Chapter 6
Lissie
“Zach, baka puwedeng pakibilisan mo pa ang pagmamaneho? Baka kasi kung anong mangyari kay nanay.”
“Calm down, Liss. Tita Ellena will be okay.”
We’re in the middle of the road going to the nearest hospital. Nasa likod kami ni nanay, nakapatong ang ulo niya sa aking hita at tila wala na talagang malay.
We can’t really understand what happened no matter how we try. Pero may pakiramdam ako na mayroon nanloob sa bahay namin dahil sa gulo ng mga gamit. Marahil ay nanglaban si nanay kaya ganito ang inabot niya.
Kung tama nga ang kutob ko, sana ay hindi ka na lang lumaban, nay.
Impit ang naging pagiyak ko habang yakap yakap ko si nanay, nananalangin at umaasang magiging maayos siya. I’m not ready to lose her. Not in this kind of reason.
Ilang minuto pa at nakarating na kami sa hospital. Basta-basta na lang ang ginawang pagpapark ni Zach sa sasakyan. Nang mapagbuksan ako ng pinto ay agad niyang kinuha si nanay para buhatin. We’re still far from the emergency room when I heard him shout.
“Stretcher, please!”
Nataranta ang guard at kasunod nito ay mga nurse na agad dumalo kay nanay.
“What happened to the patient?” tanong ng isang may katandaang doktor. Unti unti niyang ieneksamen si nanay habang ipinapaliwanag ko sa kanya ang naging sitwasyon kanina.
“Nurses, bring the patient to the emergency room!”
Humabol ako sa Doktor at hinawakan siya sa braso. “Doc, please. G-Gawin nyo po lahat para mailigtas si nanay. Parang awa niyo na po, gawin ninyo lahat.” Umiiyak kong pagmamakaawa na halos lumuhod na sa harapan niya.
I felt someone hugged me from behind. Alam kong si Zach iyon.
“We will do everything we can to save your mother, “ saad ng doktor na nakita kong tumango pa kay Zach bago tuluyang umalis.
Nanatili akong umiiyak habang nakayuko. Zach pulled me closer to his chest. “Hush. Everything’s going to be alright. Just trust Him, Liss. Don’t cry.”
“Hindi ko alam ang g-gagawin ko kapag nawala sa akin si n-nanay, Zach. Siya na lang ang mayroon ako.”
“No, Lissie. I’m still here. I won’t let you go through this alone.” He said, trying to comfort me with his words. “It’s my fault. If I didn’t invited you for dinner, this wouldn’t happen.”
I shook my head to disagree. “Huwag mong sabihin yan. Ginusto kong sumama sa’yo. Hindi mo ako pinilit at pinasaya mo ako sa sandaling oras na ‘yon. Walang dapat sisihin dito kung hindi yung gumawa nito kay nanay.”
Tanging ngiti lamang ang isinagot niya sa akin at mahigpit akong niyakap. “Whoever did this to your mother, I’ll make them pay, I swear.”
I nodded.
Mali man, pero nakaramdam ako ng karamay sa katauhan ni Zach. Mali man, pero gusto ko ang kaalamang narito siya ngayon at kasama ko.
We were in that position when his phone rang. Kunot noo niyang kinuha ito mula sa bulsa niya at tiningnan ang pangalan ng caller. Hindi man sadya ay nahagip ng paningin ko ang pangalan nito.
Savannah.
He sighed before answering the call. “Savannah, not now.”
Hindi niya na hinintay na magsalita ito. He quickly put the phone down before putting it back inside his pocket.
BINABASA MO ANG
Promise In The Wind
RomanceSales clerk Lissie Cruzem wasn't expecting to catch the eye of Zach Monterro, the owner of the mall where she works. But their whirlwind romance and marriage leads to more than she bargained for. ...
Wattpad Original
Mayroong 33 pang mga libreng parte