King Guisseppe Pov~
'Time will come that you're going to rule our kingdom and if you do...take good care of it.' aning dating hari ng Pria. Ang aking ama.
'Opo, ama.'
Ngumiti ito sa akin.
'At huwag mong pababayaan ang iyong kapatid. Gabayan mo siya palagi. Alam mo naman iyon, inuuna ang puso bago ang isip.'
'Opo.' masiglang sagot ko dito.
'Mabuti. Basta ang mahalaga, unahin mo ang kaharian bago ang lahat. Iyon ang ugali ng isang mabuting hari at magiging masaya ka at ang buong kaharian.'
'Opo.' nakangiti kong sagot dito.
Nagmulat ako ng mata. Nakatulog pala ako habang nakaharap sa napakakapal na mga papeles na kailangan kong pirmahan.
Agad kong inabot ang pangsulat at nagpatuloy sa paglagda sa mga naroroon.
Kahit abala sa paglagda ay bumabalik sa aking isip ang napanaginipan.
Si ama at ang bilin nito noon habang maliit pa lang ako.
Sinunod ko lahat ng utos niya. Inuna ko ang isip bago ang puso.
Ngunit bakit hindi ako masaya?
Mali ba ako ng desisyon noong gabing iyon? Noong makipagkasundo ako sa nilalang na iyon?
Para sa kaharian.
Kapalit naman niyon ay ang buhay ng aking kapatid.
I hate Victor but not to the point that I want to kill him. It's just that...I have to. For the Kingdom of Pria.
Pero bakit pakiramdam ko mali?
Inuna ko naman ang isip bago ang puso? Saan ako nagkamali?
*Flashback*
Ito yung unang pagkakataong nagpunta dito ang malayong kamag-anak ni Ivory na isa ring prinsesa upang ipagkasundo ko kay Victor.
Ipinilit ko noong makipagtalik siya dito ngunit hindi ako nagtagumpay kahit pa nilagyan ng pampainit ang kanyang inumin, nagawa pa rin nitong umalis.
Galit na galit ang ito noon at hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi niya.
"Well, anyway, this kingdom is doom. Kung hindi mo alam, nakikita ko ang hinaharap. Gusto ko sanang tulungan kayong hindi mawasak ang kaharian na ito pero huli na. Ayoko nang tumulong."
BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (Completed)
FantasyI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.
