Wattpad Original
Mayroong 15 pang mga libreng parte

✥ 24

22.9K 401 18
                                    

Lissie

"Girl, coffee break na. Sabay ka sa amin?" Pia asked. Isa sa mga staff ng HR Department.

"Mauna na kayo." nakangiting sagot ko. "Baka kasi lumabas ako ngayon."

Ngumisi siya. "Kakain kayo sa labas ni Sir Monterro?"

Malungkot akong ngumiti. "Ako lang."

She sighed. "Makipag bati ka na kasi. Ganyan talaga sa relasyon, may mga ups and downs. Diyan masusukat ang tatag niyo. Kapit lang!" aniya sa tonong pinapalakas ang loob ko.

Ngumiti na lang ako at tumango. "Salamat."

"Una na ako kumain, ha?"

"Sige. Ingat kayo." sabi ko bago ako tumungo at ibinalik ang tingin sa mga resume na hawak ko.

Everybody knows what the score between Zach and I is. Simula ng magpropose siya sa akin noon sa event center ng mall, halos nakilala na rin ako ng lahat. Ako na girlfriend ng may ari ng Megaworld, na siyang empleyado rin dito.

And I don't know if it's a good idea or not. We all know that rumors are part of this world. Karamihan sa mga tao ngayon, hindi nabubuhay kung hindi paguusapan ang buhay ng ibang tao. Kahit na hindi ka naman kilala ng lubos ay paguusapan ka.

Sadly, the people who know the least about you always have the most to say.

Ilang saglit pa akong tumitig sa mga resume na hawak ko bago tumingala at malalim na napabuga ng hininga. Isinandal ko ang ulo ko sa swivel chair at ipinikit ang mga mata.

Lumipas ang ilang araw na hindi pa rin kami maayos ni Zach. Hindi ko alam kung bakit sumobra ang sama ng loob ko sa kanya. Gano'n pa man, miss na miss ko na siya.

Sa kabila ng mga araw na hindi ko siya kinakausap at pinapansin, hindi siya nagmintis na suyuin ako. Text dito, tawag, doon, padala ng bulaklak at kung ano ano pa. Ilang beses na rin siya nagpunta sa bahay, pero hindi ko siya kinikibo. Hindi siya nagsasawang suyuin ako. Pero umuuwi pa din siyang bigo. Sabi ko hayaan niya lang ako at lilipas din naman ang sama ng loob ko. Hindi rin naman siya namimilit pa.

Ultimo si Tita Amara ay tinatawagan ako para kamustahin. She even told me that she truly understands me. Aniya ay hindi na bago sa kanya ang ganoong issue ng anak niya. But then again, hiniling niya sa'kin na sana ay habaan ko pa ang pasensiya ko kay Zach.

Siguro nga ay pakipot, maarte, paimportante akong klase ng babae. But you will never understand someone's pain, until you're the one feeling it.

Hindi naman ako humihiling sa kanya ng sobra sobra, e. Palagi ako ang umiintindi sa kanya, palagi ako ang nagpapaubaya. Hindi ko isinusumbat dahil mahal ko siya, mahal na mahal. Pero ang gusto ko lang naman, maging tapat siya kahit na hindi kami magkasama.

Plus, when you really love someone, being faithful is easy.

And I admit, even though I get to see him everyday, kahit na magkaaway kami, I still miss him even after everything he put me through. Kahit na nagkakaroon kami ng hindi pagkakaintindihan, miss na miss ko pa rin siya. And it's messed up, I know. But that was love done to me.

Inabala ko ang sarili ko sa mga nakalipas na araw, but every time I pause, I still think of him. Damn it!

Tama nga siguro si Pia, sa relasyon hindi puwedeng puro saya at kilig. Dadating ang oras na makakaranas kayo ng problema, ng pagaaway, ng samaan ng loob. Doon masusukat kung matatag ang pundasyon ng relasyon na meroon kayo. Nasasainyo na lang talaga kung aayusin niyo ito o hahayaang kainin ng anay at tuluyang gumuho.

Promise In The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon