Announcement (April 2, 2018)
Una po sa lahat, nais ko pong humingi ng tawad at umabot ng ganito katagal bago ang susunod na update. May rason po ako ngunit hindi ko na lamang irarason dahil may kasalanan din ako dahil umasa kayo na may kasunod agad dahil ako mismo nagsabi na mag-a-update ako noong 2nd week ng january ata. Paumanhin po.
Pangalawa, may malaking binago po ako sa storya. Malalaman niyo kung babasahin nyu pong muli ang prologo ng kwento. Binago ko ito hanggang sa chapter 19. Hindi naman kalakihan pero magdudulot po ito ng kalituhan kung hindi niyo babasahin ulit sa simula.
Ginawa ko po ang mga [agbabago dahil pakiramdam ko may kulang sa estorya at parang habang tumatagal ay nakakawala ng excitement. Pagpasensyahan niyo na ulit.
Isinaayos ko ang estorya at sana po magustuhan niyo pa rin.
MARAMING SALAMA PO! :)
----------------------
+++Martinni's POV+++
Isang araw na ang lumipas mula nang dalhin ako dito ng prinsepe. Mataas na ang sikat ng araw at hindi ko siya mahagilap dito sa malapit. Akala ko bumalik na siya sa palasyo ngunit ng tingnan ko sa likuran nitong maliit na bahay ay nandoon pa ang kabayong ginamit namin sa pagpunta dito.
"Nasan ka ba?" wala sa sariling natanong ko. Nilinga ko ang paligid at napansin kung parang nadaanan ang mga damo doon. Marahil sa bandang ito nagpunta ang prinsepe kaya tinahak ko ito.
Habang nasa daan ay hindi ko maiwasang hindi humanga sa kagubatang ito. Oo at nagagandahan ako sa harden ng palasyo ngunit mas maganda pa rin talaga tingnan ang mga bulaklak na ligaw na malayang namumukadkad. Mayroong ding ibang bulaklak na parang gumagapang sa mga naglalakihang puno na mas lalong nakakadagdag sa ganda. Idagdag mo pa ang mga naggagandahang at makukulay na mga paru-paru na nagliliparan sa ibabaw ng mga bulaklak.
Napakapayapa ng paligid. Wala kang ibang maririnig kundi mga tunog ng hayop.
Pinagpatuloy ko na ang paglalakad at unti-uti akong nakakarinig ng hagashas ng tubig.
May talon ba dito sa malapit?
Habang patuloy ako sa paglalakad ay unti-unti ding lumalakas ang naririnig kong hagashas ng tubig at doon nga nakita ko ang isang napakagandang talon. Wala pa yata akong nakikitang katulad nito kaganda. May malaking baton a naroroon sa itaas at nagkakaroon pa ng maliit na bahaghari ang bahaging iyon na lalong nagpaganda sa lugar. Napalingun ako sa kaliwang bahagi at nakita ko ang mga damit ng prinsepe.
Nasaan ba siya?
Nilapitan ko iyon saka inilibot ang paningin ngunit hindi ko sa makita. Pinakinggan kong muli ang paligid ngunit tanging ang paghagashas lang ng talon ang naririnig ko hanggang sa natuon ang paningin ko sa tubig sa di kalayuan. May maitim na hugis tao na unti-unting pumapaibabaw. Tinitigan koi tong mabuti hanggang sa lumutang na nga. Walang iba kundi ang prinsepe.
BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (Completed)
FantasíaI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.
