15

5.4K 80 22
                                    

Sorry late update! Umalis kasi ako kahapon tapos nag-reready nko sa mga gamit ko para sa review ko sa Friday. Anyway, enjoy! ☺

_____________________________________

Cienne's POV

-Nasa living room sila Cienne at Kim at nanunuod lang ng TV..-

Cienne: Babe, gawan mo naman ako ng popcorn o..

Kim: (tumayo sa kinauupuan..)

Cienne: Gawan mo na rin pala ako ng hot choco. (natawa)

Kim: (napakamot sa batok) Hay, may pahabol pa.. (natawa)

Cienne: Love you! HAHA

-Tumayo na si Kim at dumiretso ng kitchen. Naiwan lang si Cienne na nunuod ng biglang may nag-doorbell sa may gate nila..-

Cienne: Babe, ako na kukuha!

-Lumabas na si Cienne na may dalang payong dahil umuulan.. Pagkabukas nya ng gate nakita nya si Mika na basang-basa ng ulan at namumula ang mata.-

Mika: C-cienne.. (umiiyak at biglang yumakap kay Cienne)

_____________________________________

Mika's POV

-Pagkaalis ni Mika sa bahay dumiretso agad 'to kayna Cienne. Alam nya na sa mga ganitong sitwasyon si Cienne lang ang makakaintindi sa kanya.. Pagkadating nya kayna Cienne, bumaba agad 'to sa kotse nya at nagdoorbell. Naghihintay lang sya sa magbubukas ng gate at wala syang pakialam kung mabasa sya ng ulan. Pagkabukas ni Cienne ng gate..-

Mika: C-cienne.. (umiiyak at biglang yumakap kay Cienne)

-Natahimik lang si Cienne at pinapasok nya na si Mika at sinarado ang gate. Sabay silang pumasok sa loob at pinapayungan ni Cienne si Mika.. Dinala ni Cienne si Mika sa bathroom ng guestroom at pinaupo muna sya sa may stool dun..-

Cienne: Ye, kuha lang ako ng towel at masusuot mo..

Mika: (tumango na lang at umiiyak pa rin)

-Pagkalabas ni Cienne naiwan lang si Mika dun na tulala at umiiyak. Di nya alam kung ano gagawin nya. Nawawalan sya ng lakas dahil sa sakit na nararamdaman nya.. Pagkadating ni Cienne, may dala na syang towel pati na rin ang mga damit ni Mika. Inilagay nya na 'to sa may sink.-

Cienne: (lumuhod sa harap ni Mika) Ye, maligo ka na muna.. Basang-basa ka o. Baka magkasakit ka.. (halata sa boses ni Cienne ang pag-aalala)

Mika: Mhm.. Sige. (pabulong nyang sinabi)

-Lumabas na si Cienne at nagsimula na mag-shower si Mika. Pagkatapos nyang maligo, lumabas na sya ng bathroom at humiga sa kama. Hindi nya pa kayang ikwento kay Cienne ang nangyari kaya humiga na lang sya dun at tahimik na umiiyak. Tinabihan sya ni Cienne at pinaglalaruan lang ang buhok ni Mika..-

Cienne: Alam kong ayaw mo pang pag-usapan.. Rerespetuhin ko yun. Kung ano man yan, nandito lang ako para makinig. Nandito lang ako para i-comfort ka.. (mahina nyang sinabi..)

Mika: (napalakas ang pag-iyak at humihikbi)

Cienne: (binackhug si Mika) Ilabas mo lang yan Ye..

-Hinayaan lang ni Cienne na umiyak si Mika.. Pati rin si Cienne hindi maiwasang maluha dahil sa nangyayari kay Mika.. Nang makatulog na si Mika, lumabas si Cienne ng guestroom-

_____________________________________

Cienne's POV

-Pagkalabas ni Cienne ng guestroom, dumiretso sya ng kitchen at nakita nyang umiinom si Kim ng kape. Mag-aalasdose na rin naman na at halatang di makatulog si Kim dahil sa nangyayari.. Niyakap ni Cienne si Kim at binaba naman ni Kim ang iniinom nyang kape para hawakan ang hips ni Cienne. Tahimik lang sila sa posisyon na yun ng biglang nagsalita si Kim..-

How Long Will I Love You? (Anything Could Happen Book 2 - KaRa Fanfic ♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon