Chapter 25 - The Birth of The Second Queen

2.2K 72 20
                                        


Victor's POV~


Parang sinaksak ng isang libong kutsilyo ang puso ko sa narinig na binitawang kataga ni Martinni. Parang nahihirapan akong huminga dahil nagsikip ang dibdib ko.


Totoo ba ito? Sinabi ba niya talaga iyon?


Parang ayaw tanggapin ng puso ko ang mga narinig. Hindi ko inakalang hahantong sa ganito. Napalipat-lipat ko ang paningin sa kanilang dalawa. Ang mukha ng kapatid ko ay nakangiti habang ang reyna ay parang pinagsakluban ng langit. Si Martinni ay patuloy lamang sa pag-agos ng luha sa mata.


"Martinni..." halos pabulong kong pagsambit sa pangalan niya ngunit narinig pa rin niya dahil tiningnan niya ako.


"Victor..." ganting sambit niya sa pangalan ko habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa mata kakit na nagpipigil siya ng paghikbi. "Mahal kita kaya sana...sna patawarin mo ako." Hindi na niya mapigilan ang sarili sa paghagulgul. Ganun din ako sa narinig.


Parang nagblangko ang isip ko sa sakit at hindi ko namalayan na tumutulo na rin pala ang luha ko. Ni hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Wala. Blangko.


Ganito ba kasakit umibig?


"Mahal na Hari!" Tawag ng reyna dito. "Bawiin nyo po iyon parang awa niyo na." Umiiyak na pakiusap nito dito.


"Patawarin mo ako aking Reyna. Alam mo ang dahilan kung bakit kailangan kong gawing ito." Kalmadong saad nito.


"Pero..." napatingin siya sa gawi ni Martinni na umiiyak rin. "Kasalanan mo ito! Tinulungan kita dahil nangako ka! Pero anong ginawa mo? Binigo mo ako! Hindi ka tumupad." Saka agad na lumapit dito at sinampal ng pagkalakas-lakas sa kaliwang pisngi nito.


"Patawarin nyo po ako." Sagot nito habang iyak lang ng iyak.


Ang mga kawal sa paligid ay nakatingin lamang sa amin at hinidi alam kung ano ang gagawin.


Gusto kung tawagin muli ang pansin ng kapatid ko ngunit nanuyo na ang lalamunan ko at hindi makapagsalita. Sinubukan kun igalaw ang kamay ko kahit na may kadenang nakakabit doon. Malapit lang sa kinalalagyan ko ang hari at ang isipin na malapit lang siya ang biglang nagdilim ang paningin ko. Gusto ko siya maabot upang sakalin. Pinipilit ko siyang abutin pero hindi ko kaya.


"Do not do something stupid, Victor." Ani nito saka itinapon ang espada at nagsimulang naglakad palabas doon.


"Mahal na hari...nakikiusa..." hindi na natapos ng mahal na reyna ang sasabihin dahil nahimatay ito na agad namang nasalo ng isang kawal.


"Bring her to her room." Utos ng nito. "And you..." sabay turo nito kay Martinni. "We'll get married as soon as possible." Saka tumalikod na.

Loving His Highness - Victor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon