+++Julio's POV+++
Hindi ko akalaing sa ganitong pagkakataon pa niya malalaman ang masakit na katotohanan. Nagpapasalamat nalang akong hindi niya maalala ang mga pangyayaring iyon hanggang ngayon. Nagkaroon siya ng malaking trauma at pilit na kinalimutan ang nangyari na napagtagumpayan naman niya. Inulit-ulit niyang sinabi sa sarili na hindi nangyari iyon at ang kung ano ang natira sa kanya ay ipinilit sa isip na yun ang kanyang pamilya kaya humantong sa nakasanayang ako ang ama niya at tuluyang nilimot na ng kanyang sistema ang nangyari. Sadyang napakamakapangyarihan ng utak ng tao. Kahit na ang dating hari ng Pria noon ay hindi makapaniwala sa nangyari sa kanya kaya plinano na ang magiging senaryo lahat upang mabaon na ito sa limot at maging normal na ang lahat. Itinago ito sa pangalang Martinni, pinagsilbi sa palasyo upang hindi mahanap at nasa mata pa rin ng pagbabantay ng dating hari at ng hari ngayon na si Guisseppe.
Halos maputol niya ang kamay kong ipinakagat sa kanya upang hindi makalikha ng anumang ingay ng makitang namatay ang kanyang ina noong nakasilip kami sa malaking painting na nagsisilbing harang sa pinagtataguan namin. Si Prinsepe Victor naman noon ay tulalang nakatingin din kaya pinilit kung abutin ng isang kamay at takpan ang mga mga nito. Masyadong brutal ang mga pangyayari para masaksihan nila sa napakamurang edad.
Nang matapos ang lahat ng iyon ay hindi ko inakalang ipasisira ng kalaban ang buong palasyo at hindi pa kami nakakalabas noon. Huli na rin dahil nagsisipagbagsakan na ang mga bitak na nagmumula sa taas. Muntik ng matamaan ang prinsesa ngunit naitulak ko ito at ako ang natabunan dahilan para kailangan putulin ang dalawang binti ko. Lumabas na noon si Prinsepe Victor at humingi ng tulong sa kanyang ama. Hindi ko pa sana pagtitiwalaan ang ama nila kung hindi nila sinabi sa akin ang mga huling pag-uusap nila ng hari ng Relle.
Lahat ng kawal ng Relle ay pinatay nila ngunit may dalawang nakaligtas. Si Romeo at Merlissa. Kaming tatlo ay dinala ng dating hari ng Pria dito sa kaharian nila at itinago habang palihim na nagbabantay pa rin sa Prinsesa.
----------
Martinni's POV++
"Sa oras na mapatunayan mo rin na totoo, ikaw mismo ang pahahatirin ko sa altar kay Lady Saorise para makasal na sa akin."
Naririnig ko ang tinig ni Jovann na nagsalita sa isip ko. Agad kung naalala si Victor. Agad akong tumayo at lumabas mula sa silid ni Papa Julio. Pagkalabas ko naroon lang pala si Mama Merlissa na nakasandal. Hindi ko na pinagtuonan pa iyon ng pansin at nagpatuloy na puntahan kung nasaan si Victor.
Habang tumatakbo ay nakasalubong ko ang punong kawal.
"Nasaan po ang mahal na Prinsepe?"
"Nasa silid aklatan kasama ang hari." Pagkasabi iyon ay halos liparin ko na ang papuntang silid aklatan.
"Kamahalan! Mahal na prinsepe!" sambit ko pagkarating sa kanilang pinarorooan.
BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (Completed)
FantasyI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.
