Chapter 19: The Truth Reveals~

14 1 0
                                    

<Jess'POV>

Nakakadepress ang araw na 'to...

Buong araw ako mag-isa, tahimik at walang makausap. 

Si Alec may inaasikaso daw.

Si Mich kasama si Louie. May date ata!.

Haixt!Kawawa naman ako! Loner T_T

Andito ako sa rooftop ngayun. Nakatingin sa malayo habang malalim ang iniisip. Puro kalungkutan ang nadadama habang tumatakbo sa isip ang mga katagang palagi ko nang narinig san man dito sa campus.

"Oh my Gosh! Si Tyler at Arah na! Bagay na bagay sila! Ayie! Im so kinikilig!" Salita ko sa pinakamatinis kong boses.

Leche. Edi sila na!!

~Pag-eemote ko habang nakasandal sa pader ng rooftop.

Bigla na lang pumasok sa isip ko ang nadatnan ko dito sa rooftop. Si Arah na may kausap na isang misteryosong lalaki. Mmmmm. Siguro kuya ni Arah. O kaya bestfriend o pinsan. Pero bakit kailangan pa nyang magsuot ng hood na parang ayaw nyang ipakita ang mukha nya. Baka naman may tinatago. Baka pangit. O deformed ang mukha. Maga ang mata o may sugat sa mukha. Mmmmm. Nakakacurious.

Kriiiinnngggg!

Time na pala. Kailangan ko ng pumunta sa next class ko. Kaya naman dali-dali akong umalis at tumakbo papunta sa room ko. Pero wengya! Nakakabadtrip! Ang sakit. Nakasalubong ko pa talaga si Tyler at Arah.HHWW! Argh. Nadudurog na ang puso ko! Huhuhu.

-----MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN...

"Haaaaaaaayyyyy!!!!" Grabe inaantok pa talaga ako at mas lalong nakakaantok ang subject na 'to.(History).

"That's all for today. Class dismissed." Hay!Salamat.Labas na din.

Pumunta muna ako sa locker ko para kunin ang book ko for my next class.

"Hey Jess!"

"Oh Mich! Ikaw pala."

"I miss you girl. Pasensya na kung hindi na kita masyado nasasamahan ha? Ang dami ko kasing activities para sa club namin e. Tapos madami din kami pinupuntahan ni Louie. Alam mo ba nagpunta kami sa .... " (Nakatitig kay Mich habang nag-iisip ng malalim) Haaayyy!Grabe namiss ko ang kadaldalan ni Mich. It's been a month simula ng maging sila ni Louie at hindi ko na rin sya nakakasama. Batian na lang or chit-chat ng mga 15 minutes tapos wala na. Ganyan ba talaga pag in a relationship? Halos half of your day mapupunta sa bf/gf mo at nawawalan ka na ng time for your friends. Pero kahit ganun. masaya pa rin ako para kay Mich. At sa tingin ko naman hindi sya pinaglalaruan ni Louie di gaya nung ex nya. Sana magtagal sila:') 

"Ui Jess nakinig mo ba sinabi ko?"

"Ha?Ah oo.oo."

"Great. See you there girl.Wag kang mawawala dun ha?"

"Ah.Oo.Sige!" Ano daw? San daw? Ano daw meron?

"Ok. See you later." *beso-beso

Hala! Ano daw? Nawala kasi ako sa focus.Hindi ko tuloy nakinig yung sinabi ni Mich. Aixt! Bahala na. Malalaman ko din yun.

"Hello bestie! I miss you so much!" Ai grabe lumala na ang kabaklaan ng baklang 'to. Si Alec na naglalakad papalapit sakin.

"So?" Sagot ko nang walang kabuhay-buhay.

"Oh. Are you ok bestie? May sakit ka ba? Bakit busangot ang pagmumukha mo?"

"Wala. Nakakairita ka kasi."

"What?Bakit? May masama ba akong ginawa? Tell me."

"Wala! Nagbibiro lang ako."

"Ah.mmmm.So musta? Nakamove on ka na ba?"

