E P I S O D E T E N

729 24 2
                                    

             Wala kaming imikan habang nagmamaneho siya ng kotse, hindi ko din alam kung saan kami pupunta.
             Itinigil niya ang kotse sa tapat ng isang movie theater.

" Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa sa movie theater"   napabusangot lang ako. 
       Bumaba na kami at pumasok. Bumili siya ng dalawang ticket at malaking pop corn.

" Ano bang papanoorin natin?" tanong ko sa kanya.

      Pero hindi niya ako sinagot. Naalala ko yung sinabi niya sa opisina nung isang araw.

"Stop talking, it iritates me"
      Napangisi ako.

" Madalas ka ba dito?"

" Sino ba ang gumanap?"

" Stop asking questions"  naiirita niyang saad.  Pero sorry ka dahil it makes me wanna keep on going on. Ang cute mo kayang mainis. Wait what...

" Bakit ba kase ayaw mong sagutin ang tanong ko?  Mabaho ba ang hininga mo? Ano ba kase ang papanoorin natin? May soar throat ka ba?"      napatigil ako sa pagsalita ng inilapit niya ang mukha niya sa akin.

" Isa pang tanong, hahalikan na kita"    bigla kong nailayo ang tingin ko. 
     Nakita kong napangisi siya sabay umayos sa upuan niya. Napakain na lang ako ng popcorn.

      Ilang minuto din ang lumipas bago nagsimula ang movie.  

" Teka, parang kilala ko yung lalaki ah"    nanlaki ang mata ko ng makita ko ng maayus kung sino ang gumanap sa movie.

" Ota?!"   gulat kong tanong kay Eisuke, pero napakipot agad ako ng bibig ng matalim na tiningnan niya ako.

      Hindi ako makapaniwala, artista si Ota. I mean kahit black ang buhok niya diyan alam kong si Ota yan. 

     Napaiyak ako, napatawa sa pelikula, grabe ang galing umarte ni Ota.
  
   Natapos namin ang movie na magang maga ang mata ko sa kakaiyak.

" Grabe nakakaiyak yung story niya. Kung ako lang yung babae hindi ko iiwan si Ota..."

" Halika na "  hindi pa man ako tapos magkomento ay hinila niya na ako papunta sa kotse. 

      Umuwi agad din kami.

" Dito ka lang may kukunin ako sa kwarto ko" 
    Tumango lang ako. Pero napansin ko ang hawak hawak ni Eisuke. Teka suvenier  item yun ah doon sa movie ni Ota. Nacurious ako kaya sinundan ko siya sa kwarto niya.  Bukas ito kaya nakapasok agad ako. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Napanganga ako sa sobrang ganda.
     Habang nililibot ko ang kwarto niya ay may narinig akong tunog sa isang maliit na bukas na kwarto din sa loob ng kwarto niya.

       Pumasok ako doon. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.  Sa buong pader ay mga litrato ng magkakapatid.

   Si Ota na nasa picture na nanalo ng best actor. Pero itim doon ang buhok niya

   Si Baba na nanalo sa taekwando.

   Si Luke na nanalo sa swimming.

    Yung isang lalaki na itim din ang buhok.  Bata pa lang ito. At hindi ko din siya nakikita dito.

    Si Mitsunari na may hawak na drum sticks at Si Momuro na nasa likod nito.

     Pero sa gitna ng lahat ay sina Eisuke at Soryu na magkaakbay at malapad pareho ang ngiti. Siguro nung nasa high school pa lang sila nito dahil bata pa sila. Sa gilid nila ay isang malaking grand piano. Nakita ko din ang isang grand piano na parehong pareho dun sa litrato.

     Napangiti ako habang nililibot ang tingin ko sa kwarto.
      Hindi mo aakalain na sa loob ng isang walang pakealam na si Eisuke ay isang lalaki na palihim na sumusuporta sa mga kapatid niya.

" Anong ginagawa mo dito" 

     Napatingin ako sa nagsalita.  Patay

" E-Eisuke"

-------------------------------------------------------

K I S S E D by the B A D D E S T   B I D D E R (fanfic)Where stories live. Discover now