"Hinaan niyo ang boses niyo baka may makarinig sa atin." Saway nung isa sa kanila saka umalis na ang mga ito. Hindi ko nakita ang mga mukha nila.
Gusto kong bumalik upang sabihin iyon kay Victor. Nakailang hakbang pa lang ako ngunit huminto na at bumalik. Pupunta na muna ako sa simbahan. May itatanong ako sa pari.
Pagkarating ko ay nabigyan na ng paunang lunas ito. May malay na rin kaya nilapitan ko na.
"Kamahalan..."
"Maaari mo bang sabihin sa akin ang mga nangyari dito?"
Napatingin siya sa likuran ko. Mayroon pa palang kawal na naroroon.
"Iwan mo muna kami." agad namang lumabas ito. "Sabihin mo, anong nangyari?"
"Ang kamahalan, gustong pumatay ng demonyo. Sa hindi inaasahan ay nagpakita ito. Hindi iyon basta-bastang demonyo. Isa iyon sa makapangyarihang uri sa impyerno! Kamahalan, pigilan mo ang hari!"
Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi nito.
"Napupuno ng galit ang puso ng kamahalan. Kailangan niyang tanggalin ang poot na nararamdaman dahil kung hindi ay ito mismo ang papatay sa kanya. Gagamitin iyon ng demonyo laban sa kanya."
"May magagawa po ba kayo dito?"
Lumingo-lingo ito. "Siya lamang ang makakagawa niyon sa kanyang sarili. Sabihan mo siya."
Pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon ay umalis na ako at nagtungo sa silid-aklatan ngunit wala na roon si Victor. Tinanong ko ang ilang kawal ngunit hindi nila napansin kung nasaan ito.
Sinubukan kong puntahan sa silid nito ngunit wala ito doon.
Gabi na ngunit wala pa rin ito. Nag-aalala na ako dahil baka may nangyari na dito saka naalala ko din ang mga narinig ko kanina sa pag-uusap ng ilang kawal.
"Where are you Victor?" wala sa sariling naitanong ko.
Lumalalim na ang gabi ng biglang nakarinig ako ng mga boses na nagkakagulo. Agad akong lumabas sa silid ngunit nandodoon na si Trist at hinila sabay takbo.
"Anong nangyayari?"
"Nagkakagulo."
"Bakit?"
"Nagkudeta ang ilang kawal."
"Nasaan si Victor!? Si Ysobelle?"
"Ligtas ang prinsesa. Ang kamahalan ay nandoon at nilalabanan ang mga kawal na nagkudeta."
BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (Completed)
FantasíaI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.
