<Jess' POV>
"Hayy!Pano ko kaya matutulungan si Louie kay Mich." Naglalakad ako ngayon sa corridor papunta sa first class ko. Kagabi ko pa nga iniisip kung pano matutulungan si Louie. Hay! Bakit kasi naisipan ko pang tulungan yun!? Baliw ko talaga! Pero para rin naman 'to sakin. Para may tumulong din sakin dumiskarte kay Tyler. Tama! Tama lang na tulungan ko si Louie. Wala namang masama sa pagtulong diba?
"Hi Miss Jess!"
"Ai. Palaka ka!"Nagulat naman ako ng biglang tumambad sa harapan ko ang nakangiting pagmumukha ni Louie.
"Anong palaka? Hindi ha? Ang gwapo ko kaya!" Pag-angal ni Louie.
"E kasi naman ginulat mo ako."
"Sorry naman! So where is my beautiful girl?"
"Anong your beautiful girl? Ni hindi mo pa nga nadidiskartehan, inaangkin mo na agad." Feeler ha.
"Edi my future beautiful girl. Taray mo pala!" Sigawan ba naman ako. Psh.
"E kasi period ko ngayon kaya madali akong mainis!" Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi ko. Grabe nakakahiya na ipaglandakan ko pa sa lahat na may period ako ngayon. Ang masama pa e nasabi ko pa ng pasigaw sa isang lalaking hindi ko naman kaclose. Argh!
"Hahahaha! So that's why you're sensitive! Hahahahah!" Nakakainis! Tinawanan pa ako. Pahalik ko kaya 'to sa palaka para maging palaka din sya. Para Prince and the Frog.
"Ewan ko sayo. Dyan ka na nga!" Sa inis ko, iniwan ko na sya at naglakad na ulit. Pero hinabol nya ako.
"Hey! Sorry for what I said. I was just joking ok? Just please tell me where Mich is? Please?" Nagmakaawa sya.
"Hindi ko pa siya nakikita e."
"Talaga? How sad naman. Sa tingin mo pano nya ako mapapansin?"
"Edi magpapansin ka!" Pilosopo ko.
"Pano nga diba?" Kulit nito e. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya.
"Dumaan ka sa harapan nya ng paulit-ulit." Sarcastic kong sagot.
"Parang baliw naman yun e." Aixt. Sasagutin ko na nga ng maayos para tumigil na.
"Mmmmm." Isip. "Umacting ka na nabangga mo sya, then tulungan mo sya sa pagpulot ng mga nalaglag na gamit nya. Tapos magsorry ka na din sa kanya at the same time magpacute ka na din. Pogi points na din yun. What do you think?"
"Simple. But I think it will work."
"Ok. Then were done for today." Nagpatuloy na ako sa paglalakad palayo sa kanya. Ewan ko kung gagawin nya yun. Bahala sya. At least nakatulong na din naman ako sa kanya kahit konti.
"Thanks for the tip. I'll definitely do that" Sinigaw nya pagkaalis ko. Pero inignore ko na lang. Suplada ko diba? Pero seryoso sya? Gagawin nya talaga yun? Pero effective naman yun e. Dati kasi nung highschool may nakasabay akong girl sa paglalakad sa corridor. Then nabangga sya ng isang lalaki at tinulungan syang pulutin ang mga books nya. Nakita ko ngang nagsparkle yung eyes nung girl nang makita nya yung lalaking nakabangga at tumulong sa kanya. Tinamaan yung girl. Kung sakin naman yun mangyari baka tamaan din ako at kuminang mga mata ko. Lalo na kung si Tyler yung lalaki. Eeeeeee.
Anyway, kailangan ko nang pumunta sa classroom ko. Baka malate pa ako. Sakto naman na pagdating ko dumating na din yung prof namin. Binati pa ako ni Mich pagkaupo ko. Seatmates kami e. May sasabihin pa naman ako sa kanya kaya lang may prof. Bawal magdaldalan. Terror ang prof. Mamaya na lang sigurong lunch. Sabay naman kami lagi maglunch e.
---
Lunchtime.
Ang tahimik naming kumakain ni Mich. Nagdadalawang-isip akong sabihin sa kanya na nagpunta samin si Louie. Sa amin talaga? e kina Tyler naman talaga yung bahay. Pero ganun na din yun kasi dun na din naman ako nakatira e. Kaya tama lang na sabihin kong samin. Mmm. Sasabihin ko na nga. Pero hindi ko sya dapat diretsahin. Baka magfreak-out e. Matanong muna sya.
BINABASA MO ANG
HIS & HER: A Flipped Lover Story
Teen FictionHIS & HER: A Flipped Lover Story is about a annoying girl stalks snobbish boy and how their relationship turns to enemies then turns to lovers..(if you want to see photos for this story, please visit http://s1070.photobucket.com/albums/u490/mErAiKa2...