"Change topic."

"Oh.Bitter ha? Look who's coming."

Aw. Badterp naman. Si Tyler at Arah. At as usual HHWW. PBB Teens? Halos lahat napapatingin sa kanilang dalawa habang dumadaan sa corridor at nag-iiritan sa sobrang kilig. Hello? Ano nakakakilig sa HHWW? Natural lang naman yun sa magkatipan. Haixt. Pero pati ako napatingin sa kanila. Hanggang sa napatingin din sakin si Tyler. Para bang ang aming mga mata ay nagsalubong. Pero saglit lang dahil tumingin din agad sya kay Arah at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Arah. Wengya. Pinagseselos ako ng lalaking 'to e.Asar!.

"Oh girl ang nguso mo humahaba!." Kanchaw sakin ni Alec.

"Nakakaasar kasi."

"Hay! Sabi ko na nga ba hindi ka pa rin makaget-over kay Tyler. Kung ako sayo ibaon mo na yan hangga't maagap pa. Lalo ka lang masasaktan nyan."

"Ewan ko sayo!." Pagtataray ko kay Alec.

"Aba!Ikaw na nga binibigyan ng advice jan. Ayaw pa mu?"

"Alis na ako. May klase pa ako." Naglakad na ako agad palayo kay Alec.

"Suplada. Hmp." Pag-uungot nya.

Sa totoo lang kasi nagtatampo ako kay Alec. Pareho lang sila ni Mich na hindi ko na nakakasama. Pero ito kasing si Alec hindi ko alam kung saan nagsususuot o nagpupupunta. Para bang may tinatago siya sakin. Ni hindi man lang sya nagshashare sakin. Puro pang-aasar lang tungkol sa pagmumukha ko o kung hindi naman ay tungkol kay Arah at Tyler. Pero namimiss ko na talaga ang bestfriend kong bakla. Alam kong tinarayan ko sya kanina. Kasi naman nakakainit ng dugo ang mga nagaganap sa buhay ko these past few days tapos dadagdag pa ang pang-aasar nya. Magsosorry na lang ako sa kanya next time.

Isang buwan na ako hagas na hagas!... T_T

-----

Nagpunta ulit ako sa rooftop para doon magrelax. Pero nadatnan ko ulit si Arah doon na may kausap na lalaki. Siguro sya din yung lalaking kausap nya nung una ko syang makita dito. Pero this time, nakashades lang sya. At sa tingin ko kasisimula lang ng pag-uusap nila.

"Ano nang balak mo sa kanya? Kailan mo pa ba gagawin yung misyon mo? Gusto mo pa atang patagalin e." Sabi nung lalaki kay Arah at mukhang naiinis sya.

"Babe chill ka lang ok? Malapit na." Babe?Huh?Di ba si Tyler ang bf nya. E bakit nya tinawag na babe ang lalaking yun. Sa sobrang bigla ko e napatakip na lang ako ng bibig.

"Dapat lang!Bilisan mo na dahil gusto ko nang matapos agad ang relasyon nyo ng lalaking yun at bumalik ka na sakin." Relasyon ng lalaking yun? Si Tyler?

"Yes Babe. Dont worry I'll do it as soon as possible ok?" Lumapit si Arah sa lalaki at hinalikan sa lips.

Oh my God! Does it mean na niloloko nya lang si Tyler. At anong misyon ang sinasabi nung lalaki? Anong binabalak nila kay Tyler? Biglang-bigla ako sa narinig ko hanggang sa napaurong ako at nalaglag sa hagdanan.

BLAAAAAGGGGG!!!!

"Aray ko po. Jusko." Yan ang napapala ng tsismosa. Naku mukhang napalakas ang bagsak ko at baka narinig nila ako. Maya maya pa ay biglang may lumabas sa pinto ng rooftop buti na lang nakatago agad ako. 

"Ang lalaking yun!" Bulong ko sa sarili habang nakatingin sa lalaking lumabas sa pinto ng rooftop. Ang lalaking kausap ni Arah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIS & HER: A Flipped Lover StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon