige layas na!"

-----

Kalat na kalat na sa buong campus. San man ako magpunta. Kahit sa kasuluk-sulukan ng campus. Yun at yun parin ang naririnig ko.

"Hoy! Alam mo ba? Si Tyler at Arah na!"

"Oo nga! My gosh! Bagay na bagay sila."

Waaaaahhhh! Ang sakit naman sa puso nun. Pero wala na ako magagawa. Sino ba naman ako para hadlangan ang relasyon nila. Isa lang naman akong hamak na yaya nina Tyler na nag-aassume na mapansin man lang niya. Haixt. Kailangan ko na magmove-on dahil kung hindi, baka tuluyang mabaliw na ako. :'(

-----

"Jess!Jess!"

"Oh Mich! Bakit?"

"Are you ok Jess. I just heard the rumor that...?"

"Na si Tyler at Arah na?Naku! Okay lang yun Mich!"

"Really? I was worried about you e. Baka kasi nag-iiyak ka na dahil sa balitang yun kaya hinanap kita. Syempre ayoko ng umiiyak ka at gusto ko ako magcocomfort sayo kung umiyak ka man." Ai naku!Mich tapos na ang pag-eemote ko. Huli ka na!.

"Bakit naman ako iiyak Mich!Ok na ok nga sakin yun e. Tsaka grabe!bagay na bagay sila. :) "Plastic.

"Hay!Buti naman ok lang un sayo. Akala ko magbebreakdown ka na."

"Ano!?Syempre hindi.Ok ako no!?he.he.he." Fake.

"Good to hear. Sige Jess. Alis na ako. Louie's waiting for me e. Bye Jess!"

"Bye!" Talaga namang nakakainggit si Mich kasi sila na ni Louie. Samantalang ako, brokenhearted.huhuhu!.Pero ano namang nangyari sa pahard-to-get effect nya.mmm.yae na. Broken-hearted pa din ako.

-----

Para mawala sa isip ko ang issue na si Tyler at Arah na, nagpakabusy na lang ako sa pag-aaral.Pero wengya! Pati professors alam.at pinagkwentuhan pa.Grabe e. Nakakapanlumo e!

Nagpunta na nga lang ako sa rooftop dahil sa tingin ko wala namang tao ngayong oras na 'to dahil maraming may klase ngayon. Ako naman vacant ko ngayon kaya keri lang.

Nagpunta na ako papunta sa rooftop pero habang umaakyat ako sa hagdan, may naririnig akong mga boses. Isang lalaki. Aalis na dapat ako pero may babaeng nagsalita at familiar ang boses nya. Nacurious ako kung sino sila at ang pinag-uusapan nila. Pero nang marinig ko ang pangalan ni Tyler hindi na ako nagdalawang-isip pa at tiningnan ko kung sino ang dalawang nag-uusap.

Nabigla ako.

Nagitla.

Hindi makapaniwala.

si Arah!.

Si Arah na may kausap na isang lalaking nakahood at nakatalikod. Hindi ko malaman kung sino ang lalaking yun. 

Sakto namang tapos na ang pag-uusap ng dalawa at paalis na sila ng rooftop. Buti na lang nakapagtago agad ako bago pa sila makalapit sa pinto na pingtataguan ko. Pero hindi ko pa rin nakita ang lalaking yun. Sino kaya sya? At sino sya kay Arah?

Teka!Ano ba 'to? Mali 'tong ginawa ko. Dapat hindi ako nakinig sa usapan nila. Masama yun e. Pero nakakacurious kasi. Ano kayang ping-uusapan nila tungkol kay Tyler?mmmm...

HIS & HER: A Flipped Lover StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon