<Tyler's POV>
Bad vibes naman oh! Pagkapasok ko sa school canteen mukha agad ng babaeng yun ang nakapalandra. Kailan ko ba hindi masisilayan ang mukha nya? My life sucks because of her. Kung may time machine lang ako, matagal na ako bumalik sa nakaraan at pipigilan ko talaga si Dad na wag sila patirahin sa bahay namin. Aixt!.
Buti na lang kasama ko si Arah. Sabay kaming maglulunch. Sakto naman na nakita ko si Louie na nakaupo sa table at may hawak na gitara. Nagyabang na naman siguro itong lalaking 'to. Palibhasa magaling kumanta at gusto nyang maging popular dito sa Princeton University tulad nung high school kami. Pahanga talaga 'tong bestfriend ko.
Hinawakan ko si Arah sa braso nya at hinila papunta kay Louie. At the same time, hinila ko si Arah para pagselosin yung crazy girl na yun. Sa tingin ko oras na makita ng babaeng yun na may kasama akong babae, matatauhan sya at titigilan na nya ako. Pano pa kaya kung girlfriend ko na si Arah, edi mawawala na yung babaeng yun sa buhay ko. Wahahaha. Ang galing ko talaga. May plano na ako kung pano mawawala sa landas ko ang crazy girl na yun.
"Oh Brad. Nakinig mo ba yung song ko? Unang performance ko pa lang dito ang dami ko na agad fans especially girls. Iba talaga ang nagagawa ng handsome guy na, talented pa." Umiral na naman ang kayabangan nito. Uupakan ko na 'to e. Sayang, bestfriend ko sya, hindi ko tuloy magawa.
"Hindi e. Hindi ko nakinig"
"What? Bakit? Nakakainis ka naman e."
"Sensya na. May kasama kasi ako e" napatigil sya sa pagmamaktol tapos tiningnan nya si Arah.
Hinigit ako ni Louie at inilayo kay Arah.
"Wow Brad. Nakachicks ka agad ah! At si Miss Gilbertson Arah Mendoza pa. Hanep talaga mukha mo Brad. Pasalamat ka hinawahan kita ng kagwapuhan." pabulong nyang sabi sakin.
"Kapal mo talaga..." pasigaw na ako pero hindi ko na naipagpatuloy sinasabi ko.
"SShhh. Wag ka maingay. Baka marinig nya tayo. Kung ako sayo Brad, liligawan ko na yan" sabay tawa na parang may masamang balak.
"Abnormal ka ba? 1st day pa lang ligaw agad. Masyado kang excited"
"So may balak ka nga? Nice Brad. Pero bilis-bilisan mo na. Baka maagawan ka pa."
"Don't worry Brad. Hindi ko papakawalan yan. Isa pa, pag naging kami ni Arah. May mawawala sa buhay ko. At pag nawala yun, magiging masaya na ako.Wahahaha". tawa.tawa.
"Sino? Si Miss Gardener's daughter? Woah Brad. Does it mean your only using Arah just to be rude to that girl and she will leave you alone? Parang ang sama naman nun.
"Mmmmm. Oo nga nu? Pero I think sa start lang yun. I'll be using her to get rid of that carzy girl. Siguro naman sa mga panahong kasama ko si Arah e maiinlove din ako sa kanya. I mean look at her, she got it all. Parang SM lang. And if I fall for her na, it doesn't mean na ginagamit ko pa rin sya., right?"
"Yeah right. But make sure na maiinlove ka sa kanya para hindi mo sya masaktan ng sobra."
"I'll make sure I will Brad"
Inakbayan ako ni Louie. "I'll be supporting you Brad"
Nginitian ko lang si Louie nun. Hindi kasi ako mahilig magsabi ng thank you. Ngumingiti na lang ako. That's for showing my appreciation.
Lumapit na kami kay Arah para ipakilala si Louie sa kanya.
"Hey Arah this is Louie, my bestfriend"
Louie took her right hand at balak nyang halikan ang kamay nito.
"Nice to meet you Miss Beautiful", grabe 'tong lalaking 'to. Hindi lang mayabang, malandi pa. Papalapit na yung labi nya sa kamay ni Arah nang biglang pinigilan ko sya.
"Ouch!", tinapakan ko sya sa paa kaya naman hindi na natuloy yung pagkiss nya sa hand ni Arah.
"How dare ..." paimik pa lang sya nang biglang ko syang sinabihan.
"Shut up Brad, she's mine!" binulong ko sa kanya.
"And Louie this is...". ipapakilala ko na sana si Arah sa kanya nang bigla nya akong inenterrupt.
"Miss Gilbertson, Miss Arah Mendoza". mag-aattempt na naman sya na halikan kamay ni Arah kaya naman tiningnan ko sya agad ng masama para pigilan sya. Nakita naman nya yung tiger look ko kaya imbis na kiss sa hand e shake hands na lang.
Natawa naman samin si Arah. Nag-akit na sya na kumain at isanama pa nya si Louie. Asar may epal.
Nang makabili na kami ng lunch ay umupo na kami. Katapat ko si Arah and katabi ko naman si Louie. Nagdadanggilan lang naman kami ng braso.
"Epal ka Brad", pabulong ko sa kanya sabay danggil sa braso nya.
"Sorry ka na lang Brad. She invited me to have lunch with her to." patawa nyang bulong sakin tapos dinanggil nya ako sa braso at napalakas pa.
"Aray ko" pabulong pa rin yan.
"Stop it boys,para kayong bata. Let's eat na lang, ok?", biglang nagsalita si Arah. Napapatawa nga sya habang nagsasalita. Nakakahiya tuloy. Ganito kasi kami mag-away ni Louie lalo na pag may kasama kaming iba. Pero hindi naman away talaga. Asaran lang.
"Ok" sabay kaming nagsalita ni Louie. Para nga kaming bata. Para kaming pinagsabihan ng Mommy namin.
"You two are funny" sabi samin ni Arah tapos bigla syang natawa samin. Nakitawa naman kami ni Louie.
"Hahahahahaha!", fake na tawa namin ni Louie tapos nagtitinginan kami ng masama sa isa't isa.
After ng tawanan namin. Bigla kaming natahimik. Nagpatuloy na lang kami sa pagsubo ng pagkain namin.
Silence...
Silence...
Silence pa rin..
"Hey Tyler!", nagitla naman ako, bigla na lang ako tinawag ni Louie.
Basag ang Silence...
"What?", tipid kong sagot kay Louie.
"Nothing". Asar talaga 'to e. Bigla akong tatawagin tapos wala naman pala sasabihin.
"Psh".
"Oh guys! I have to go. I'll be late for my next class. See you later". Biglang tumayo si Arah at nagpaalam na samin.
Tumingin ako sa relo ko. Quarter to 1pm na pala. Malalate na din ako sa next class ko. Bigla akong tumayo at nagpaalam na kay Louie.
"Alis na din ako. Malalate na din ako." walang buhay kong sabi kay Louie. Umalis na agad ako. Hindi pa ako nakakalayo kaya naman nakinig kong nagsalita sya.
"Ha?Alis na agad. Anong oras na ba? Whaaattt!!!Oh no! Ako din pala malalate na!". Baliw talaga yang si Louie. Kumaripas na sya sa pagtakbo at naunahan pa ako ah. Naglalakad lang kasi ako. Bigla kong naisipan na malayo pa pala yung room ng next class ko. Sa 2nd floor pa. Kaya naman nakitakbo na din ako.
Takbo ako ng takbo hanggang makarating na ako sa room ko. Dire-dretso ako papunta sa isang vacant seat habang hingal na hingal ako sa pagod.
"And you are?" nakinig kong biglang nagsalita yung professor. Matandang babae na with salamin na hugis almond.
"Tyler gomez ma'am", huh? sinong nagsabi ng name ko at bakit nya sinabi name ko?
Pikit kasi ako habang humihingal kaya hindi ko alam na ako pala ang kausap ng professor. Katatapos lang pala magcheck ng attendance. At late na nga ako.
"I'm not asking you Miss. I'm asking him", tumingin yung professor namin sa katabi ko. Grabe mataray pala 'to.
Tiningnan ko kung sino yung katabi ko...
What the --!!!!!???????
What is she doing here!??
Don't tell me she's my classmate in this subject!!
"Mr. Gomez. You're late. 10points deduction!!", whhaaaattt!!! Kapag minamalas nga naman oh!
Ggggrrrrr!!!! Bad vibes talaga! >.<
![](https://img.wattpad.com/cover/1304803-288-k280562.jpg)
BINABASA MO ANG
HIS & HER: A Flipped Lover Story
Teen FictionHIS & HER: A Flipped Lover Story is about a annoying girl stalks snobbish boy and how their relationship turns to enemies then turns to lovers..(if you want to see photos for this story, please visit http://s1070.photobucket.com/albums/u490/mErAiKa2...