Chapter 35- Birth and Death

1.4K 49 2
                                        



Martinni's POV~

Ilang buwan ang dumaan hanggang dumating ang araw ng aking kapanganakan. Ang araw na isinilang ko ang anak namin ni Victor na inako ng hari at inanunsyo sa buong kaharian saka pinangalanang Princess Joanna Ysobelle Dimitri.


Isang buwan na ang dumaan mula ng isilang ko ito.


Tuwang-tuwa pa ang mga mamamayan at walang alam sa katotohanan.


Wala ring ibang nakakaalam sa katotohan maliban sa akin, si Trist, ang punong taga-payo at hari. Minabuti ko rin na hindi ipaalam kina mama at papa ang katotohanan.


Napapagod na kasi ako. Para nalang ito sa anak ko ang ginagawa ko. Ito nalang ang dahilan kung ba't ako nabubuhay.


Naalala ko pa noon ang ginawa ni Guisseppe habang inaabot ang espada. Bakit hindi nalang ako sumunod kay Victor? Kung hindi ko alam ang pagdadalang-tao noon ay malamang sa malamang sumunod na din ako.


I miss him so much.


Walang araw na hindi ko siya naiisip at habang tinitingnan ang anak namin ay nakikita ko ang malaking pakakahawig nila.


Ang mas lalong nagpapabigat ng dibdib ko ay ang parang pagkulong sa akin dito sa kwarto at ipinapasok lamang ang bata sa tuwing pakakainin.


This is hell!


The king is mad!


Natatakot ba itong ipagsabi ko na hindi niya anak ang isinilang ko? Kailangan ba niya akong ikulong dito?


Gaano na ba akong dito lang sa silid?


Isang buwan?


Dalawang buwan?


Ah, pitong buwan na.


He's treating me like his prisoner.


I'm this kingdom's Queen. Why is he treating me this way?


Naputol ang pag-iisip ko ng mga mahihinang katok sa pinto. Senenyasan ko ang tagapagsilbi na nagdala kay Ysobelle sa akin na buksan ang pinto na agad namang sinunod at nakitang ang hari ang naroroon.


Hindi ko ito kinausap magmula noong nangyari na sinubukan ko itong patayin.


"Is everything okay in here?" tanong nito sa tagapagsilbi na tumango naman bilang sagot at saka lumakad lalapit sa akin na nakaupo malapit sa bintana.


"And you, how are you feeling?"


Loving His Highness - Victor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon