Chapter 33 - Silent Scream

1.6K 61 9
                                        


Isang linggo na ang dumaan ngunit wala pang balita sa gyera. Wala pa ang hari at ang prinsepe.

Araw-araw kong hinihintay ang pagbabalik ni Victor ngunit walang Victor na dumating.

Nang umagang iyon ay nagtungo akong muli sa simbahan upang ipagdasal ang tiyak na kaligtasan nito.

Taos-puso ang aking pagdarasal na sana manalo ang Pria ng sa ganoon ay matapos na ang gulo. Para magkaroon na rin ng katahimikan ang kaharian. Sana. Ngunit habang nagdadasal ay sumasagi sa isip ko ang napaginipan pero pilit ko nalang iwinawaksi sa isip.

Eksaktong natapos ako sa pagdarasal ay tumunog ang kampana. Hudyat na nakabalik na ang mga kawal na sumabak sa gyera.

Agad akong tumayo mula sa pagkakaluhod at mabilis na tinakbo ang daan palabas sa simbahan.

Mga yabag ng kabayo ang narinig ko pagkalabas. Mabilis na tinahak ko ang daan papunta sa palasyo.

Kahit malayo ay natatanaw ko na ang mga kawal. Malaki ang nabawas sa bilang nila kumpara noong paalis sila. Karamihan din ay sugatan habang ang iba ay mayroong mga benda sa katawan at mayroon ding inaakay ng kanilang kapwa kawal.

Mabilis na naghanda ang mga doktor upang magamot ang mayroong mga sugat.

Hindi kalayoan ay ang hari naman ang natanaw ko kasama ng tatlong punong kawal. Nakasakay ang mga ito ng kabayo.

'Mabuti naman at walang masamang nangyari sa hari.' nasabi ko sa isip. Mahalaga pa rin kasi itong tao sa kaharian.

Nang nakalapit na ang hari ay parang may kakaiba sa hitsura nito. Para bang tumigas at sumama.

"Ka-kamahalan..."

Napatingin siya pagtawag ko.

"Maligayang pagdating."

Tumango ito saka nagpatuloy sa unahan at doon bumaba.

"Nanalo po ba tayo?"

Tumango itong muli saka tumalikod.

Masaya ako sa narinig. Mabuti naman kung ganoon.

Sunod na napadaan sa harapan ko ang mga punong kawal at bahagyang yumuko bilang paggalang.

Nanatili lamang akong nakatayo doon at hinihintay na dumaan si Victor hanggang sa nakadaan na lahat ng kawal.

Nagsisimula ng bumilis ang tibok ng puso ko. Nababahala.

"Asan si Victor?" tanong ko saka nilingon ang nasa likuran ngunit abala ang mga ito sa kani-kanilang sugat.

"Teka...nasaan si Victor?" pag-uulit ko ngunit tila wala pa ring nakarinig.

"Nasaan si Victor?!" sigaw ko na. Nagtagumpay naman akong kunin ang mga atensyon nila dahil napatingin sila sa akin.

Lungkot ang lumukob sa mga mukha ng kawal. Ang iba ay nagsiyukoan pa.

Nag-iinit ang pakiramdam ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso. Kinakabahan ako. Ano mang oras ay tila sasabog ang puso ko.

"Ba-bakit wala pa siya?" nanginginig ang boses kong tanong muli.

"Ka-kamahalan..." nagsalita ang isang kawal. "Ang prinsepe po ay...ang prinsepe po ay...ang..."

Huminto ang oras, nawala ang araw, bumagsak ang mundo dahil sa sinabi nito.

"Wa-wala na. Ang prinsepe ay kasaling namatay sa gyera, kamahalan!"

Napatawa ako. "Hindi. Hindi totoo 'yan."

Loving His Highness - Victor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon