Wattpad Original
Mayroong 29 pang mga libreng parte

✥ 10

33.4K 620 15
                                    

Chapter 10

Lissie

Bit by bit, I opened my eyes. Ang liwanag mula sa sinag ng araw na sumisilip na sa bintana ko ang kaagad na bumati sa mga mata ko. Napakurap ako bago tahimik na pinakiramdaman ang paligid.

“Tao po! Miss Cruzem, delivery po!”

Tama ako, meroon ngang tumatawag mula sa labas namin. I thought I was just only dreaming.

I glanced at the wall clock and found that it’s already eleven in the morning. Tanghali na pero parang antok na antok pa ako. I feel like my body isn’t in the mood to move.

Muli kong narinig ang pagtawag galing sa labas. I heaved a sigh. With a lousy feeling, I got up from my bed and and went off my room without fixing my morning face.

Nang makarating ako sa salas ay sa may bintana agad ako nag-diretso. Hinawakan ko ang gilid ng kurtina at bahagya itong inilihis, sapat lang para makita kung sino ang kanina pang tumatawag sa akin.

Napabuntong hininga ako nang mapagtantong hindi ako nagkamali ng hula sa isip.

Delivery boy na naman.

“Miss Lissie Arabella Cruzem, nariyan po ba kayo? May delivery, po!” Muling sigaw niya.

Kagaya noong mga nagdaang araw, balot na balot pa rin ang delivery boy sa suot niyang itim na jacket, nakasumblero ito habang nakasakay sa motorsiklo niya.

Mula sa puwesto ko ay kita ko ang pamumula ng mukha niya, batid kong kaunti na lang ay aalis na siya dahil sa inip o pag-aakalang wala ako rito.

Nakaramdam ako ng awa. I’m sure he’s been standing under the sun waiting for me to come out for minutes now.

Ibinalik ko na ang kurtina sa pagkakaayos nito at nagdesisyon ng labasin ang delivery boy.

“Tao po, Miss Cru-“

“Kuya! Pasensya na po, kakagising ko lang kasi.” Bungad ko pagtapos ko buksan ang pintuan namin.

His eyes glittered with joy after seeing me. Naglakad ako palabas ng gate at lumapit sa kanya. And I was right, beads of sweat that’s crawling down his face is enough evidence that he’s been outside our house for the past minutes… or hours.

“Pumasok po muna kayo para makainom kayo ng malamig na tubig. Mukhang kanina pa kayo rito. Pasensya na po talaga kung natagalan ako lumabas,”

“Ayos lang po, Ma’am,” sagot niya.

Tumango ako at tipid na ngumiti bago nauna nang tumalikod sa kanya. I felt him following me as I walk towards the house.

When we got inside, I asked him to sit down and wait for me to get his water.

“Ma’am, pakipirmahan na lang po kagaya ng dati,” sabi ng delivery boy matapos mailapag ang baso sa ibabaw ng center table. Kita ko ang ginhawa sa mukha niya matapos uminom.

Inilahad niya sa akin ang isang clipboard kung saan ako dapat pumirma.

“Sa kanya pa din ba galing, kuya?” tanong ko habang nakatingin sa mga bulaklak at wala sa sariling inabot mula sa kanya ang clipboard.

“Opo. Mukhang patay na patay sa inyo si Ser,” tukso niya pa.

Mula sa bulaklak ay ibinalik ko sa kanya ang tingin ko at naabutan ang ngisi sa mga labi niya. I shook my head as I signed the receiver’s signature blank space.

A slow smile suddenly formed in my lips. Matapos pumirma ay ibinalik ko na sa kanya ang clipboard.

“Ma’am, salamat po sa inumin. Hindi ka lang po maganda, napakabait niyo pa. Kaya po siguro inlab na inlab sa’yo si Mr. Monterro,” pangbobola pa nito. “Mauna na po ako. Sa susunod po ulit.”

Promise In The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon