Trist Pov~
Kung normal siguro na pangyayari ay malamang iisipin kong nababaliw na ito pero masyadong abnormal ang pagkakataon kaya wala na akong panahon para isipin kung ano ang logical o hindi.
"Kung totoong ikaw nga ang prinsepe ay maaari mo akong hatulan ng kamatayan dahil sa mga nasabi ko at sa sasabihin ko na wala kang karapatang pagsalitaan ng ganoon ang Reyna dahil wala ka sa mga panahong kailangang-kailangan ka niya."
Hindi ito umimik.
"The child...Princess Ysobelle is your daughter. Wala kang karapatang pasakitan ng ganoong salita ito dahil walang araw na hindi nangulila sa iyo ang Reyna. Walang araw na nawala ka sa isip niya. Walang araw na hindi ito umiyak dahil sa pagkawala mo. At ang pangungulilang iyon ay muntik pang nagtulak sa kanya upang patayin ang hari na mabuti nalang at hindi niya nagawa. Lahat ng iyon ay dahil lamang sa pagmamahal at pangungilila niya sa iyo tapos ganyan lamang ang sasabihin mo sa kanya? Na para saan pa ang mga ginawang sakripisyo mo? Siya ang mas nagsakripisyo at naghirap! Tinanggap niya ang alok ng hari na akoin ang bata para hindi maging bastardo! Naisip mo ba ang hirap sa kalooban niyang iyon? Muntik pang malaglag ang dinadala niya dahil sa truma noong sinabing namatay ka! Ngayon mo sabihing nabaliwala ang sakripisyo mo!"
Para itong tinulos na kandila sa kinatatayoan. Labis na pagkagulat ang mababakas sa mukha nito.
"I am a loyal servant to the Prince so if you're an imposter get lost here immediately or I'll kill you!"
Lumakad ito palapit sa akin at mahinang tinapik ang balikat ko.
"Salamat." mahinang wika nito saka mabilis na tinakbo ang daan patungo sa silid ng Reyna.
Martinni's pov~
Nasasaktan ako dahil sa sinabi nito ngunit labis naman ang saya ko na buhay ito.
Balewala ang sakit basta buhay ito, tatanggapin ko ang sasabihin nito sa akin.
Bumukas ang pinto ng silid.
"Martinni."
Napalingon ako sa pinto.
"Victor!" agad kong ibinigay ang bata sa tagapagsilbi at nagpunas ng luha.
"Leave us." utos nito sa tagapagsilbi.
Agad namang sumunod ang tagapagsilbi.
"But...leave the child here." dagdag nito.
Nagtataka man ay sinunod nito ang iniutos.
BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (Completed)
FantasyI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.
