E P I SO D E T W E N T Y E I G H T

536 19 0
                                    

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naglakad lang pauwi si Yumi nung gabi na iyon. Hindi kase mawala sa isip niya yun sinabi ni Eisuke. Pilit na inaalis niya ang mga sinabi ni Esuke sa isip niya, pero habang ginugusto niya na mawala ito ay mas lalo pa itong tumatatak sa isip niya.

"Arrgghh"   naiinis na si yumi sa sarili niya dahil wala nang ibang laman ng isip niya ay yung lalaking nakasama niya pa lang kanina.

"Ano bang nangyayari saakin"  tanong niya sa sarili habang nakahawak sa dibdib niya, bumibilis ang tibok ng puso niya kahit pangalan lang ni Eisuke ang naririnig o nababanggit niya. 

       napatigil siya sa paglalakad si Yumi. Hindi pa din niya malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya, o kaya alam niya hindi lang niya maamin.

     habang nasa gitna siya ng pagiisip ay may narinig siyang parang yapak ng paa. Tumingin siya rito. Nakita niya ang isang anino na nakasandal sa puno. Kumunot ang noo niya, pilit na inaalam kung sino kaya iyon. Hindi niya na lang pinanssin kahit na sa kabila ng kaba niya.

    Naglakad na siya ng mabilis paalis sa kinatatayuan niya habang nagdadasal na san ay namamalikmata lang siya at hindi multo ang nakita niya. 

"I believe in god the father almighty............" nagsimula na siyang magdasal dahil sa sobrang kaba ng nararamdaman niya.

"Our father who art in heaven...."  patuloy pa rin siya sa paglalakad, kung pwede nga lang ay tumakbo na lang siya ay gagawin niya na.

  " Hail mary full of grace....."    hindi niya alam kung bakit siya naluluha, para siyang bata na kinuwentuhan ng nakakatakot na story.

        tumingin siya sa likuran niya kung nandoon pa ba ang anino pero wala siyang nakita. Nakahinga siya ng maluwag ng makita na wala na ito, siguro namamalikmata lang talaga siya at resulta ng imahinasyon niya. Napatawa siya ng mahina. 

     huminga siya ng malalim bago tumingin ulit sa unahan. Pero bigla na lang na may tumakip ng bibig niya at hinila siya sa isang madilim na lugar.

"Sino ka!!?" tanong agad niya ng pakawalan siya nito.

"Layuan mo si Master Eisuke kung ayaw mong masaktan ka" sabi nung lalaki na nakatakip aang mukha

" Sino ka ba!!" tanong ulit niya.. 

     may inilabas itong baril mula sa likuran nito at itinutok sa kanya.

"Layuan mo si Master Eisuke kung ayaw mong pasabugin ko yang ulo mo"   hindi na makapagsalita o makagalaw si Yumi.  Hindi niya alam kung paano siya napunta sa lagay na iyon. Ano bang ginawa niya? may ginawa ba siya,  

" BAkit sino ka ba talaga paara pigilan ako ah,, wala kang karapat...."  biglang dumampi sa pisngi niya ang matigas na palad ng lalaking hindi niya makilala.  Napaupo na lang sa sahig. 

"Ang kulit mo rin eh noh" sabi nito sabay kasa ng baril na hawak niya. Napapikit na lang si Yumi sa nangyayari. Siguro ito na talaga ang  katapusan niya. Hinayaan niya na lang na tumulo ang luha niya sa hulinng pagkakataon.

                  ' Eisuke..."  sabi niya sa isip niya bago marinig ang putok ng baril. 

      Nakahawak ang kamay niya sa magkabilang tainga. Wala siyang naririnig, tila nabingi siya sa lakas ng putok ng baril. Nagtaka siya kung bakit wala siyang nararamdaman na sakit o kahit mahimatay man lang siya. 

     Bubuksan na sana niya ang mata niya ng maramdam ni Yumi na may humawak sa kamay niya na nasa tainga niya..

"Please Yumi, keep your eyes closed"  

"Eissuke?" saad niya agad ng marinig niya ang boses nito, bubuksan sana niya ulit ang mata niya kaya lang pinigilan ulit siya nito.

"Please dont, wag mong buksan, please Yumi" pagmamakaawa nito. Tumango na lang si Yumi sa sinabi nito. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

K I S S E D by the B A D D E S T   B I D D E R (fanfic)Where stories live. Discover now