Chapter 5
Lissie
“Nay, ayos na ba itong suot ko? O, mas maganda ito?”
Iritable na ako sa paulit-ulit na pagsusukat. I don’t know what clothes I should wear for this dinner with Zach. This whole thing is driving me nuts!
“Nak, bagay naman sa’yo kahit na ano.” Sagot ni nanay na hindi naman nakatulong sa pagdedesisyon ko.
Tinitigan ko mabuti ang itsura ko sa salamin. Isang light brown na dress na above the knee ang haba ang napili kong isuot. May mga disenyo itong kulay itim na bulaklak sa bandang ibaba. Sleeveless ito kaya naman presko sa kili-kili.
Bahagya ko rin inilugay ang lampas balikat kong buhok. Nag-apply ako ng konting make up para naman hindi ako maputla tingnan. Nang makuntento sa itsura ay umikot ako sa salamin. Sa wakas ay napangiti ako sa itsura ko.
Babaeng babae tayo ngayon, Lis, ah? “Napakaganda mo, anak.” Si nanay na halatang proud na proud sa akin. I smiled and hugged her tightly.
“Siyempre, ‘nay. Kanino pa ba ako magmamana kung hindi sa nanay kong maganda din?”
She chuckled. She softly pulled me to the bed and made me sit beside her. She started combing my hair and that brought me back to my childhood days where she used to fix my hair all the time.
“Naalala mo ba nung bata ka hanggang sa mag high school ka, palagi kita sinusuklayan at iniipitan. Kasi wala kang alam pagdating sa pagaayos ng buhok.” She muttered nostalgically.
“Puwede mo pa din naman yun gawin, ‘Nay.” Nakangiting sabi ko.
“Sana nga ay puwede pa. Sana nga.” Bakit naman hindi na puwede? “Mag-enjoy ka mamaya sa dinner niyo ni Zach, huh? Tingin ko naman sa batang yun ay mabait. Basta maging mawisyo ka, maging matapang ka at palagi mong gagamitin ang puso mo dahil ituturo ka niyan sa tamang landas na tatahakin mo. Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal ka ni nanay.” Saad niya sa basag na boses.
Humarap ako sa kanya. “Nay, para naman akong mag-aasawa na niyan, e. Kakain lang po kami sa labas. Kayo talaga! Uwi din ako agad.” .
“Baka hindi na kita mahintay, anak. Pero susubukan kong huwag muna matulog ng maaga para naman makwentuhan mo ako kung ano ang nangyari sa date mo.”
Tumango ako at ngumiti. Tumayo ako mula sa kama bago muling sinipat ang sarili sa salamin. Narinig ko tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext sa akin.
Zach: You ready? I’m on my way.
Muli ko na namang naramdaman ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim at pinilit alisin ang kaba na nagsisimula ng mamuo sa akin.
With cold hands, I composed a message.
Ako: Ready na ako, ingat ka.
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na nag-uusap kami ng ganito ni Zach, na para bang hindi ko siya amo, na para bang hindi niya ako empleyado lang.
“Nay, parating na si Zach.” Saad ko habang ang paningin ay nasa cellphone ko pa rin.
“Halika na sa sala, doon na natin siya hintayin.”
“Sige po.”
Inilagay ko na ang cellphone ko sa maliit na sling bag ko at isinukbit ito sa kanang balikat. Tumayo na rin si nanay mula sa pagkakaupo sa kama at sabay kaming lumabas ng kwarto.
Kinuha ko ang itim na sapatos ko sa may shoerack na nasa gilid ng pintuan ko na minsan ko lang gamitin kapag may espesyal na okasyon. May pagkamataas kasi ‘to. Mabuti at sanay naman ako sa heels dahil ganoon ang gamit ko sa pagiging sales lady.
BINABASA MO ANG
Promise In The Wind
RomanceSales clerk Lissie Cruzem wasn't expecting to catch the eye of Zach Monterro, the owner of the mall where she works. But their whirlwind romance and marriage leads to more than she bargained for. ...
Wattpad Original
Mayroong 34 pang mga libreng parte