Prologue

8.2K 216 11
                                        

The Palace

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Palace

The kingdom of Pria

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The kingdom of Pria



Prologue



Year 1813

Makikita ang mga patay na katawan na nagkalat sa daan at maririnig ang hinagpis ng mga tao sa sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay. Ito ang mga kawal ng kaharian ng Pria.


"May nakaligtas ba?!" sigaw ni Victor, ang kasalukuyang hari ng Pria. Nakatayo siya sa gitna kung saan nagkalat ang mga katawan.


Tumayo ang isang babae mula sa pagkakayakap sa isang wala ng buhay na bangkay. "Kasalanan mo ito! Ikaw ang may gawa kung bakit nangyari ang lahat ng ito! Kasalanan mo ito!"


"Martinni! Mag-ingat ka sa pananalita mo!"


"Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Nagkamali ka ng desisyong napili kaya nangyari sa atin ito! Ikaw mismo ang wumasak sa kaharian! Hindi kita mapapatawad kahit pa ikaw ang Hari! Napakaraming inosente ang nadamay!"


"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan!"


"Meron dahil ako ang asawa mo at Reyna ng kahariang ito!" saad nito sa mabilis na lumapit sa Hari at matalim itong tinitigan sa mata.


"Anong sabi mo?!" galit na galit na ang boses ng hari at hindi nito napigilang sakalin si Martinni.


"Sige! Sakalin mo ako hanggang sa mapatay mo ako at kapag nangyari iyon, gagantinhan kita sa kabilang buhay! Naiintindhan mo?!"


Binitiwan niya ang asawa at sinampal. "Wala kang galang! Walang utang na loob!"


"Ako pa ngayon ang walang utang a loob?! Sinabi ko bang gawin mo akong asawa? Hiniling ko ba na maging Reyna? Hiniling ko din bang makasama ka? Ikaw ang pinakamasamang taong nakilala ko!"


Hindi nakapagsalita ang Hari sa mga sinabi ng asawa.


"Tingnan mo!" saad niya sabay turo sa mga wala nang buhay na mga katawan. "Tingnan mo! Sino ang may gawa ng trahedyang ito? Hindi ba ikaw? Walang kwentang Hari!"


Sa sinabing iyon ay napaluhod ang hari na parang natulala. Namumuo na ang luha sa mga mata nito.


Magsasalita pa sanang muli si Martinni ngunit biglang may tumamang pana sa likod nito.


"Martinni!"


Puno pa rin ng galit ang mukha nitong nakatitig sa hari.


"Tandaan mo, kahit sa kabilang buhay, ayokong makita ka at kung ipanganak man akong muli, ayokong makatagpo ang isang katulad mo!"


Tulalang nakatingin siya sa katawan ng asawang bumulagta.



+++++++++++++++++


---------------


A/N:

Hope you'll like this story. *grin*  *cross fingers*

Loving His Highness - Victor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon