Dalawang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang pag-uusap naming iyon ni Victor. Medyo magaling na din ang hari.
Nandito ako ngayon sa labas ng silid ng kamahalan dahil pinatawag ako kanina. Pinagbuksan naman ako agad ng kawal na nakabantay doon.
"Martinni..." nakangiti nitong wika ngunit hindi ko magawang ngumiti. Nakatitig lamang ako sa mukha nito saka yumuko bilang paggalang. Katatapos lang itong bihisan ng mga tagapagsilbi. Sa tingin ko ay magaling na talaga ito.
Mayamaya pa ay sinenyasan na niya ang mga tagapagsilbi na lumabas na muna at pagkalabas ay nagtungo ito banda sa bintana at tumingin sa baba.
"Martinni..."
"Yes?"
"The palace has ears on the walls."
Kinutuban ako sa sinabi niya.
"Do you understand?"
"What do you mean, sire?"
"You and Victor."
Hindi agad ako nakapagsalita sa pagbanggit niya sa pangalan naming dalawa.
"Don't make me a cruel king."
"B-but sire..."
"This is a warning. You cannot keep a secret from these walls. I have ears." saka tumingin sa akin. "Remember that, Martinni. We're married. Though we're not connected romantically, still we need to fulfill our obligations. Forget him and obey."
Hindi ako nakaimik sa tinuran niya.
"I'll let this time slide."
Nagpupuyos ang puso ko. Gusto ko itong sagutin pero mas pinili ko nalang manahimik.
"Wala ka bang sasabihin?" tanong niya ng mapansin na wala akong imik. Lumingo-lingo lamang ako bilang sagot.
Narinig ko siyang nagbuntong-hininga bago nagsalitang muli.
"Follow me. We'll have breakfast together in the garden." saka lumabas na roon. Sumunod din naman ako. Habang naglalakad sa pasilyo ng palasyo ay nakasunod lamang ako sa kanya. Hindi ko na nakasalubong o nakita man lang si Victor mula ng huli kaming nag-usap.
Nandito pa ba siya sa palasyo?
Naputol ang pag-iisip ko ng nakarating na kami sa Hardin. Naroon ang isang parisukat na mesa na may puting tela sa ibabaw. Mayroon ding pagkain na naroroon na.
BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (Completed)
FantasiaI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.
