Chapter 9 - A total Different Persona

2.5K 121 10
                                        

-----------------------------

Greetings to @AnneCarolJonson and @JewelJanBuena, this update is for you two. :) Enjoy reading! :)

-----------------------------



Kahit hindi naman nararapat ay parang sumikip ang dibdib ko. Parang wala ako roon sa lugar na iyon. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng mahal na prinsepe.


Ah, oo nga pala. Isa lang akong hamak na taga pagsilbi at hindi ako nababagay doon kung hindi lang ako inimbita ng hari at sinabi sa ibang mga tagapagsilbi na tratohin ako na bisita.


Sinundan ko lang ng tingin si Prinsepe Victor. May napadaang tagapagsilbi dito na may dalang mga inumin at kumuha ito dito. Pati na rin ang mga babaeng kausap nito. Nagtatawanan sila habang nag-uusap.


Hindi ako nababagay sa lugar na ito. Tumalikod na ako upang lumabas na muna dahil kahit napakalaki ng lugar na ito pakiramdam ko ay ang sikip sikip ngunit isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay nagpalakpakan na ang mga tao. Nasa itaas pala ng hagdanan ang Hari at ang magiging Reyna. Si Lady Ivory.


"Nais kong ipaalam sa buong kaharian at sa inyong lahat na andito ngayon upang inyung masaksihan ang susunod na magiging Reyna ng kaharian ng Pria!" saad ng hari sabay taas sa wine glass na hawak.


Nagpalakpakang muli ang mga tao.


Pagkatapos ng anunsyong iyon ng hari ay lalabas na sana ako ng mahagip ng paningin ko si Prinsepe Victor. Nagulat pa ako sa hitsura nya dahil napakatalim ng tingin niya sa hari na puno ng pagkamuhi na hindi ko maintindihan. Saka ininum niya ang inumin na hawak hawak.


Hindi na ako nagtagal at lumabas na ako doon at nagpunta sa hardin ng palasyo.


Saka pa lang ako parang nakahinga ng maluwag ng malanghap ko ang malamig at preskong ihip ng hangin. Umupo ako sa isang upuan sa hardin at malalim na napabuntong hininga.


Paano bang nangyari ang ganito? Biglang-bigla nalang.


Napabuntong hininga akong muli at isinandal ang ulo sa likod ng upuan saka pumikit.


"Martinni?"


Iminulat ko ang mata ko at nakita si Jovann kaya agad akong napaupo ng tuwid.


"Anong ginagawa mo dito sa labas? Bakit hindi ka nakikipaghalubilo doon sa loob?" nagtatakang tanong niya.


"Nagpapahangin lang po ako." Sagot ko saka ngumiti ng peke.


Bahagya siyang napatango. "Ganoon ba. Pwede ba akong maupo sa tabi mo?"


Tumango lamang ako saka umupo na siya.


"Bakit nandito po kayo sa labas?" natanong ko dito.


"Nagpapahangin lang din at hindi ko inasahang makikita kita dito sa labas." Nakangiting tugon niya.

Loving His Highness - Victor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon