"Hindi ko inaasahan ang mga narinig na sinabi mo, Tito." ani Victor habang hawak pa rin sa leeg ang tagapayo. "Hindi ko alam na ganoon pala ang tingin mo simula't sapol."
"N-nagkakamali ka....Victor."sagot nito kahit nahihirapan nang huminga. "N-nagkakamali ka. Isa lamang itong hindi pagkakaintindihan..."
"I had enough." tipid lamang na sagot nito.
"V-v-victor...maawa ka!"
"Awa? Naawa ba kayo sa akin?!" pagkasabi niyon ay lumuwang ang pagkakahawak niya sa leeg ng tagapayo.
"Mga kawal! Hulihin niyo ang impostor na ito! " agad niyang tawag. "Wala na ang prinsepe! Hindi siya tunay!"
Hindi kumilos ang mga kawal. Sa halip mababakas ang pagdadalawang-isip sa mga mukha nito. Hindi sigurado kung susundin ang utos ng tagapayo.
Nagdilim yata ang paningin ni Victor dahil biglang hinigpitan ang pagkakasakal niya dito kaya pilit na nagpupumiglas ito.
"Tama na, Tito." saad nito saka parang wala lang na pinilipit ang leeg ng Tito nito. Nangisay pa ito bago tuluyang nalagutan ng hininga.
"Makinig kayo!" puno ng otoridad ang boses nito na hinarap ang mga kawal. "I am now the only legitimate heir to the throne and therefore everyone should bow down before me!"
Mabilis na nagyukoan ang mga kawal kahit na bakas sa mga mukha ng mga ito ang pagtataka sa pagbalik ni Victor.
"Rang the bells and announce my return to the whole kingdom." dagdag pa nito.
Ilang sandali pa ay nagsitakbohan na palabas ang mga kawal upang sundin ang iniutos nito.
Kinusot ko ang mata ko upang makasiguro na totoo nga ito.
Isa kasi itong pangyayari na masasabi mong isang napakalaking milagro.
"Victor..." halos pabulong kong sambit sa pangalan nito.
"Martinni..."
Agad kung tinawid ang pagitan naming dalawa at mahigpit itong niyakap.
"Oh my God! Totoo nga! Totoo ka! Totoo ang init ng iyong katawan! Oh Victor, where have you been?" nagsisimula nang pumatak ang luha ko. Luha dahil sa pangungulila at sayang nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas, nandito na ito mismo sa harap ko. Yakap-yakap ko.
Pero nakapagtatakang kahit ilang minuto ko na itong yakap ay hindi ito gumaganti kaya pinunasan ko ang luha at dumistansya upang masilayan ang kanyang mukha. Walang pinagbago. Ito pa rin ang pinakagwapong tao sa paningin ko. Pero may kung anong kakaiba sa awra nito na hindi ko mawari.
BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (Completed)
FantasyI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.
