Chapter 5- The Assasination

3K 112 2
                                        


"What did you do?!" Singhal ni Prinsepe Victor sa hari. Agad niyang itinoon ang kanyang pana at palaso dito.


Ang hari naman ay matapang na nakatingin lang sa kanya. "Put that down, Victor."


Pinagpalit palit ko ang paningin sa dalawa at matinding kaba ang nararamdaman base sa mga nangyayari.


"Mahal na Prinsepe, nakagat po ako ng ahas at nailigtas lamang po ng mahal na hari!" agad kong sabat sa usapan dahil natatakot ako sa hitsura nito.


Napatingin siya sa akin na ngayon ay napalitan na ng pag-aalala ang hitsura. Parang lumabo din ang aking paningin ng tingnan ko sa mukha ang prinsepe at nang sinubukan kong ilibot ang paningin ay tuluyan na itong nagdilim. Narinig ko pang tumawag ng kawal ang mahal na hari at tinatawag naman ni Prinsepe Victor ang pangalan ko bago tuluyang nawalan ng ulirat.



+++Martini's POV+++


Pagmulat ko ng mata ay nasa isang silid na ako. Maputi ang kulay ng silid pati unan at kumot ay puti.


Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang Punong Doctor ng palasyo.


"May masama ka pa bang nararamdaman?" alalang tanong nito.


"Po? Wala naman po."


"Pwede na po ba akong umalis ngayon?" Tanong ko dito.


"Hindi ka na ba nahihilo?"


"Hindi na po."


"Wala ka na bang nararamdamang hapdi mula sa kagat ng ahas?"


"Wala na rin po."


"Subukan mo ngang tumayo kung makakatayo ka na." Tumayo din naman ako agad pagkasabi niya na iyon. Bahagya akong nahilo pero hindi ko na ipinahalata. Gusto ko na kasing makauwi na sa amin para doon nalang magpahinga.


"Okay na po ako. Salamat po sa inyu." Saad ko dito ng nakangiti.


"Na, sige. Pag nakaramdam ka uli ng hilo, bumalik ka nalang dito."


"Opo." Saka lumabas na ako. Akala ko okay na ako pero habang naglalakad ay parang umiikot ang paningin ko kaya ng makarating ako sa may hardin ay umupo na muna ako sa isa sa mga upuan doon.


Pagkaupo ko ay bahagyang bumuti ang pakiramdam ko. Tumingala ako upang tingnan ang kulay kahel na kalangitan. Hapon na at makikita mo ang mga ibon na naghahanap ng punong masisilungan.


"Martini?" narinig kong may tumawag sa akin.


Loving His Highness - Victor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon