E P I S O D E N I N E

780 22 2
                                    

Nagising ako dahil sa ingay sa baba kaya tiningnan ko ito. Nakita ko si Soryu at may isang babae na nakahawak sa braso niya.
Biglang sumakit dibdib ko sa nakita ko. Mabilis akong tumago sa likod ng pader. Napaluha na lang ako.
" Thats enough, Sakura, youre disgusting" napatingin ako sa nagsalita, Eisuke, sabay hablot dun sa babae at inalis sa tabi ni Soryu.

" Eisuke" bulong ko sa sarili ko.

Nilakasan ko ang loob ko at bumaba kung nasaan sila.

" Hey Yuki, good morning" masayang bati sakin ni Soryu. Nginitian ko lang siya.

" And who the hell is she, Soryu?" naiiritang tanong ni Sakura.

" Shes my girlfriend" biglang saad ni Eisuke sabay kabig ng bewang ko at inilapit sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya pati rin sa sinabi niya.
Anong bang ginagawa mo Eisuke.

" Yuki" napatingin ako kay Soryu.

" Youve got a problem with that Soryu, besides wala ka namang dapat ikaingggit dahil andyan lang naman ang fiance mo" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Eisuke.

" F- Fiance?"

" Yeah" sabi nung sakura sabay yakap sa braso ni Soryu.

" Yuki"

" Lets go, may pupuntahan tayo" bago pa makapagsalita si Soryu ay kinabig na ako ni Eisuke paalis sa lugar na iyon.

" Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko kay Eisuke ng makasakay kami ng kotse

" Where do you wanna go?" napatingin ako sa kanya sabay nagiti.

Hindi man niya sabihin alam kong ginawa niya iyon para makaalis kami sa lugar na iyon. Minsan, hindi niya man pinapahalata pero alam kong mabuti siyang tao. Tinutulungan niya ako alam ko yun. Eisuke, sometimes you never fail to amaze me.

" Ano bang nginingiti mo diyan?" tanong niya sa akin.

" Nothing, masaya lang ako dahil tinulungan mo ako dun kanina"

" What do you mean by that?"

" Yung pinaalis mo ako dun, hindi ko din kase alam kung makakaya kong umalis sa harapan nung dalawa"

" Hindi kita hinila palabas dahil gusto kitang tulungan, alalahanin mo i can do anything to you"

Napangiti lang ako.

" But still thank you, Eisuke" nakita ko ang pagngiti niya. Biglang tumibok ang puso ko dahil sa ginawa niya. Hindi kaya.. No.. Hindi maaari. Ang sama sama kaya ni Eisuke saakin, bakit naman ako magkakagusto sa kanya. Feeling ko nagsitakbuhan ang lahat ng dugo ko sa mukha ko sa kaisipang iyon.

Matigas akong napailing. Hindi. Imposible.

" Ayus ka lang" napatingin ako sa kanya at ngayun ko lang napansin na inilapit niya pala ang mukha niya saakin. Mas lalo tuloy akong pinamulahan.

" Uh. Ahm" napangisi siya sa reaksyon ko. B-bakit biglang gumwapo siya

Wala sa huwisyo na naitras ko ang katawan ko, biglang nakabig ko ang lock ng pinto ng kotse at nabuksan ito.

" Shit!" narinig kong sabi niya bago ako tuluyang makapikit para ihanda ang sarili ko sa sakit. Pero wala akong naramdam sa likod ko kundi ang malapad na kamay na sumuporta saakin para hindi ako tuluyang mahulog.

Napamulat ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso. Parang nawala lahat ng bagay sa paligid ko at ang tanging natakot na mukha ni Eisuke ang nakikita ko.

" E-Eisuke?" nakahinga siya ng maluwag bago ako tuluyang pinaupo at nilock ang pinto ng kotse.

" You should learn how to put on your seatbelt" may halong inis sa boses niya ng ilagay ang seatbelt sa katawan ko.

" Dont scare me like that"
Napatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. Bakit ganito na lang kabilis ang tibok ng puso ko.

Eisuke....
----------------------------------------------------

Maiksi lang ang kada ep. Para hindi makatamad ang pagbabasa.
Thanks sa support.

K I S S E D by the B A D D E S T   B I D D E R (fanfic)Where stories live. Discover now