+++Martinni's POV+++
Habang nakatingin sa kalangitan ay nakikita ko ang mga ibon na nagliliparan habang umaalingawngaw sa buong kaharian ang tunog ng kampana. Hudyat na tapos na ang kasalan ng Hari at ang Pria ay mayroon ng bagong Reyna.
"Mabuhay ang bagong reyna ng Pria!" sigaw ng punong kawal.
"Mabuhay!" puno ng lakas na sigaw ng mga kawal.
Lahat ng saksi sa kasalan ay masasaya. Pati mga ordinaryong mamamayan ay nakikisaya rin dahil sa wakas ay magkakaroon na ng reyna ang kaharian. Ilang taon na din ang lumipas mula nang maganap ang hindi inaasahang pangyayari na siyang ikinamatay ng dating hari at reyna. Ang nangyaring sunog ilang taon na ang nakakaraan.
Dahil wala naman akong ginagawa, naisip kong tumulong sa mga taohan ng palasyo. Napangiti ako sa naisip. Hindi pa rin nawawala sa akin ang pagiging tagapagsilbi. Agad ko nang tinungo ang kusina. Tutulong ako kay Mang Romeo.
Pagkarating ko sa kusina ay hindi nga ako nagkamali. Abala lahat ng mga tagapagluto. Ni wala ngang nakapansin na nasa kusina na ako. Sa dulong bahagi nakita ko si Mang Romeo na nag hahalo ng mga sangkap.
"Mang Romeo..." tawag ko dito. Agad naman siyang napatingin sa akin.
"Lady Martinni, anong ginagawa mo dito?"
"Ano pong maitutulong ko?" napangiti siya sa tinuran ko.
"Okay lang. Kaya na namin dito."
"Gusto ko pong tumulong."
"Sige doon ka na. Kaya na namin dito."
Wala na akong nagawa kung hindi lumabas. Wala naman akong magagawa.
At natapos ang buong araw ng ganun lang. Lahat nagkakasiyahan habang ako ay walang ginawa. Lahat abala maliban sa akin. Gusto kong tumulong, wala namang gusto ng tulong.
Narinig kong nagsimula na ang pagpapaputok. Hudyat na aalis ang hari at ang bagong reyna upang magsama sa unang gabi pagkatapos ikasal.
"Lady Martinni, pinapasundo ka sa akin ng hari." Si Crisilda ang nagsalita. Naalala ko tuloy ag ginawang paghalik sa akin ng hari na para bang laro lamang sa kanya. Pilit kong iwinakli iyon sa isip ngunit pumalit naman doon ang paghalik din sa akin ni Prinsepe Victor.
Mababaliw na ako nito!
"Bakit?"
"Hindi ko alam." Saka nauna na siyang maglakad. Agad din naman akong sumunod sa kanya. Pagkarating namin sa kinaroroonan ng hari ay naroon na rin si Prinsepe Victor, ang punong tagapayo at ang bagong reyna. Agad akong yumuko pagkakita ko sa kanila. Nakatayo lamang sa gilid ng hari ang Reyna.

BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (Completed)
FantasiaI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.