22

4.7K 59 12
                                    

E n j o y!! ☺☺

_____________________________________

Mika's POV

Dumating na sila Mika sa isang beach resort sa may Pagudpud . Dala-dala na nila lahat ng gamit nila sa may lobby. Nagstay muna sila sa lobby habang si Ate Aby naman inaayos ang mga rooms na pinareserve nya.

Aby: (lumapit sa kanila dala-dala ang susi ng mga rooms) Okay, guys. Nakuha ko na yung mga susi. Since marami tayo, bale tigtatatlo sa isang room. So kayo na lang bahala mag-group sa sarili nyo.

Pumunta si Mika kayna Cienne at Kim para tanungin kung pwede ba na magkakasama silang tatlo sa iisang room..

Mika: Cienne, pwede ba roomates tayo ni Kim?

Kim: Ye, sorry ah pero kasama na kasi namin si Ate Mowky eh.

Mika: (nagpout) Ay ganon ba?

Cienne: Sila Cams at Carol ask mo? (nagsmile)

Mika: Mhm, sige.

Hinanap naman ni Mika sila Carol at Cams at nilapitan nya ito kaso sabi nila kasama na daw nila si ate Wensh. Nagask naman sya kayna Majoy at Justine kaso kasama na daw nila si Alex kaya namroblema si Mika. Napaupo sya at nakasimangot..

Cyd: (tumabi kay Mika) O, Ye. Okay ka lang ba?

Mika: (tumingin kay Cyd) Eh wala pa kasi ako ka-roomate Ate Cyd eh.. (napayuko at napakamot sa batok)

Cyd: Ganon ba? Kailangan pa namin ng isa. Gusto mo sa amin ka na lang?

Mika: (natuwa) Talaga Ate Cyd?

Cyd: Oo.. Sa amin ka na lang. O sya akyat na tayo para makapag-ayos na tayo ng mga gamit natin. (natawa)

Mika: Thank you Ate Cyd!!! (niyakap ng mahigpit si Cyd)

Cyd: Jusko, ang clingy naman. HAHA (natawa)

Natawa na lang ang dalawa at kinuha ang gamit nila.. Sumakay na sila sa elevator at may naalala bigla si Mika.

Mika: Oo nga pala Ate Cyd.. Sino pa yung isang kasama natin sa room?

Cyd: (humarap kay Mika) Si Ara kasama natin.

Saktong bumukas na ang elevator at lumabas na si Cyd para mauna sa room nila habang si Mika naman naiwan na tulala sa nalaman nya..

Seryoso ba? Si Ara ba magiging roomate namin? Pinaglololoko naman ata ako ni Ate Cyd eh huhu.. Pero parang hindi naman ata nagbibiro si Ate Cyd eh. Hay, paano na yan?

_____________________________________

Ara's POV

Nahuling umakyat si Ara sa kwarto nila dahil nakausap nya pa ang may ari ng hotel na pinagsstay nila. Nagdecide si Ara na sila ni Cyd ang magkaroomates dahil gusto nila na makapag-usap dahil matagal na rin silang hindi nakakapagkita. Pagkaakyat nya, pumasok na sya at nakita nya na ang tatlong kama. Yung dalawang kama, may naka-occupy na mga bags. Nakita nya si Cyd na nasa balcony.

Ara: O, ginagawa mo dyan? Sumesenti ka ata ah. (natawa)

Cyd: Gags. Anong senti ka dyan? HAHA. Di ba pwede na nagpapahangin lang? (natawa)

Ara: Sus. Nagpapahangin daw. Sino ba yang dinadramahan mo? Ikaw Ate Cyd ah.. Di ka na nagkkwento. (tumawa uli)

Cyd: Ano ka ba Ara.. Wala pa nga akong lovelife.

Ara: O, bakit di ka maghanap?

Cyd: Problema lang yan noh. Magiging komplikado pa ang buhay ko sa lovelife na yan. Buti na yung single ka. Wala kang pinoproblema. Mas nabibigyan mo ng time sarili mo at higit sa lahat di ka pa masasaktan.

How Long Will I Love You? (Anything Could Happen Book 2 - KaRa Fanfic ♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon