Hi guys. Enjoy ☺
_____________________________________
Mika's POV
-Nagstay lang muna si Mika sa office ni Ara at hinihintay mag-text sila Cienne.. Nasa couch lang ng office ni Ara silang dalawa at nakahiga lang ang ulo ni Mika sa braso ni Ara..-
Mika: (nagcheck ng phone) Ang tagal naman magtext nila Cienne..
Ara: Hayaan mo na.. Baka na-late (natawa)
Mika: Mhmm.. How was your day pala?
Ara: Pagod.. Hay. Tapos may meeting din kanina with Ayala. Mag-iinvest sila sa isang hotel ko sa Palawan.
Mika: Well, that's good.. (hinawakan kamay ni Ara)
Ara: Ikaw naman? Kamusta work?
Mika: Wala naman, nagaasikaso lang sa mga 4th yr students.. Talk about college ganon.
Ara: Mhmm.. (tumango na lang)
Mika: (biglang nagring ang phone..) Baka sina Cienne na 'to. Wait. (sinagot ang phone..)
On the phone..
Mika: Oy bruha ka Cienne ah.. Kanina pa kami nagiintay dito. Medyo 9 na.
Cienne: Nandito na kami. Kayo na nga lang hinihintay namin eh (natawa)
Mika: Hay, Cienne talaga.. Sana naman nagtext ka. (napahawak sa noo)
Cienne: Dali na, punta na kayo dito..
Mika: Oo na. Sige, bye..
-end call-
Ara: Ano daw..
Mika: (kinuha ang bag at pinasok na ang phone dun at kinuha na rin ang car keys) Nandun na sila. Let's go na. Ikaw na magdrive o.. (binigay ang keys)
Ara: Sige. Wait.. (kinuha ang susi kay Mika at kinuha na rin ang brief case nya)
-Sabay bumaba ang dalawa sa parking lot at magkahawak ang kamay nila.. Pagkasakay nila Mika at Ara sa kotse dumiretso na silang Ortigas kung nasaan ang bar nya. Pina-valet parking nila ang car ni Mika since tinatamad na magpark si Ara.. Pagkababa, makikita ang pangalan ng bar. "Indomitus" ang pangalan.. Latin word for wild or untamed. Syempre si Mika tumulong kay Ara na mag-isip ng name dito since magaling naman si Mika dun. Pumasok na sila sa bar at syempre maraming tao. May mga nag-greet naman kay Ara at Mika na employees dun. Nakita na nila sa may dulo sila Cienne at kasama nila sila Cyd, Kim, Carol, Cams, Aby, Majoy at Justine. Lumapit na sila sa kanila.. At sinalubong naman sila ng mga yakap mula sa kanila.-
Mika: Aray naman.. Di kami makahinga ni Ara. HAHA (natawa)
Ara: Masyadong clingy.. HAHA (natawa)
Cienne: Eh paano ba naman kasi.. Ngayon na lang uli namin kayo nakita noh. (nagpout)
Kim: Oo nga.. Lalo ka na Ara, parating busy HAHA. (natawa)
Cams: Syempre, bigatin yang kaibigan natin eh. Imagine ang dami nyang negosyo.. (natawa)
Ara: (umupo na lang) Tsk, kayo naman o.. Nagsikap naman kasi. (natawa) O sya, order na tayo ng drinks. Waiter.. (nagtawag ng waiter.. Imbes na waiter ang dumating, ang manager ang pumunta pa mismo sa kanila)
Bob: O, maam Ara at maam Mika. Nandito pala kayo.. (natuwa)
Ara: Nagkayayaan lumabas 'tong mga 'to eh.. HAHA (natawa) Anyway, Bob these are my friends and guys.. si Bob manager sya dito. (nagsmile)
BINABASA MO ANG
How Long Will I Love You? (Anything Could Happen Book 2 - KaRa Fanfic ♡)
FanfictionNang tumagal wala ng time si Ara sa akin.. Sobrang workaholic. Minsan nga hindi na umuuwi yun eh. Like nasa office na lang sya parati, dun natutulog. Hay tapos nalaman ko lang na mag-oopen sya ng bagong hotel nya sa Singapore. Kinakatakutan ko yun k...